---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!
Showing posts with label
Weather you like it or not....
Show all posts
Showing posts with label
Weather you like it or not....
Show all posts
My goodness, i am sweating a bucket a minute....! This week is probably Sydney's hottest on record as western suburbs swelter in seven days of 35-40 degrees heat, and the city endures six days of temperatures above 30 degrees.
Ang iniiiit....! Don't ask me how i'm coping up with it because i can't, i don't even have the energy to reach that tv remote in front of me right now, nanghihina mga kamay ko parang wala na akong super powers ngayon.... Pakiramdam ko para akong litson na iikot-ikot sa apoy at patak ng patak ang mantika....
May 2 gallons na super ice cold coca cola na yata naubos ko at tatlong beses na yata ako naligo in just a matter of 4 hours kasi pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa banyo ay tumutulo na naman ulet ang pawis ko ang init talaga dito GRABEEEE....!
I took a bus to work today.... This is one of those days na kailangan kong mag-bus kaya inagahan ko na lang para makauwi rin ako ng maaga.... Gumising ako ng around 4:45 AM.... Naligo, nagbihis, hindi na rin nag-breakfast kasi kailangan kong habulin ang 5:50 AM na trip papuntang trabaho.... By 5:40 AM, i was already at the bus station na hindi naman malayo sa bahay.... Mga 7 minutes na lakad-takbo lang naman....
Around
6:18 AM, nasa trabaho na ako.... Bilis kong dumating sa work ano....?
12 kilometers lang naman kasi ang distance ng work ko from home.... No

rmally i don't go to work this early in the morning.... Narinig ko kasi sa news na may thunder storm ngayong hapon kaya since wala kaming overtime every mondays ay good timing na rin para umuwi ng maaga.... I was already worried bandang
2:00 PM kasi nagsimula nang pumatak ang ulan.... Luckily, hindi gaanong malakas at hindi rin dinaanan ng sabi sa news na may hail storm daw somewhere else sa sydney.... Mahirap pa naman maghintay ng bus kung umuulan, lalo na kung puro bukol ka sa tama ng hail stones....!
I got hit by hail stones before you know....! First timer pa lang ako nun sa downunder and i don't know anything about hail storms na yan....! In other words, tatangatanga pa....! =D
Nakatira pa ako nun sa bahay ng tiyahin ko na kapatid ng nanay ko sa Merrylands.... Same time of the year din yun, wala pa akong nahanap na trabaho.... Wala ang husbandry nya nun at pumasok yata dun sa panggabing part-time nya.... Iniwanan nya ang car nya sa labas.... Bigla ba namang umulan ng yelo na kasing laki ng kalamansi....! Nataranta tuloy kami na baka masira ang sasakyan kaya inutusan nya ako na takpan ko raw ng kung ano-ano....! Kumot, balik bayan boxes, tuwalya, carpet, etc....!
Ako naman tong si tatangatanga, biglang sugod na rin kahit hindi handa kaya yun, tinadtad ng naglalakihang yelo ang buong katawan....! Hindi nga nasira yung kotse, bugbog naman mukha ko sa tama ng yelo....! Sakit nun ha....! Anyways, this is how some parts of sydney looks like few hours ago today after the hail storm....



Thanks to
Sydney Morning Herald,
the site where i borrowed these photos from today.... O di ba....! Sarap umupo sa may gilid sabay gawa ng halo-halo ano....?!
=D
Freak weather hits sydney this week.... We never had stormy weather as freaky as this one in 30 years, according to the weather bureau....

I had a hard time going to work myself since friday.... Grabe talaga ang ulan....! Some of the roads to work were really too foggy in the morning and with trees falling on powerlines everywhere, some stretch of roads didn't even have any lights on at all....! Visibility was so dangerously poor....!
At work i sat close to the windows and i could see outside that rain pours like Niagara Falls i reckon, for the whole week non-stop....! Like a scene from that movie, " Hard Rain "....! It was a bit scary though....! 10:00AM mid-day appears like 7:00PM at night....!
Radio says, there were floodings elsewhere, and some people are already missing after their vehicles were being washed-away by the flood....!
In Central Australia few months ago, farmers were complaining about the harshness of the drought that they've been battling for a long time.... Frequently, the rain here doesn't even fall on the area where it is badly needed....! There was even a story of a girl who haven't seen the rain until she was 4 years old....!

Imaginin nyo na lang kung paano nagtatampisaw sa putik ang batang yun on her first ever experience seeing water falling down from the sky....! Grabe ano....?
Since friday, i've lost two umbrellas already from the strong wind.... I still have one last one, so let's just wait and see on tuesday kung tatagal ba ang isang to o hindi ha-ha....!
By the way, i said tuesday 'coz tomorrow is " Queen's Birthday " and it's a public holiday here.... If my memory serves me right, it's also a public holiday there in pinas tomorrow isn't it....? Independence day is it....? Then on june 24 ay fiesta ni San Juan, talaga namang ingit ako sa inyo dyan....!
Ano nga ba naman ang magagawa ko e nadito ako....! Okay na lang, enjoy nyo na lang mga fiestas nyo dyan....! Kakaingit kayong talaga ha-ha....!
Two months na lang taglamig na naman dito sa downunder.... Itu-turn on ko na na
man ang suman mode ko in preperation for winter season at ilalabas ko na rin ang mga nakatago kong mga balat suman na sobrang pagkakakapal...! Buti pa kayo dyan sa pinas malayong malayo sa pasmo bunga ng paiba-ibang timpla ng seasons....
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .TAG-ARAW Mode
Mag-aaway na naman ang mga kasamahan ko nito sa trabaho dahil ang isa ay ayaw sa sobrang heater tapos ang iba naman ang gusto ay maligamgam na 24 degrees lang daw.... Sobrang arte naman ng mga to na kung nagsuman mode na lang sana sila na tulad ko e di solve na kaagad ang mga problems nila....! Paano naman kasi kahit winter na winter ay nakapang-aloha, pearly shell, tiny bubbles Hawiian clothings pa sila kahit manhid na halos ang mga tuhod nila sa sobrang lamig ay puro fashion pa rin ang laman ng mga kukote nila....! Kulang na lang ay magtatampisaw sila sa beach in full nude sa kalagitnaan ng taglamig....! Kunyari mga astig din sila na tulad ko ano...?
May suman din pala na may palamang bukayong niyog sa loob, anong tawag dun...? Buti na lang pala wala akong balahibo sa dibdib, kung nagkataon pala ay baka nagmukha akong suman na may palamang bukayong niyog sa loob...!
Ang ayaw na ayaw ko lang naman sa taglamig ay ang doble-doblengtambak ng labada ko sa weekend dahil sa malasuman nga ang dating ng labing limang underwears na mas bullet proof pa yata sa suot pang-ibaba ni superman sa sobrang kapal nito, sampong t-shirts, anim na pantalon, at tatlong makapal na jacket na suot suot ko sa everydaily winter life ko dito....! Joks only he-he....! Pagnaniwala kayo dun sa mga exaggerations ko ay mas malaki pa ang kamote nyo sa kukote kesa sa akin....! Pero may mga magagand
ang benefits din naman syempre ang taglamig.... Sa winter kasi masarap matulog my favorito..... Masarap kumain, another my favorite....! At napakalamig brrrrr....! Kaya tipid din sa ligo kaya tipid din sa water he-he.... Lamig kasi.... Brrrrr ulit....!
. . . . . . . . . . . . . . .. . ... . . --. ------TAG-LAMIG Mode
Marami ring mga latenight shoppings at naka-sales pa ang mga super fantastic na mga summer items na medyo may presyo during summer time kung kaya bulsa mo lang talaga ang susuko sa varities ng mga prospected buys mo.... Hindi rin importante ang kulay ng kasuotan sa winter dahil ang pinaka-favorite color ng mga aussie pagtaglamig ay black lang naman for heat generating purposes so kahit paulit-ulit lang ang ilang piraso mong dark na damit ay oks na oks na....!

Pero mas gusto ko syempre ang pa t-shirt t-shirt lang na kagaya sa atin dyan sa pinas.... Masmagaan na sa katawan, magaan pa sa Mr.Clean bars (meron pa ba nun ngayon....?) at hindi ka pa nagmumukhang suman sa latik na...! Alam nyo ngayon ko lang napansin, na ang kilay pala ni Mr.Clean ay kulay puti ha-ha....! Hindi ko yan napansin nung nasa pinas pa ako a....! Grabe naman ang pagkatali ng mga suman dyan sa naka-inset na suman photo ko....! Siguro galit sa byenan nya ang may gawa nyan at ibinuntong na lang sa suman ang sama ng loob....! Kawawang suman....! Anyways mga my plens i'll be posting again in a few days so kitakita na lang tayo ulit....! Ako naman ay pupunta muna sa fridge ko para mag-check kung may natira pa akong frozen suman.... Pepe exit....!