___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!
Showing posts with label FRIENDSHIP..... Show all posts
Showing posts with label FRIENDSHIP..... Show all posts

Sunday, September 14, 2008

Award from Mari....


Hallu all....! Nandito na naman po ulit si ako nanggugulo he-he....! Bago ko rin pala makalimutan, this award was from Mari, given to me a very long long time ago pero ngayon lang ulit ako nagka-chance na i-post to dito.... Baka sabihin tuloy ni Mari na kinalimutan ko na ang pag-post nito dito he-he....! As usual, busy pa rin po ako gaya ng dati.... Medyo nadagdagan kasi ang mga duties and commitments ko sa everydaily life ko ngayon.... My real world seem to have been falling on me like a ton of bricks lately, mostly in a good way naman but it was also almost demanding for my fullest attention too, pero hindi ko pa rin pwedeng iwanan tong blog-word kasi in a way ay natutuwa pa rin ako at nagpapasalamat na naging bahagi ako dito at nagkarun pa ng madaming mga amazing good friends....


It's been quite sometime since i've decided to start blogging, gaano na ba katagal yun....? Mga tatlong taon na yata di ba....? I've started as a sobrang malupit na magpupuyat para magsulat ng mga entries na kahit medyo nakakalimutan na ang kumain, matulog at gumamit ng toilet paminsanminsan ay matibay pa rin at malagkit ang pagkaupo sa harap ng computer para magpipipindot sa keyboard at tapusin ang mga walang kamatayang drama sa buhay ni Pepe at ng adbentyors nya sa downunder.... Pero ngayon, medyo kinakapos palagi sa oras kaya slowdown muna pansamantala si astig.... =D


Madaming mga nabago at naging pagbabago marahil dala na rin to ng mga malalakas na dampi ng hangin sa ating mga mukha o ba't ka nagtatakip ng ilong dyan....! Hindi yung hangin na yun ang ibig kong sabihin, 'kaw talaga....! Wat i mean po ay ang mga pagsubok na lahat naman yata tayo ay meron nito di ba, magkaibang level nga lang siguro ng difficulties for each and every individuals.... At kung wala ka namang problema sa buhay dyan ay siguradong hindi ka taga dito sa earth ano....! Check mo baka sakaling kamaganak mo pala si Superman from planet Krypton tsong ha-ha....! Oi, naalala ko tuloy one time nung pumasok ako minsan sa isang store ng Toys R Us sa sydney.... Nabasa ko dun sa isang Superman outfit na pambata na may nakasulat dun sa tag nya sa likod ng damit sabi dun, "WARNING: Wearing of This Garment Does Not Enable You to Fly".... Naisip ko lang, ano naman kaya ang nakasulat dun sa Little Mermaid outfit....? Baka ganito, "WARNING: Don't Wear This Garment in a Japanese Sushi Restaurant or You'll be Sorry" matingnan nga kung tama ang hinala ko next time ha-ha....!


Pero obviously, sa tinagaltagal ng pagbu-blogging ko rito ay iisa lang yata ang hindi nagbago, walang iba kundi itong walang kupas na layout ng blog ko na minsan kahit ako ay sawang-sawa na rin tingnan to....! =D Yun pa kasi isa kung problema, madali akong makuntento.... Example na lang, pagkumakain sa parties or any gatherings, kung yung iba ay halos tambakan ng tambakan ng pagkain at paghaluhaluin ang mga to sa plato nila na parang kaning baboy para lang matikman ang lahat ng putaheng nakahain sa table, ako naman ay kukuha at babalikbalik lang para sa dalawang o tatlong particular na dishes na kilala ko na ang lasa at yun kuntento na ako dun.... Pero ba't nga pala napunta sa kainan tong usapan natin....? Oo nga, ba't nga ba....? Nakalimutan ko na rin tuloy ang puto.... pwe! pwe! punto ko pala dito he-he....!


Ang gusto ko lang naman sanang ipaabot sa lahat hanggang sa kayang maabot nitong maikling drama ko na'to na kahit medyo hindi ako masyadong nakakasama nyo dito ng madalas ay nandito pa rin naman po ako pasilipsilip at pabasabasa lang sa mga messages nyo at wala pang balak na tumigil at kahit itakwil nyo man tong kaastigan kong to ngayon ay kakapit at kakapit pa rin ako ng mahigpit sa mga maskulado at mabalahibo nyong mga binti por gad seyk hab mirsi on mi hu-hu....! Tindi ng drama mo dyan Peng....! At sana po ay patuloy pa rin kayong magtatyagang bumisita dito kahit na naging medyo boring na ako lately he-he....! Promise ko naman na sasagutin mga iniwanan nyong mga pagbati at comments abutin man ako ng limang taon sa pagsagot sa lahat ng mga yun ay gagawin ko alang-alang sa ating ispesyal prensyeps doon.... And lastly, thank you ulit Mari for this very very nice award, wala na akong utang sa'yo ha, goodie weekend all....! Yun lang po he-he....! Okay na, pwede na naman akong maglakwacha ng isang linggo wooohooo....! Ingatz all....! =D

Monday, August 11, 2008

The day i met Kneeko....

I can't hardly wait to post this entry here, excited akong i-share to sa inyo guys....! Last monday kasi, i've met a fellow blogger na nun ay palaging bumibisita lang dito sa blog ko but this time ay nagkita talaga kami in flesh wooohooo....! The person i'm talking about ay si Kneeko po.... Nun pa sana kami dapat nag-meet nung bagong dating sya dito nung last year, kaya lang hind ko talaga magawang takasan ang mga schedules ko sa trabaho, but this time ay ninakaw ko na talaga ang ilang oras just to meet him nung monday evening....!

That's Kneeko there at the far right, yung naka green shirt, hindi ko na kilala ang ibang mga nandyan.... I hope you wouldn't mind na ninakaw ko tong photo mo from your blog pre.... First offense ko pa lang to kaya sana pagbigyan he-he....! =D


He was working in Saudi Arabia before he came to Sydney, Australia.... Hindi ako sigurado pero natatandaan ko lang yan dun sa mga nabasa ko sa blog nya nun.... He got married to a sydney woman months ago kaya nandito na sya ngayon ha-ha....! Mahabang istorya po, aabutin tayo ng isang buwan dito kung isasalaysay ko pa sa inyo ang buong buod nito (lalim nun a he-he).... Tagal na kasi akong kinukulit nito na magkita kami kaya lang palaging subsob sa trabaho at masyado akong nagpapakayaman kaya hindi ko tuloy sya napagbigyan he-he....! Joks lang....! Wala nga akong naiipon ngayon, dami ko kasing bills na binabayaran.... Balak ko pa naman sanang umuwi ng pinas on christmas day hu-hu.... Sana taasan naman nila ang sweldo ko kahit dalawang piso lang po plis....


Our meeting place pala was in front of Hungry Jack's in Parramatta City, dito ako nakatira.... Around 6 pm ng gabi last monday the 4th of august, malamig ang simoy ng hangin, umuulan, kumukulog, at kumikidlat.... Aw-aw-awoooo....! Parang horror movie he-he....! I told him that he won't miss me because i will be wearing my Trademark Cap and Jacket (TCJ) na kagaya ng nakikita nyo dyan suot ko sa taas, sa self portrait ko.... He said, he's currently studying at Parramatta University which is just few minutes walk from where i live kaya madali kaming nagkita kaagad....


Kneeko by the way is from Sibuyan Island sa pinas, magkatabi lang probinsya namin kaya magkapareho kami ng dialect nito.... Mas ayos kasi madalang masyado ang mga ilonggo dito sa downunder kaya tagal ko nang hindi nakakarinig dito ng salita namin, pwera na lang kung nakikipagkwentuhan ako kay AB sa phone.... Lalong nasanay tuloy ng katatagalog tong dila ko kaya nung umuwi ako last time sa pinas ay nabubulol at hirap akong maghalungkat ng mga terms sa salita namin....


Anyways, yun na nga nagkita kami ni Kneeko nung monday bandang 6:30 in the evening, kagagaling ko lang sa work nun.... Ang ganda rin ng atmosphere nun dun sa may meeting place namin at malapit pa sa shops.... Dito kasi sa Parramatta City, sa gabi ay parang yung sa streets of New York ba na mga scene na may mga nagba-busking sa kalye.... May mga tumutogtog ng saxophones, guitars, harps, flutes, etc at kung ano-ano pa sa gilid ng mga sidewalks kaya ang sarap tumambay dito sa gabi at makinig ng magagandang musika ng mga street performers....


Nagkasundo kaming dun na lang ako maghintay dahil way nya rin daw yun papuntang school nya kaya habang wala pa sila nung kasama nya ay nakuntento muna akong manood ng meditations nung mga members ng Chinese Falun Gong Practitioners sa may playground malapit sa may Hungry Jack's.... After about twenty minutes ay tinawagan nya ulit ako sa mobile ko tapos nakita ko syang kinawayan ako sa may di kalayuan.... Lumapit ako, nakipag-shake hands, at nakipagkwentuhan ng kunti with him and his friend na pinoy din pala.... At last, na-met ko rin si Kneeko, kahit medyo short encounter lang.... Niyaya ko silang kumain muna, sabi ko ako ang taya, kaya lang medyo nagmamadali yata sila nun dahil late na yata sila sa class nila sa Uni kaya medyo maikli lang kwentuhan namin....


At least, nagkakilala na kami.... He seems to be doing well with his job and schooling rin naman.... I'm so glad to have finally met Kneeko after a lot of failed attempts.... Magkape tayo minsan pre, para naman makapagkwentuhan tayo ulit ng medyo matagal-tagal, this is actually my very first time to meet a fellow blogger in person kaya astig ang feeling....! Ganun pala ang pakiramdam nun, alam mong kilala mo yung taong kausap mo pero nun mo lang sya nakita for the very first time ha-ha....! Sabi nya, ang tangkad ko raw pala.... I'm looking forward to meet him again, this time sabi nya isasama nya misis nya para raw makilala ko rin....


It's been a while since i last exchange words in my native tongue here, buti na lang hindi ako nabulol ulit he-he....! Hopefully, someday, i can also meet some of you guys in person.... Madami akong mga bloggers to meet in my list kaya lang palagi akong kinukontra nitong very hectic kong mga schedules kaya hindi matuloytuloy ang mga planong bakasyon back to pinas.... But, who knows one of these days when i come back to pinas for a visit, i might bump into one of yous sa kalye and malls dyan ha-ha....! =D

Sunday, July 13, 2008

Houston, the Pope have landed....!



Got this Sharing the love badge from Redlan last week, salamat dito Red.... And since i don't have much time to hop-around to give and inform friends about this, i would like to share this to everyone instead who are visiting and willing to share this badge to some of their blog-friends as well.... As usual, palaging busy pa rin po ako kaya pasensya na kung hindi ako masyadong nakakapag-update ng mga entries ngayon.... . . .


By the way, to those who doesn't know yet, here's the latest talk of the town ngayon dito, the Pope Benedict XVI have already arrived here in downunder today few hours ago sakay ng Boeing 777 na papal-plane for the Catholic World Youth Day Celebrations that i think will open on tuesday.... Madami nang mga pilgrims ang dumating last week pa from different corners of the globe.... Teka, may corners ba ang mundo, bilog to di ba....? Mukhang inagahan lang muna nung iba para makapaggala sila ng kunti around downunder.... I was watching his arrival on tv today at nakita ko nga sya at andalidali ko rin sya na-notice kaagad dahil sya lang ang may suot na white robe dun sa crowd with matching nililipadlipad pa ng hangin ang cape he-he....! Kasama ang mga goons nya na naglakad patungo sa mga nakaparadang puting kotseng maghahatid sa kanya sa official papal-home kung san sya temporariling titira for the next weeks na stay nya dito....
Nagtataka lang ako kung bakit ni wala man lang masyadong hukos-pukos at ano mang seremonya ang pagdating nya dito.... Expected ko kasi may mga Aboriginal Dancing at kung anong cultural displays muna, hagis ng Bomerang dyan ay tugtog ng Didgeridoo dito, pero basta na lang sya kinaladkad nung mga men in black at mga mamang kalbong may platitong kulay pink sa ulo dun sa kotse pagkatapos ng kumustahan from the australian officials and priests at vaaroooom! lakad kaagad ang kotse nya....! At ang nakakatawa pa dun ay ang mga mukha nung naghintay ng matagal dun sa airport sa pagdating nya kanina na parang naengkanto at nagtataka sa sobrang bilis ng pangyayari ha-ha....! Alam ko naman na for security reasons lahat yun.... Parang yung scene sa Charlie Chaplin movies na naghahabulan, kaya sabi ko nga kulang na lang lagyan ng background music na kagaya dun sa Charlie Chaplin at ganung-ganun talaga ang labas ng scene kanina ha-ha....!


So for the next few days ay siguradong expected na ang mabagal na daloy ng traffic dahil redirected lahat ng mga routes na papuntang sydney, hopefully wag lang masyadong maapektuhan ang daan ko papuntang trabaho.... Dapat kasi nag-declare na lang sila ng public holiday na katulad nung last Apec Summit dito para naman makapag-blogging ulit ako.... Medyo matagaltagal kasi tong World Youth Day kaya siguro hindi nila ginawang public holiday....


Medyo tinganghali pala ako ng gising kanina.... May pinuntahan kasi akong birthday party kagabi at may nakilala akong mga greek nationals dun na bisita rin at nagbukas sila ng dalawang boteng red wine na napakatamis, singtamis ng honey kaya eto, medyo napalakas ako ng inom ha-ha....! Hindi ko lang maalala ang pangalan nun kaya kanina ko pa pilit niri-recall, balak ko kasing hanapin sa liquor shop minsan para ipatikim sa tatay ko next na balik ko sa pinas.... Sabi nung isang grego, mahal daw ang wine na yun, almost 50 dollars daw isang bote tsk tsk....! Isang pares na sapatos na yun a....! Subukan ko ngang hanapin minsan baka nagyayabang lang kasi gawang bansa daw nila yung wine na yun....


Anyway, sana maging successful ang celebrations ng World Youth Day at wag sanang masyadong maggagala si Pope Benedict sa bush dahil madami kaming dangerous wild animals dito sa downunder tulad ng Koala at Kangaroo, mga man-eating beasts he-he....! Joke lang....! =D

Sunday, April 06, 2008

Love circle award from Mrs.T....

Another award from ever thoughtful Mrs.T....! Been so busy lately, only time to blog ko lang as usual ay weekend.... Nakakagulat tuloy ang dami ng mga new entries na nakikita at binasa ko from different friend's blogsites.... Napakasipag nyo naman....! Buti pa kayo may mga time na mag-update he-he....! =D


Thanks for this Mrs.T, hindi ko alam kung sino ang mga wala pa nito kaya aalamin ko muna kung kanino ko ibibigay.... Anyways, kung nagustuhan nyo naman at balak nyo ring i-share sa iba, just feel free to get it from here....

Hindi ako nag-OT kahapon pero hindi ako nakapag-blog dahil tinapos ko muna yung latest scene na ini-illustrate ko for that childrens book in thailand, medyo na-delay kasi ako dun nitong week na to dahil sa busy rin ako sa full-time job ko.... Anyways, malayo pa naman ang deadline nun, sa tuesday pa kaya tinapos ko na kahapon kaya relax ako ngayon....


Hirap pala ng weekend mo lang sinasagot ang mga iniwanang messages and comments sa blog mo kasi inabot yata ako ng mahigit 5 hours kaharap ang pc ko pero hindi pa rin ako tapos mag-reply ng mga messages hanggang ngayon....! Nasa first blog ko pa lang yan ha, may dalawa pang kasunod dyan....! Buti na lang wala halos naliligaw dun sa cartoon-blog ko....! =D


Anyways, have a great week ahead na lang sa lahat.... Mag-iisip pa ako ng magandang entries para sa next ko.... Ingatz....!


I was about to share this award to Redlan pero naunahan ako ni Roselle ha-ha....! Now i have to check the others kung sino pa ang wala nito.... =D

Saturday, March 01, 2008

This time an award from Honey....

Another award he-he....! This time it's from Honey naman, not my honey but somebody else's honey....! =D This is like walking in the streets of hollywood and reading names of famous actors when suddenly i've walked accross my name in one of those celebrity stars on the footwalk, custom made by Honey lang pala for Pepe....! Salamat dito Honey....!


Last night by the way was the sydney's once a year colorful, crowded, and full of fun event the Mardi Gras, This year's Mardi Gras features a number of festival events, including an outdoors Mardi Gras Fair, and culminates in the nighttime Mardi Gras Parade, followed by the Mardi Gras Ball.... Hindi ko pa to napanood to sa talagang event venue mismo pero makikita naman at mapapanood ng live on tv.... Anyways, eto ang isang short footage to give you an idea on how the fun is like.... =D

Friday, February 29, 2008

A doggie from Bunso and Zkey....

It's friday again kaya nandito na naman ako wooohooo....! But before anything else, i would like to thank Bunso and Zkey for this very late ko nang ipinagyabang na naman na award ko he-he....! Thanks Zkey, sensya na sa delay pareho ha....? Anyways, eto na sya, DYARAAAAN....! =DBunso and Zkey actually are regular visitors and blogo-friends of my astig museum, but since i only post artworks ang limited text there ay dito ko na lang sila inilagay para na rin makilala nyo sila dito.... Ito yata ang tinatawag na bagyo ng mga awards, signal number 3....! At meron pang iba na hindi ko pa nagawa dahil busy, pero promise bukas lilitaw na lang bigla dito na parang bula....! By the way, this week has been so very busy for me, but as i've promised ay sisikapin kong huwag pumalya pagdating ng weekends.... Kumusta na ba ang lahat....?


Also, there was a very unexpected event this week.... I think it was last wednesday night when i've just came home from work, cook myself a dinner, and have just finished eating when my mobile phone received a text message.... Si Kneeko, one of my friends here in the blogos at kapit-island din dyan sa bisaya ay nandito na rin pala sa downunder ngayon....! Naalala ko na binigyan ko pala sya ng phone number ko nung sinabi nya nun na on his way to australia sya this february, pero hindi ko ini-expect na tutuhanin nya na tatawagan ako....!


Medyo halata pang feel na feel nya ang lamig dito dahil sa medyo nanginginig nyang boses habang nag-uusap kami sa phone, baka feeling shy lang sya dahil first time namin narinig ang astig na boses ng isa't-isa ha-ha....! Sadly we did not meet in person because of some critical reasons, undercover kasi ako, ssssh....! Joks lang he-he....! Busy lang talaga, pero binalita nya sa'kin na ikakasal raw sya this coming week kaya congratz and good luck na lang sa'yo Kneeko....! Wag kang matakot, everything will be alright....! Inhale... exhale.... Ganyan lang yan, please continue....! =D


Kneeko pala is from the marble island of Romblon, hindi yung cake isla po 'to, a few hours boat-ride lang followed by sang batalyon na mga pating from my city in the visayas kaya "bisaya gid nga tuod" sya like Redlan , Zj, and Pepe....! I never been to Romblon but we have a neighbor for more than 20 years in the phils na taga Romblon and they'are good people.... They love seafoods so much like me kaya mahilig akong makikain sa kanila nun ha-ha....! Hopefully in the future ay magkikita kami dito, pero sa ngayon alam kong busy pa sya sa preparation ng kasal nya.... I might ring him up again in two weeks time just before the easter show at baka gusto nilang mamasyal, as long na hindi ako busy....


All in all, my week was almost perfect kahit walang sign ng summer dahil sa La NiƱa na natapos lang yata ang summer season dito pero ni hindi man lang lumagpas ng 30 degrees C ang temperatura kaya kasing lamig ng autumn ito.... Maspagpapawisan ka pa yata sa loob ng fridge, promise....! I hope it's not a bad timing rin to para kay Kneeko na nasanay na sa mainit na panahon dun sa Saudi Arabia where he was working before.... Patay kang bata ka, pasma at rayuma ang aabutin mo dito....! Anyways, i'm off to visit your blogs any moment from now, kung sino man ang nag-iwan ng mga comments and messages nila dito, i'll be with you at your blogs in a short while.... Salamat sa inyo and have a great weekend up ahead....! =D


Saturday, February 23, 2008

Hero award from Redlan....

I'm a HERO wooohooo....! Talagang hinintay ko muna ang weekend bago ako nag-post nito para makapag-isip ako ng mabuti.... Thanks dito Red, i really appreciate your effort, alam kong gawang kamay mo talaga to salamat he-he....! Pasensya na sa delayed posting, masyado kasing limited ang time ko ngayon.... Alam mo ang ganda nito pwedeng pagkakaperahan....! Jokes lang....!


By the way, if you want to see more of this arts try visiting Redlan's blog because it's full of interesting topics, you'll never regret your visits there....! Promise ko pala sa kanyang magku-comment ako ngayong weekend at napakarami ko nang na-miss na mga entries nya.... I'll do that first thing tomorrow morning Red....


Kumusta na pala ang lahat....? Ako ganun pa rin, busy pa rin sa work as usual at wala na halos time na maglalabas o kahit mag-ikot man lang sa shops, ni hindi ko nga nagawang dumungaw man lang sa may bintana buong araw plus nakahanap pa ako lately ng extra income online kaya eto, nakapako na tuloy ako sa harap ng pc most of my time pagkagaling sa daytime job.... Ni ayaw ko na ngang rin matulog minsan dahil pakiramdam ko ay aksaya lang sa oras yun, instead na madami kang magagawa kapag gising ka.... Kung hindi lang talaga dahil dito sa dalawang mga mata ko na ayaw mag-cooperate all the time ay magpapakapraning na lang talaga ako just to cope-up with my busy schedules....! Hay buhay nga naman....!


I find this job, or shall i say it found me.... May nagbisita kasi dun sa Astig museum ko few week ago at nag-offer na kung gusto ko raw maging illustrator ng pambatang mga libro.... At first ay ayaw kong magtiwala kasi sabi ko sa sarili ko, pano naman namin gagawin yung deal dahil quarter a world away ang layo namin sa isa't-isa....? By the way, nasa Thailand pala yung author ng books, teacher sya and at the same time ay nagsusulat ng aklat.... Luckily, one of my friends here in the blogos happened to know this person at dati pa silang magkasama sa trabaho kaya binigyan nya ako ng guarantee na fair tong tao na to kaya yun tinanggap ko na....


Hindi gaanong malaki ang bayad dahil sya lang ang nagsu-shoulder ng bawat publications nya at mababa din ang currency nila compared to here in downunder, pero okay na rin sa'kin at least nagkarun naman ako ng exposures di ba....? Per drawing pala ang deal namin, so multiplied by 15 ay medyo okay na rin.... Matagal ko na kasing pangarap na maging illustrator mula pa nun kaya lang walang magandang break kaya if ever na maging successful to, i will be very happy....! Anyways, it's already midnight, tulog na muna ako.... I'll be visiting your blogs again tomorrow, i still have one more award to post pero bukas na rin yun.... Ingatz all, have a good weekend everyone....! =D

Tuesday, February 19, 2008

Heto pa ulit from Bry....!

This one's from Bry naman....! Salamat dito Bry....! You know, it's a great thing na na-uso dito sa blogos tong mga tags, awards and other things kasi hindi naman sa lahat ng oras ay very fruitful and flowery tong utak ko para mag-isip ng topics for my updates.... Some might find them very annoying, but for me they create a kind of breathing points where at times na wala na akong maisulat and instead na iwanan panasamantala ang blogging at umupo sa tabi at magminimuni ay eto meron pala akong pwedeng ilagay just to keep the fire burning di ba....?


Ewan ko lang sa inyo kung agree rin kayo rito sa idea ko na to, basta yan ang views ko towards friend's tags, and awards here in the blogos.... Kita nyo naman, meron pa rin akong pang update ngayon at madami pang for the weekend ko naman ipu-post.... At the same time ay nabibigyan ko rin ng pang updates ang iba.... Kahit na medyo nangangapa pa tong utak ko ngayon ng topics para i-post dahil busy nga ako sa trabaho ko the whole week....


By the way, i've made two kids happy pala today, what happened was i had a whole boring day today kasi inaantok dahil sa kakapuyat ko dun sa movie na "Ong Bak" kagabi, thailand's finest yata yun about the culture and the thai-martial arts ang "Muay thai" at medyo naduling rin mga mata ko sa kababasa at kahahabol dun sa subtitles....! It was fantastic, actually i've seen that maybe around twenty times already he-he....! Kaya yun, hating gabi na natulog tapos maagang gumising para pumasok ulit resulta, zombie ako buong araw....!


Anyways, balik ako dun sa mga happy kids.... Bandang mga 5 pm kaninang hapon, kalalabas ko lang ng trabaho sabay perform na naman ng aking trademark na daily goodbye kaway sa mga nakatingin na mga unggoy sa'kin sa kanikanilang mga office windows at aktong magtatravel na akong pauwi ng mapansin ko ang isang puting ibon sa may damuhan.... Sabi ko, parang kamukha to ni Dexter a, my ex-pet cockatiel na isip tao at tamad lumipad at ang gusto ay maglakad lang ng maglakad.... Dexter - taken from the cartoon character, Dexter the scientist na may hair-do din na yellow he-he....! Nakakatakot lang kasi baka sa sobrang kalalakad ay biglang maapakan ko na lang sya minsan.... Malas lang kasi accidentally nakalabas sya sa bintana at naligaw ng landas at naging palaboy nang tuluyan mga two taon na ang nakakaraan at similar ang looks dyan sa inilagay kong pitsel este picture pala sa kaliwa mo.... San na kaya umabot ng kalalakad yun....?


Na-realised ko rin na born in captivity yun dahil sa bright colorations ng balahibo nya na present lang sa mga captive breed dahil sa color-mutations na siguro dala ng controlled diet nila.... Sinubukan ko syang lapitan ng talagang malapit na malapit pero ayaw pa ring lumipad, tapos ng hinawakan ko ay lumipad pero bumalik malapit sa akin at dumapo sa may sangga kaya hinawakan ko na, kinagat pa nga ako sa kamay, at judging dun sa kagat nya na hindi gaanong masakit ay male cockatiel sya.... Ang mga female birds kasi masakit mangagat na kagaya rin sa tao ha-ha....!


Hindi ko naman pwedeng iuwi kasi baka gutumin lang lalo sa apartment ko dahil walang mag-aasikaso sa buong araw na wala ako.... Madilim pa kasi ako umaalis tapos gabi na rin kung umuwi kaya sabi ko kawawa lang sya dito sigurado.... Good timing naman na may dumaan na dalawang batang babae kaya tinawag ko tapos sabi ko, sa inyo na lang to pakainin nyo ng kare-kare with matching bagoong, rice, and ice cream mamaya....! Joke lang yung last part, maintindihan naman kaya, australians kasi yung mga bata....! =D


Nanghinayang din ako dahil sana finders keepers yun dapat, pero parang tuwangtuwa naman yung mga bata at nagmamadali pa ngang umuwi dahil sa sakit ng mga tuka ng ibon sigurado....! At least, after school ay hindi na siguro sila maggagala ng tulad kanina dahil may ibon na silang aalagaan sa bahay di ba....? Sana dinala ko na lang pauwi, sayang tsk....! Anyways, i've made someone happy today at proud na rin ako dun.... Nakakapagpataba pa ng puso he-he....! =D

Sunday, February 17, 2008

Eto na naman ulit....

There's more of these where it came from, that's why they seems not running out in supply ha-ha....! What i mean is the walang sawang awards givings coming from ever thoughtful, and ever sweet na si Mrs.T, salamat dito ulit Mrs.T....! Pasensya na rin po kung hindi ko masyadong naaasikaso tong blog ko ngayon kasi medyo busy lang si ako sa trabaho pambili ng bigas at tinapay, pero nandito pa rin naman ako most of my time wala lang ngang oras para mag-update at mag-answer ng mga messages and comments....


Promise ko naman na every weekend ay sisikapin kong maging available para masaya pa rin tayong lahat he-he....! Naisip ko rin na it's about time na siguro para mag-setup ako ng mga pc dun sa toilet, balcony, and kitchen kasi most of the time ay nandun ako sa mga yun, jokes only hindi ako ganun ka yaman ano....! =D


Sakali namang medyo natagalan bago ko nasagot ang inyong mga messages and comments ay wag lang po sana kayong magtatampo dahil sisiguraduhin ko namang maipadala ang lahat ng mga ito kay santa clause for your gift this christmas * toinks! *.... Anyways, salamat ulit dito Mrs.T, another score nyo na naman to, natambakan nyo na yata ako ha-ha....! Gusto ko sanang i-share to sa mga blog-friends ko kaya lang hindi ko pa alam kung sino-sino sa kanila ang wala pa nito.... Anyways, i-try ko para kina Krisha, Karmi, Virginia, Nice, Honey, Julia.... Come and get it guys....! =D


Sunday, February 10, 2008

Another one from Mrs.T....

A double XX size extraordinary award from always and ever thoughtful Mrs.T .... Thanks for this again Mrs.T....! Have you noticed how these awards and tags had been raining on me this weekend, hindi lang ulan parang bagyo pa....! Ha-ha, talagang inulan ako ng mga awards na hindi ko halos malaman kung saan unang sasalag at magkukubli....! Sana naging pera na lang para biglang yaman ako he-he....!


Kaya lang pagyumamaman naman pala ako ay baka hindi nyo na ako makikita rito kasi busy na ako nun sa kaba-bungee jumping, kaka-tour around the world at kari-relax....! Now i have to think again of blog-friends na wala pa nito, kung pwede ko lang kasi isulat dito lahat ng mga laman ng links of friends ko kaya lang kulang-kulang sandaan yata ang mga yun, mabagal pa naman akong mag-type at two fingers lang ang gamit.... Anyways, kung sino na lang ang may gustong magkarun nito ay kuha na kayo ng copies nyo, wag lang kalimutan ang mga resibo....! =D

Award from Genny....

Another award, this one's from Genny naman wooohooo....! Napuno na ng mga awards ang blog ko ha-ha....! Sarap pala ng valentines day pagmadaming friends....! Thanks very much Genny, and thank you all....! Feeling red carpet ako nito a....! Pwede na kayang pang-red carpet tong suot kong puruntong and puting t-shirt ngayon, kagigising lang kasi he-he....! I wanna share this to everyone, come and have one....! Have a great loving-loving week ahead sa lahat....! =D

Saturday, February 09, 2008

Award from Redlan....

Kapapamigay ko lang ng award kanina tapos meron din pala akong matatanggap ha-ha....! This one's from Redlan, thanks for this Red....! Parang exchange gift to a....! Ika nga, " share a table, and win a chair! " he-he....! Pag-iisipan ko pa kung kanino ko to isi-share kasi masyado na yatang na-uso ang award giving ngayon na halos lahat na yata ay meron na rin ng mga awards na meron ako kaya iti-check ko muna.... =D

Thursday, February 07, 2008

Award from Dakilang Tambay....

This one's from Dakilang tambay....! Thanks....! I would like to share this with some of my blog-friends, to Redlan, Mrs.T, Mari, Zj, Karmi, Kulay, Ladyracer, Mel, Marie, Luki, Genny, Honey, Julai.... Happy Valentines Day all....!

Monday, January 28, 2008

An Excellent award from Mrs.T....

I've just received another award again last week from always and ever thoughtful na si Mrs.T....! Medyo nahuli lang ang pag-post ko dito Mrs.T kasi napaka-busy po ni ako ngayong mga buwan plus the pa-impress effect to the boss pa dahil may ginagawa kaming silent campaign ngayon (silent campaign, ano yun nangungunsensya....?) to convince the management to bring back the overtime kasi napakahirap talagang mag-cope up sa mga gastos, budgets, bills, etc kung wala yun....


Alam nyo, there's something right about this award kasi my real name behind the stage of blogging actually starts with the letter "E"....! Opo, kaya tamangtama tong award na to sa'kin....! Kayo na ang bahalang mag-isip dyan kung anong pangalan yun na starting with the letter "E", sigurado naman akong hindi nyo kayang hulaan ha-ha....!


Pasensya na rin pala kung medyo hindi ko masyadong naasikaso ang mga comments, tags, and messages nyo lately kasi busy lang talaga ako sa mga rackets ko sa buhay kaya weekend lang talaga ako makakapag-blog ng matagaltagal.... Meron naman computers sa trabaho kaya lang hindi ko masyadong ginagamit at mahirap nang ma-overload ng spams ang server ng kompanya at ako ang mapagbintanagan, nakasalalay yata ang propisyon at laman ng wallet ko dun he-he....! Anyways, just keep dropping by at sisikapin ko rin na sagutin lahat ng mga messages nyo pag-weekend pagkatapos kong maglaba at mamalantsa....!


Oi, advance happy valentines day pala sa lahat, o ano nakahanap na ba kayo ng mga dates nyo....? Pagwala ka raw kasing date sa valentines day, tawag sa bisaya nyan ay "bingkong", ewan ko kung paano at saan nag-originate ang word na yan para dun sa mga bigong puso sa araw ng mga puso, pero ang ibigsabihin ng word na yan sa tagalog ay "pilipit", pilipit na tansan o pilipit na coins, basta kahit na anong pilipit ha-ha....! Pilipit na puso siguro....! By the way, i will try to post something good on that day and it should be unique, maybe something bizarre again.... Have a great weekend everyone....! Ingatz all....! =D

Monday, January 21, 2008

Back to working mode si astig....

I'm finally back to work today after a long christmas break.... The day was same as usual, althought we had been moved to another spot deep inside the company floor kasi bago pa kami nag-christmas break last year ay patuloy nang ginigiba at niri-renovate ang ibang sections plus the layout ng soon to be rising na new looks ng production areas na nakapaskil na sa may bulletin board sa tabi ng table ni big boss ko....


The new location of my work table is alright, kaya lang kailangan ko na namang i-rearrange ang lahat dahil pinagkakalas nga nila ang mga abubot namin dun sa mga luma naming tables nun at inilipat dun sa bago.... Okay naman ang takbo ng araw ko although kailangan lang ng kunting adjustments kasi nawala na yata'ng lahat ng abilidad ko dun sa work dahil sa haba ba naman ng pahinga ng utak ko the whole christmas break and extensions he-he....! At the end of the day, masakit ang batok at shoulder blades, naninibago lang siguro ako.... =D


I love the breaks very much, but it's only the aftershocks which i hated the most.... Ayaw ko kasi yung nakaharap ka na kunyari sa trabaho pero yun pala naghahagilap pa rin ang utak mo ng ideas kung pano ba to uumpisahan dahil nakalimutan mo na ang mga procedures na alam na alam mo naman at talagang kabisado mo na kung paano gawin nun....! So what i did this morning was to wake up as early as i could tapos nag-meditate ako over a cup of coffee.... My aim was to figure out what i was normally doing before sa trabaho, kung paano ko tina-tackle ang mga tasks, iniisip ng pauli-ulit at pilit sinasaulo sa isipan at nakatulong naman ha-ha....! Effective pala ang ganun na paraan, in fact i've started my job today for the very first time in 2008 na parang walang gap ng holiday break na nangyari sa gitna....! I even had the time to notice those who are scrambling to cope-up with the disoriented moments of their first day back to work....! =D


Next weekend, long weekend na naman wooohooo....! Australia Day is fast approaching, just when i was about to come back to my old busy routines again, sarap naman....! On monday kasi the 28th of this month may public holiday ulit dito which means na wala na namang pasok sa work kaya 3 day na naman ng pagmumunimuni para kay Pepe....! Hindi talaga maubos-ubos ang mga public holidays dito sa downunder madami pa yan up to the last one of this year's on october.... I used to hate those days before when i was still in casual job kasi for a casual employee, walang pasok means wala ding pera....! Pero ngayon okay na ako dyan ha-ha....! Sino ba naman ang ayaw sa kahit pa nakahilata ka lang buong maghapon sa harap ng tv ay tuloy pa rin ang patak ng barya sa bulsa o di ba....? I just wish that the flow of cash will come to my direction this year, pang-holiday back to pinas ha-ha....! Show me the monkey este.... the money pala....!

By the way, may natanggap na naman ako'ng award from Mrs.T today, thanks Mrs.T....! Also from Krisha, dated March 02, 2008, that's today.... Binigyan nya rin kasi ako ngayon, pero syempre kahit meron na ako nito ay ilalagay ko pa rin ang name nya dito di ba....? Syempre naman, special yata lahat ng blogo-friends ko....! =D Thank you for this Krisha, sana okay lang sa'yo ang setup na to....! Salamat very much to the two beautiful ladies, Mrs.T and Krisha for this Friendship Ball....! Parang perlas na bilog ni Manang Bola of Batibot he-he....! "Perlas na bilog, wag tutulog-tulog....!" This will be another great addition to my collections of friendship tokens from ever thoughtful na si Mrs.T....! Ang dami ko nang utang sa'yo a, wala pa akong pambayad dyan....! =D

Monday, December 17, 2007

Another award from Mrs.T....!

-------------------------------THE TRUE BLUE AWARDI receive another award from ever thoughtful and full of surprises na si Mrs.T woooohoooo....! Thanks again Mrs.T....! In a week's time, this will join my other awards in my award collection post....! This is another addition to my collection and i'm so glad to have it....! Thank you very much again Mrs.T....! =D

Monday, December 10, 2007

Token of friendship....

I was keeping these tokens in my side-bar for quite sometime now, they are frienship tokens from my friends here in blogos.... I don't know where to put them now 'coz i've noticed that my collection is starting to gain volume lately and there's not much space in my side-bar to fit them all in.... Finally i've decided to post them here and i will just keep updating this entry everytime that i will receive another one.... I will label this entry "FRIENDSHIP" so that from now on, this will become the home of my collections of friendship tokens okay ba....?This one is the latest one coming from Mrs.T not long ago....! Love the dolphin here Mrs.T, they surely are a symbol of true friendship....! Thanks for this Mrs.T....! And those ones down below are from Mel, Mrs.T again, and i know i have one from Redlan pero hindi ko na ma-trace ang link sa post nya na yun.... Thanks guys....! I think i need your help here Red....! Nahanap ko na ang STAR AWARD ni Redlan for me....Thanks Red....!

-------------------------I LOVE YOUR BLOG - From Mrs.T-----------------------------STAR BLOGGER - From Mel
-----------------------------BLOG BUDDIES - From Mrs.T----------------------------------STAR - From Redlan -------------------------BODACIOUS BLOG - From Mrs.T

I only have a few at the moment, but i'm hoping that my collection will grow larger later on he-he....! Finally it's here....! At last we found Redlan's STARS again he-he....! Thanks Red....! =D