___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!
Showing posts with label Sea World. Show all posts
Showing posts with label Sea World. Show all posts

Sunday, December 09, 2007

Farting Community....



Pasensya na po sa mga kumakain dyan ha.... Alam nyo ba na ang mga Herring o commonly known in pinas as Tuyo ay isang kakaibang isda dahil hindi lang sila masarap ulamin, kakaiba rin ang pamamaraan nila ng pag-communicate sa isa't-isa.... The fish actually Farts (utot) a lot just to keep in touch with the whole group or school of tuyo....! Poooot! poots! poooot! (translation: o inuman daw tayo mamya!) =D


Para yung sending emails in the utot-networks he-he....! And it's not just utot the normal tunog na utot like we do....! This is like an Ultrasonic-utot na talagang napakalakas at makabasag basong pag-utot....! Study found that the noise made by the bubble coming out from the school of Herring's Wetpu (gets nyo?) has the same intensity as the noise made by fighter jets on take-off....! Ang galing huh....! Isdang umuutot....!


They believe that fish like anchovies and sprats, which have similar swim bladders, show this farting behaviour as a means of communicating at night and keeping the school together. During the day these fish use visual information, such as the pattern of light reflected off specialised mirror-like scales, to communicate.


Kung kayo kaya ay na-belong sa isang community na ang paraan ng pag-communicate sa isa't-isa ay ang pagpalabas ng napakalakas at mahalimuyak (wow, lalim nun a!) na pabango slash pabantot na rin ay kaya nyo kaya....? Sabi nga dun sa quote sa discovery channel, "how would you like to be surrounded by neighbors who does nothing the whole day but fart?" =D


Herrings and their fishy relatives release air bubbles in large quantities when attacked, but the low level farting appears to serve a different purpose.... This may seem a small addition to the sum of scientific knowledge, but it is useful.... It is the air in the Herrings' swim bladder that shows up in sonar surveys by marine biologists trying to determine the numbers and size of the fish, so information on how much air is released and when is relevant....


Kung ganun ay hindi lang pala ang tao at ang iba pang klasing mammals ang cause ng global warming dahil sa carbon emissions kundi pati na rin ang mga tuyo....! Aba'y dapat palang damihan na natin ang consumptions natin ng tuyo at ng mabawasan naman ang mga mahilig umutot dito sa mundo....! Well, kung pagkain lang naman ng tuyo ang solution sa global warming na yan ay walang problema dahil si Pepe ay number one rin na consumer ng dried tuyo....! Wow ha, dried na tuyo pa....!


Anyways, hanggang dito na lang po ako at pakiramdam ko ay nawawalan na tuloy ako ng ganang kumain pa ng tuyo dahil sa topic na to he-he....! Have a good end of the weekend all....! Ayan ha, something to think about bago kayo umutot he-he....! By the way, it's 4 o clock in the afternoon and it's hailing again today in my suburb as i blog....! Manunood muna ako ng mga yelo sa labas....! =D



Monday, January 15, 2007

Ridiculously ironic...!

Isn't it ironic that most of the time, fishery strategy which involves conservational values goes well hand in hand with exploitations that can lead to destruction of some of our unprotected natural resources...!


Napanood ko kasi sa tv kanina ang tungkol sa Baby Octopus Fishing dito sa downunder at natatawa lang ako sa mga interviews nila sa mga mangingisda at mga opisyal rin ng department of fisheries and aquatic resources.... Alam ko kasi as nag-iisip na viewing public na may mali kasi nakikita ko na ang volume ng harvest nila ay bumababa pero pilit pa rin nilang kinu-convince ang mga madlang tao na walang anuman daw iyon and everything will be just fine...! They knew a lot better than we do the consumers so they should also know when to slowdown for a while and let this creatures thrive back to commercial level na naman...! Kung sa bagay kahit tayo dyan sa pinas ay ganun na rin ang nangyayari... Napakalungkot lang kasing isipin na kung sino pa ang tagapangalaga nito dahil ito lang ang only source of livelihood nila ay sya pang walang pakundangan at walang pakialam kung ano man ang mangyari dito sa future...!
Ang downunder kasi ay isa sa pinakamalaking consumer ng seafood particularly ang Baby Octopus na syang pinaka-popular favorite in any kind of gatherings...

Very ironic lang kasi kung bumababa ang harvest, ibig sabihin nyan tataas ang presyo di ba...? Ang pagtaas naman ng price nya ay magi-encourage pa ng excessive harvesting o over fishing dahil ibig sabihin ay big income nga ito na lalong namang magpapalala sa problema conservationwise...! Of course there will be a downside to that... Pwede nilang taasan ang presyo nito na posible din mag-discourage sa mga consumers na bumili pa nito... Pero hindi naman pwedeng basta na lang titigil ang mga consumers nito di ba...? Lalo na at ito ay popular choice nga...Options ay bibili pa rin sila in less quantity lang muna hanggang sa mag-roll back ulit ang presyo nito... Kelan ba naman naging unaffordable ang unaffordables...! Hanggang sa salita lang yata...!


Natikman ko na rin itong Baby Octopus many times na at masarap sya kumpara sa pusit dahil hindi sya makunat... Madali din syang i-prepare kahit stir-fried lang with garlic, calamansi, and sweet chilli sauce lang ay okay na.... Kaya wala akong comments sa consuming side nito dahil masarap sya.... At naging convert pa ako hu hu...! Nakakalungkot lang talaga ang consequences ng demand for consumption kasi in both ways consumers and producers feed each other pero nababaliwala at napapabayaan ang main source of interest... We satisfy ourselves to the extent of almost destroying the very source of this satisfaction...!


Isang obvious example ay ang excessive commercial whaling ng japan na bukong-buko na pero nagbubulagbulagan pa rin ang mga world officials tungkol dito...! Hindi naman naisip ng mga hapon na sarili nilang kultura ang winawasak din nila kasi kasama sa food culture nila ang whale-meat diet na ito... Paano na lang ang future generation nila na hindi na makakatikim nito dahil sa selfishness ng present generations nila...! Tingnan nyo lang ang naka-inset na photo dyan... Very ridiculous di po ba...? Ano ba ang akala nila sa ibang bansa mga bobo na hindi naintindihan ang mga pinaggagawa nila...! Lokohin nila ang lelong nilang panot... Kailangan bang kumatay ng daan-daang balyena para sa tissue sample na yan...? Isasalang ba nila ang mga ito ng buo sa ilalim ng mga microscopes nila o isasalang nila ang mga ito sa parella...? Hindi ba pwedeng ma-achieve ang experiments nila sa isang pirasong laman lang ng balyena...?


Alam nyo bang ang gestation period o pagbubuntis ng mga balyena ay umaabot ng 4 years...? Ibig sabihin kung kakatay ang japan ng mga isang daan sa isang taon, mahirap nang maka-recover ang whale population ng mundo...! Kaya gustong-gusto kong panoorin sa tv ang pangha-harass ng mga Greenpeace movers sa mga commercial whalers na ito... Pilit nilang pinaglalaban ang kalikasan hanggang sa abot ng kanilang kakayahan mapa-political man o mapa-physical....Kasi kung wala sila palagay nyo ay sino kaya sa mga leaders natin na mga makasarili din ang titingin sa problemang ito...? Ang mga leaders natin ay inilagay natin sa pwesto para lang i-practice ang mga personal interests nila.... Bakit hindi ba kayo naniniwala na tinatapos lang ni angkel georgy nyo ang sinimulan ng tatay nya...? Papa's Boy kasi...!


P.S. Ayon pa sa japan, ang susunod na kakainin nila pag-ubos na ang mga balyena ay ang mga dolphins na naman daw...! Kawawa naman si Flipper...

Wednesday, December 13, 2006

Pagi-phobic na ang aussie...

Unpredictable din pala ang akala ko ay gentle creatures na pagi o stingray... Katunayan nito ay ang aksidenting pagkamatay ng isang sikat na australianong wildlife warrior na si Steve Irwin ang tinaguriang ng buong mundo na The Crocodile Hunter mga dalawang buwan na ang nakakaraan.


Naisipan ko lang isulat ang topic na to kasi balak kong pumunta sa beach sa christmas holiday na ito...


Ang buntot ng stingray ay may nakausling Barb, ito ay isang butong hugis spearhead na may habang 5 - 6 inches na syang nagsisilbing armas ng mga stingray laban sa mga natural enemies nila tulad ng pating at buwayang dagat.


Tambayan ng mga stingray ang shallow body of water katulad na katulad ng mga lasenggo sa kanto, laging tambayan ang malapit sa shallow body of water sa loob ng bote lalo nat may dog food for pulutan... Nakuw!... May anestisya na, may dog food pa sarap!...


Ayun sa mga sayantipiko, bihira lang daw ang reaksyon na ito mula sa isang stingray... Sa katunayan ay umabot sa mga lima ka tao lang ang namatay bunga ng pagka-barbed ng stingrays, kasama na dyan si croc hunter... Hindi pa malaman kung ano ang naging sanhi ng pagka agresibo ng hayop dagat ng mga oras na yun... Takot ako sa shallow water...! Pero masarap ang stingray...! Yum-yum...! Kaya mga my prens, pagnagpunta daw ng beach magdala kayo ng maraming niyog and go swimming with niyog. Takot daw kasi ang stingray sa gata... Stingray na may gata, mmm... sarap nun...!