___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Friday, December 15, 2006

Anong meron ang BBQ...


Ang mga Australians ang pinakamatakaw na yata sa karne na na-encounter ko...
Kapag may mga handaan sila ang pina ka highlight nito ay ang BBQ... Mapa-picnic, birthday party, o kasalan man, wala na yatang tatalo pa sa walang kamatayang BBQ kung atensyon ang pag-usapan...

Sa dinami dami ba naman ng meat varieties nila paano sila magsasawa sa BBQ... Mula sa pinaka-common choices na: Pork, Beef, Lamb, Chicken, Duck, Goat, Turkey, hanggang sa mga exotic tulad ng: Kangaroo, Crocodile, Deer, Emu, Quail, Rabbit, at Possum... Maliban pa dyan, sila din ay isa sa pinaka malakas na seafood consuming country... Pinakasikat na dito ay ang sugpo at pugita. (Octopus) Ang BBQ Grill yata ang pinakatatak ng isang aussing tahanan... Ito ang pinaka-icon ng bawat backyard sa downunder. Pag wala kang grill hindi ka in, at mas makapal ang sebong dumidikit sa grill mo, mas matatag ang pagkamakabayan mo...
Minsan nag-ihaw ng tuyo sa backyard ang isang my plens ko dito, bigla ba namang nagsidatingan ang mga bombero dahil may nag-report na may nasusunog daw sa lugar na yun...! Nagalit tuloy ang my plens ko doon dahil sa napahiya sya dun sa mga firemen plus amoy na amoy pa nila ang nakakapanindig balahibong tuyo scent cologne nya...! Sabi din nga ng may other plens ko din doon, pre subukan mo kayang sunugin ang bahay mo tapos lagyan mo sa taas bubong ng kangaroo meat at siguradong walang makakapansin na nasusunog na pala bahay mo... Akala nila nagba-BBQ ka lang, baka makikikain pa nga...

Weekend na naman...!

Weekend na naman...! Makapagpahinga na naman ako nito wuhuu!... Hirap talaga pag masyadong busy kasi hindi mo na halos maasikaso ang sarili mo. Pag weekdays kasi, gigising ng maaga tapos maliligo, tapos magbibihis na, impake ng mga dadalhin sa trabaho, at bago aalis ng bahay ay magti-check muna kung may nakalimutang i-turn off gaya ng ilaw, susi, at lalo na ang stove at plantsa. Sa trabaho na rin ako magkakape nun...!

Hay naku... Talagang my life in downunder is very fast moving at wala na halos time na kumain... Kaya sa araw araw na yata ay naglu-look forward na ako sa next na holiday ko ng makapag-relax naman si pepe... Plano ko sa next holiday ko uuwi ulit ako sa pinas kasi mas enjoy ako dun kisa kung saan na destinasyon...


Iba kasi sa pinas... Meron ba silang, isaw, bopis, addidas, kamotecue, bananacue, karekare, lechon, lechon paksiw, crispy pata, nilagang baka, talangka, kilawin, kaldereta...etc? Puro pagkain lang ano? Matakaw kasi si ako...!
Kung pwede nga lang na dalawa lang ang weekdays at limang araw ang weekends, mas komportable si pepe sa bahay... Pa nood-nood lang ng tv, pakain-kain ng chips at pa gawa-gawa lang ng entry sa blog, talagang perpik yan! Sino naman kasing sira ang nag-imbento ng ng weekends at hindi na lang nya ginawang fifty-fifty ito with the weekdays... Kung sino man yun alam ko workaholic sya...


Hindi kaya si Bill Gates yun...? O kaya si Spiderman...? Magkapartner kasi ang dalawang yun kayat naging success ang internet... Si Bill Gates sa microsoft, at si Spiderman naman sa web-sites... Pareho din silang patriotic di ba...? Alam nyo atin atin lang ha, duda ako na si Bill Gates at saka si Spidy ay iisa lang....! Mmm...! Tsismis yan a...! Suot nya pa rin kaya salamin nya pg nakamaskara na sya...?