___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Friday, December 22, 2006

Diwa ng pasko...


Naalala ko nung kabataan ko ang nakakatuwang tanawin kinabukasan after ng christmas eve... Lahat ng mga bata sa neighborhood namin noon ay naka-upo sa may hagdanan ng bahay nila hawak ang kung ano mang regalo na natanggap nila mula kay Santa Clause, at kahit hindi pa halos naghihilamos ay masisilaw mo na ang kakaibang saya sa kanikanilang mga mukha... Ang kabataan natin, talagang nakaka-miss...! Palagi ko nun pinagmamasdan ang mga kalaro ko at tinatanong ang sarili ko kung ano kaya ang iniisip nila pagnakatawa sila, umiiyak, o kaya nagagalit? Katulad din kaya ito ng iniisip ko?



Nag-iisip din kaya sila bago matulog, ano ang mga iniisip nila...? Alam kaya nila kung ano magiging sila sa future nila...? Kasi mga 12 yo. yata ako ng magsimulang mag-wonder tungkol sa future at kung paano ko pwedeng i-control ito... Hindi sa takot ako tumanda, ang gusto ko lang ay ang mailagay sa tuwid ang pag-usad ng buhay ko kumbaga ideal na future ang bini-visualized ko... Kung ang ibang bata noon iniisip lang kung anong mangyayari sa darating na linggo, at kung ano ang ulam mamyang gabi, ako iniisip ko kung ano ako as 20yo., 30yo., 40yo., as a tatay, as a lolo, kung ilan kaya magiging apo ko, at kung hindi kaya mabantot ang tunog ng pangalan ko kapag dinugtong sa salitang lolo...!




Pero hindi ang pagiging lolo ko at dami ng magiging apo ko in the future ang topic natin ngayon, kaya erase muna ha... Ang todays topic natin ay tungkol sa kapaskohan... Ang diwa ng kapaskohan daw ay nasa mga kabataan, hindi lang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo rin... Nagdadala ito ng kulay, pansamantalang kaligayahan, pero kalimitan ay kalungkutan dahil sa kakapusan ng kakayahang tugunan ang mga pangangailangan nila sa buhay... Ngunit ano kaya ang tunay na halaga ng pasko sa mata ng mga kabataan...? Nasubukan na ba nating tanungin sila kung ano nga ba talaga ang pasko para sa kanila...? Para sa akin kasi, ang buong idea at motivations ng paghahanda at pag-celebrate natin ng pasko ay lahat nakasandal sa pagiging bata ulit di ba...? Chocolates, candies, mansanas, ubas, nuts, cakes, regalo, christmas songs, exchange gifts, christmas parties, caroling, christmas tree, santa clause, reindeers...etc, lahat ay simbulo ng kabataan di po ba...? Naniniwala din ako na ang buhay ay pwedeng maikompara natin sa isang bagong notebook na habang sinusulatan ay nakukumpleto rin isa-isa ang mga pahina nito... Ang bawat pahina ay ang kung ano tayo ngayon. Pahina sa pahina naisusulat natin ang ating mga nakaraang, experiences, kaligayahan, kalungkutan, galit, kabutihan, kasamaan, at kung ano-ano pa... Ang lahat ng mga yan ang tinatawag nating personalidad mula sa mga pahina ng nag-iisang notebook ng buhay natin.
Ang lahat ng mga nakasulat sa mga pahina ng notebook na ito ay hindi kayang burahin ng panahon, itoy nadadaganan lang ng mga nabuong bagong dagdag na mga pahina sa ibabaw nito... At dahil sa kung ano mang dahilan na ang kapaskohan yata ang may pinaka-unang kasiyahan na naisulat natin sa notebook na ito, ang dahan-dahang pag-usad ng mga araw papalapit sa kapaskohan ay parang na ring ang dahan-dahan din nating pagbuklat, pag-alala, at pagbaliktanaw na muli sa mga pahina ng notebook na ito pabalik sa malungkot man o masaya nating kabataan... Maligayang pasko po sa lahat...!

Wednesday, December 20, 2006

Christmas Party

Office christmas party namin last monday, busog na naman si pepe...! Magha-harbour-jetboat riding sila pero hindi ako sumama kasi hindi ako marunong lumangoy hu-hu! Joke only he-he...


Nag-ikot pa ang secretarya sa production floor the day before at pinapiperma ang lahat daw ng gustong sumama dun sa boatriding ng insurance form, just incase that you die daw sabay halakhak na parang nang-aasar pa...! (Akala nya cute sya) Ayaw ko lang kasi ang feeling na mababasa ako ng tubig dagat early in the morning tapos may lunch pa after that so magiging malagkit ako buong araw...!


May plano pa naman akong humabhab ng husto...! Nilista ko pa nga kong ano-ano ang mga o-orderin ko kasi ganyan ang x-mas party namin palagi may kunting kagalantehan at sky is the limit pa daw...


Tiningnan ko ang menu book... King crab ang balak kong lantakan, di ko pa kasi nasubukan kung ano lasa nun... Gulat pa nga ako sa presyo kasi mahal pala...! Pero hindi ko nakalimutan ang sabi nilang sky is the limit kaya pikitmata kong itinuro sa waiter sabay dasal na sana wag lumingon ang boss ko o kaya wag i-recite ng waiter ang order ko...


Alam nyo bang isang King crab lang ay kayang busogin ang mga sampo ka tao? Ang mature na King crab ay may bigat na 12-20 lbs. o 6-10 kilos, at pwedeng lumaki pa...! Ang sipit ng crab na ito kapag-fully grown ay mas malaki pa sa palad ng adult na tao... Medyo na-guilty pa nga ako nun ng kunti kasi aabot daw ng mga 15 years ayun dun sa waiters bago lumaki ng ganon ang King crab na ito... Nakakapanghinayang ano...?



At nagbalik pa ang waiter hawakhawak ang isang plastic-bag na may lamang crab na pinsan pa yata ni godzilla na maladambuhala rin sa laki at parang nagmamakaawang nakatingin pa yata sa akin...! Itinaas pa ni loko ang plastic-bag na ala Andres Bonifacio ng katipunan...! Lalo tuloy akong na-guilty at butas din ang bulsa ng ngayon ay napatingin ding boss ko... Hu-hu-hu...! Buti na lang hindi nya sinabing, " You're fired king-kong!" Patay malisya muna si pepe... Hindi ako ang nag-order nyan huh...! Pero sa sobrang gutom ko yata ay nakalimutan ko na ang mga realizations na yon... Nagpakabusog na lang si pepe...



P.S... Nakita ko ang price ng King crab, AUD$ 700.00! Bagsak ang panga ni pepe...! Isang buwang suweldo na ni Mayor Alfredo Lim ang binanatan ko sa loob lang ng kalahating oras...! Kaya pala naglasing ng husto ang boss ko... Lalo pa at napagaya rin ang iba naming katrabaho...! umorder din ng dambuhala ang mga loko! Hu-hu-hu! Makatingin nga sa job_search.com mamaya... Patay si pepe nito...! Mag-apply kaya akong waiter dito...!



Pero nung umaga na yun bago ang lunch, habang nagpapakasawa sila sa pag-enjoy dun sa boatride nila ako naman ay nanunuod lang ng tv kasi mga 1 o' clock pa raw yong lunch, gutom na gutom pa naman ako kasi hindi ako masyadong nag dinner the night before tapos wala din akong breakfast... Talagang pinaghandaan ang pagkikipaglaban sa King crab...! Mga bandang 12:30 ng tanghali eto na si pepe kasama ang isang officemate na takot din sa boatriding, naglalakad sa may chinatown sa city... Masyado palang malaki ang lugar na yun at ilang beses yata kaming naligaw... 401, 400, 399... San kaya ang restaurant na yun...?


Ewan ko ba pero, everytime na naglalakad ako dun sa chinatown ay parang at home ako... Puro itim ang buhok ng mga naglalakad at puro asyano, kaya naman pakiramdam ko ay na-belong ba ako sa lugar at walang sino mang pipintas sa kulay ko at lahi... At last nakita ko na rin ang restaurant... Naka-ilang kilometro kaya kami galing train station...?

Hindi nga ako nagkamali kasi puro basa silang lahat pati na ang mga boss at may-ari ng kompanya... Bah, maykasama pa silang salbabida a...! (Ang pay master namin na ubod ng taba pero mabait sya...)





Ayos tsibugan na...! Prepare your listahan bata...! Ganun pala ang tamang table setting ng mga chinese... Kung sa western countries ay maraming kutsara, tinidor, knives at wine-glasses, sa chinese naman ay parang nasa tea party ka sa alice in wonderland dahil sa dami ng mula sa pinakamaliliit na bowls hanggang sa pinakamalaki... At wag na wag kang umorder ng kape dahil isang oras yata bago dumating ang order ko na kape at sa labas pa yata ng chinatown naghanap ang kusenero nila...!

Halata ding nasindak ang waiter ng marinig ang order ko na kape... Sabi pa nya, "coffee?!" Ang sabi ko naman ulit, "yes coffee!" Sabay tapon ng mala-Piolong ngiti. Bahagya pang tumunog ang hawakhawak na mga platot kobyertos dahil nanginig yata ang mga kamay ni loko sa sindak...! Bakit kaya ayaw na ayaw ng mga chinese sa kape...? Tuloy parang mukha silang inaantok at hindi halos maidilat ng mabuti ang mga mata nila.. Jok onli ha baka makarate ako ni Bruce Lee...!







Pero okay naman ang services nila at binigyan pa nga kami ng advice na hindi good for two ang King crab kundi good for ten... Napahiya tuloy ang mga matatakaw sa pagkain...! Tsarap!... Thanks Bert! (Pangalan ng company owner)







I have a good recipe for any kind of crabs. Kakailanganin lang ang mga sangkap tulad ng:









  • Large or medium size crabs


  • 1pirasong Itlog


  • 1 tangkay na pechay


  • 2-3 pirasong mushrooms


  • 2 pirasong talong


  • Bawang


  • Luya


  • Sibuyas


  • 1/2 tasang maliliit na hiwa ng dahong sibuyas (shalott)


  • 1 kutsarang soy sauce


  • 1 kutsaritang asukal (sugar)


  • 1 kutsara cornstarch


  • 1 cup arina (flour)


  • Paminta (black pepper)



Paraan ng pagluto:









  1. Hugasang mabuti ang mga crabs.


  2. Patuyuin ito ng panandalian.


  3. Tanggaling ang mga paa at sipit (claws) nito.


  4. Paghatihatiin ang crab sa maliliit na piraso.


  5. Hatiin sa dalawa ang bawat sipit nito at basagin para madaling himayin.


  6. Ihanda ang frying-pan na may mainit na mantika.


  7. Isa-isang isawsaw sa itlog ang bawat piraso ng crab at pagulungin sa arina bago i-fry ng panandalian para dumikit at magsettle ang arina.


  8. Maghiwa ng bawang, sibuyas, at luya at igisa ang mga ito sa mantikang pinagprituhan sa crab.


  9. Isama ang pritong crab sa ginisa at haluhaluin bago lagyan ng dalawang tasang tubig.


  10. Timplahin ang niluluto ayun sa inyong panlasa at maglagay ng katamtamang amount ng paminta. (black pepper)


  11. Maglagay din ng isang kutsarang soy sauce at isang kutsaritang asukal.


  12. Hugasan ang mga talong at hatiin sa apat kada isa nito ng medyo pahaba.


  13. Hugasang mabuti ang pechay at pagpirapirasuhin ng buo ang mga dahon bago ilagay kasama ng ibang sangkap. Pwede ring i-fry muna ng mga 5 na sigundo ang pechay at talong para manatili ang lutong ng mga ito.


  14. Linisin ang mushrooms sa pagpunas lang dito at huwag na hwag nyong huhugasan para hindi mag-absorb ng tubig at mawala ang lasa nito. Ang mushroom ay kayang mag-absorb ng tubig hanggang sa 70% ng laki nito.


  15. Hiwain ng malalaki ang mga mushrooms at idagdag sa niluluto.


  16. Magtunaw ng isang kutsarang cornstarch sa kalahating tasa ng malamig na tubig at ihalo ito sa niluluto para lumapot ang sabaw.


  17. Budburan ng hiniwang shallot o dahong sibuyas at pwede nang i-serve ang inyong crab.


  18. Pwedeng magdagdag ng sili kung gusto mong maanghang ito.



Ayan, luto na ang inyong crab na hindi ko alam ang pangalan pero sigurado akong magugustuhan nyo lalo na pag may mainit-init na kanin nakuw! Pwede siguro natin tawagin itong, Crab Ala Pepe-A okay ba... Takam! Bonappetito tita...!

Sunday, December 17, 2006

Mga nakatagong private...


Adik daw ako sa 80's and 90's sabi ng mga my plens ko doon... Nakita kasi nila ang VERY VERY HUGE collections ko ng favorite songs na umabot na yata ng dalawang daang cd's...! At puro selections pa ang lahat ng yan... Mapa-opm man o english favorites of the 1980's-90's ay 8 out of 10 chances meron sa collections ko... At wala ni isa man dyan na hindi ko gusto, every next song pagpinatugtug ko ay nanginginig at nagku-collapse ako kaya tuloy puro bukol na ang ulo ko sa kaka-collapse everytime...
Tanong nga ng mga my plens din dito sa downunder, saan ko daw nabili ang mga collections ko na ngayon lang daw nila narinig... Ano nga ba naman ang madadampot mo kung nasa downunder kundi yun lang nabitawan ng mga taga up-over...! Yun nga puruntong ni Dolpy hindi pa yata naging uso dito kahit kelan...
Pero hindi lang basta pag-collect and kailangan ng mga music cd's natin para tumagal ang buhay nito...
Kailangan din ang kunting sacrifice sa paglinis at tamang pag-alaga ng mga ito... Wag nyong gayahin ang stocking method dyan sa naka-inset na picture. Yan ang tinatawag na DEVALUATION METHOD o pagtanggal ng kalidad ng inyong mga cd's... Isipin nyo na lang kung papano nyo inumpisahan ito mula sa isa lang at kung magkano na ang nagastos nyo sa mga ito...



Para sa akin kasi ang 1980-1990 ang may pinakatutuong mellodies at pinakasarap to the bones (Naks! Parang mak-do a!) na lyrics compared sa music ngayon... Sino ba naman ang hindi magku-collapse sa mga bandang katulad ng: Air Supply, Starlight Express, Modern Talking, REO Speedwagon, Survivors, England Dan & John Ford Coley, Atlantic Starr, Klymaxx... at marami pa. At mga artist na tulad nila: Barry Manilow, Rex Smith, Kenny Rankin, David Gates, El Debarge, Kenny Loggins... at iba pa...


Kung tawagin ko nga ang mga collections ko ay mga emortals ko kasi parang walang kamatayan at walang kasawasawa ko itong pinakikinggan... Malayong malayo sa mga tugtugin ngayon na isang linggo mo palang napakinggan ay sawa ka na kaagad...! Sino ba naman ang hindi magsasawa sa, yow! yow!da da driga dya ha haaa!#$%*$# HOUSE! yes! yo! da dra ! $#@ #%$$ ba ba DOGS!... Ano raw!!... umpisa at saka dulo lang yata ang naintindihan ko dun a! Panay mura pa ng mura...! Kung yun ang gamitin mo sa pagharana sa iniirog mo noon, hindi lang isang balde na ihi ang matitikman mo, may matching isang platong ebak pa...!


Nayanig yata ang buong nayon sa nilantakan mong RAP music, bagsakan lahat ng bunga ng niyog mula sa puno... Buti nalang walang casualties...!

Saturday, December 16, 2006

Online Lottery FRAUDS!

Mag-ingat mga my plens ko dyan... Marami ngayon ang nanloloko at mga naloko na ng Free Lotteries programs na ito... Ang scams na ito ay masyadong organized at mahirap ma-detect dahil sa masyadong convincing ang dating ng mga notice forms nila... Hindi nyo naitanong pero ako rin ay muntik nang mabiktima nito nitong linggo lang na ito... Sino ba naman ang makapagsabing fraud pala ang notice forms nila e talagang daig pa yata si Miriam S. dun sa mga binanatang inglis!


Pati rin ang mga opisyal na naka perma at mga naka-link daw sa kanilang mga ahensya at bangko ay wala talagang lamat na pwedeng mapagdudahan... Susubukan kang ikumbinsi ng mga ito na ito ay genuine at kinakailangan mong makipagkontak sa isang taong kunyari ay manager ng bangko sa englatera para sa karagdagang instructions kung paano mo mai-wire ang winning money mo papasok sa private bank account mo, so kailanganin ang personal info at bank account numbers mo dyan...


Minsan naman ang style nila ay sisingilin ka muna ng katako takot na maliliit na transaction fees, at dahil nga huh mayaman na ako ngayon...! Galante ako, chicken feed na lang ang mga yan so babayaran mo ngayon.


Pagkatapos na makuha na nila ang kailangan nilang cash ay biglang, plok! plok! (Parang yung tunog na nangaling dun sa toilet kanina nung nandun si tatang a)


Pagnagka-bread na sila sa tulong ng generousity mo (In other words, katangahan) disapir-exit na sila na parang masamang panaginip dahil sa binanatan mo ang dalawang bandihadong kanin at napadami tuloy ang kain mo kagabi... Adios bentesingko sentimos...!


Sa mga ganitong fraud daw kalimitang mapapansin ang maling grammar at maling spelling (Parang ako) na hindi na halos mapansin dahil sa naghalong pawis, laway, luha at sipon ng nakatanggap bunga ng sobrang katuwaan. Ay wan! Ay wan! Ay Waaaa-haaa-haaan-nanay ko poooo! (Iwan ko ba sayo, kanina ka pa talon ng talon dyan hampasin kaya kita nitong dyaryong binabasa ko ng matigil ka na)


Ikaw ba naman ang padalhan ng sulat na nanalo ka ng isang milyong euro o kaya pounds, di ka kaya magtatatalon buong maghapon...! Magkano na sa piso natin yun, teka ha matikmatik muna ako 1,000,000 * 12345 - 6789 / 9876 + 54321 = P 96,279,991.41... O di ba galing-galing ko no? 96 million pesos! Nakuw! Kahit mamatay na ang masungit kong neighbor pagkatapos...!


Biro nyo yan madlang people, kahit wag na kayong magtrabaho at pakapekape na lang ay di nyo na kayang ubusin ito... Pati na din ang second at third generations nyo ay allowed ng maging tamad ngayon. Matikmatik uli ako ha, 96,279,991.41 / 365 = P 263,780.80... Ayan galing ko talaga...! Yan ang dapat nyong gastahin araw-araw sa loob ng isang taon para lang maubos nyo ito. Pwede kayong bumili ng tsekot araw-araw, may sukli pa kayong pang tsekolet at pang karaoke...!


Halimbawang may mga 10yrs. na lang ang itatagal nyo sa balat ng lupang hinirang na ito bago kayo matigokok... urhm!.. Tatang naman wag kayong sumimangot muna dyan at lalo kayong pumapanget... Iksampel lang ito kayo naman masyadong balat luya este sibuyas pala...!


Kung halimbawa10yrs. na lang ang nalalabi sa holiday nyo, kailangan nyo pa ring magwaldas ng P 26,378.07 pesos sa everyday battery nyo... Sarap naman...! Ano kayang pwedeng bilhin ng halaga na yan...? Ah alam ko na...! 26,378 na text messages! (Sabay pitik pa ng kamay sa ere) Galing ko talaga! Ay wan! Ay wan! He-he-he (Tuwang-tuwa pa si tangek)

Friday, December 15, 2006

Anong meron ang BBQ...


Ang mga Australians ang pinakamatakaw na yata sa karne na na-encounter ko...
Kapag may mga handaan sila ang pina ka highlight nito ay ang BBQ... Mapa-picnic, birthday party, o kasalan man, wala na yatang tatalo pa sa walang kamatayang BBQ kung atensyon ang pag-usapan...

Sa dinami dami ba naman ng meat varieties nila paano sila magsasawa sa BBQ... Mula sa pinaka-common choices na: Pork, Beef, Lamb, Chicken, Duck, Goat, Turkey, hanggang sa mga exotic tulad ng: Kangaroo, Crocodile, Deer, Emu, Quail, Rabbit, at Possum... Maliban pa dyan, sila din ay isa sa pinaka malakas na seafood consuming country... Pinakasikat na dito ay ang sugpo at pugita. (Octopus) Ang BBQ Grill yata ang pinakatatak ng isang aussing tahanan... Ito ang pinaka-icon ng bawat backyard sa downunder. Pag wala kang grill hindi ka in, at mas makapal ang sebong dumidikit sa grill mo, mas matatag ang pagkamakabayan mo...
Minsan nag-ihaw ng tuyo sa backyard ang isang my plens ko dito, bigla ba namang nagsidatingan ang mga bombero dahil may nag-report na may nasusunog daw sa lugar na yun...! Nagalit tuloy ang my plens ko doon dahil sa napahiya sya dun sa mga firemen plus amoy na amoy pa nila ang nakakapanindig balahibong tuyo scent cologne nya...! Sabi din nga ng may other plens ko din doon, pre subukan mo kayang sunugin ang bahay mo tapos lagyan mo sa taas bubong ng kangaroo meat at siguradong walang makakapansin na nasusunog na pala bahay mo... Akala nila nagba-BBQ ka lang, baka makikikain pa nga...

Weekend na naman...!

Weekend na naman...! Makapagpahinga na naman ako nito wuhuu!... Hirap talaga pag masyadong busy kasi hindi mo na halos maasikaso ang sarili mo. Pag weekdays kasi, gigising ng maaga tapos maliligo, tapos magbibihis na, impake ng mga dadalhin sa trabaho, at bago aalis ng bahay ay magti-check muna kung may nakalimutang i-turn off gaya ng ilaw, susi, at lalo na ang stove at plantsa. Sa trabaho na rin ako magkakape nun...!

Hay naku... Talagang my life in downunder is very fast moving at wala na halos time na kumain... Kaya sa araw araw na yata ay naglu-look forward na ako sa next na holiday ko ng makapag-relax naman si pepe... Plano ko sa next holiday ko uuwi ulit ako sa pinas kasi mas enjoy ako dun kisa kung saan na destinasyon...


Iba kasi sa pinas... Meron ba silang, isaw, bopis, addidas, kamotecue, bananacue, karekare, lechon, lechon paksiw, crispy pata, nilagang baka, talangka, kilawin, kaldereta...etc? Puro pagkain lang ano? Matakaw kasi si ako...!
Kung pwede nga lang na dalawa lang ang weekdays at limang araw ang weekends, mas komportable si pepe sa bahay... Pa nood-nood lang ng tv, pakain-kain ng chips at pa gawa-gawa lang ng entry sa blog, talagang perpik yan! Sino naman kasing sira ang nag-imbento ng ng weekends at hindi na lang nya ginawang fifty-fifty ito with the weekdays... Kung sino man yun alam ko workaholic sya...


Hindi kaya si Bill Gates yun...? O kaya si Spiderman...? Magkapartner kasi ang dalawang yun kayat naging success ang internet... Si Bill Gates sa microsoft, at si Spiderman naman sa web-sites... Pareho din silang patriotic di ba...? Alam nyo atin atin lang ha, duda ako na si Bill Gates at saka si Spidy ay iisa lang....! Mmm...! Tsismis yan a...! Suot nya pa rin kaya salamin nya pg nakamaskara na sya...?

Thursday, December 14, 2006

Summer na naman...!



Summer na naman dito sa downunder, sobrang init at sobrang dami ng langaw...! Sa pinas kalabaw lang ang nilalangaw, dito tao naman ang inaatake ng sangkatutak na mga langaw...Siguro walang kalabaw dito kaya ganun... Ang nakakainis pa sa mga langaw dito kasi masyado silang tame, feeling nila aso sila...! Etong isa! Um! Pitik! Splat!... Ayan tuloy naging tatlo ka ngayon...!

Madami kasing pwedeng dapuan sa ilong ko pa naisipang dumapo... Ano ba meron sa ilong ko na wala sa iba at dyan mo naisipang dumapo ha...? Uhrm! O...! Close your mouth tatang hayaan nyo na lang ang langaw ang sumagot nun, alam ko naman kasi kung anong sasabihin nyo e... Atin atin na lang yan...! Ganito palang summer pag malapit ka sa disyerto sobra...!
Mababa din ang humidity level nila kayat wala halos kahit isang patak na pawis na tumatagaktak sa iyong katawan... Anong tawag nun sa tagalog? Feeling ko tuloy ay para akong binurong isda na kahit balot na balot ay hindi pinagpapawisan...
Hirap din sila sa tubig, nasabi ko lang yan kasi mula yata nung dumating ako rito ay palagi na lang may water restrictions kahit na tag-ulan all year round... Marami sa mga bagong subdivisions dito ang may sariling water recycling system para maiwasan ang problema sa tubig...
Mataas din ang UV o UltraViolet level dito kayat hinihikayat ng mga ahensya mediko dito na maging maingat ang mga madlang bayan sa mga downunder the sun activities nila...
At para naman sa matitigas ang ulo, Skin Cancer lang naman ang katumbas nyo... O lalaban kayo...?