Neps lover...
Familiar ba kayo sa Nepenthes. (Pitcher Plant) Ito ay isang klase ng mga halamang tinatawag nating Carnivorous Species. Sa lahat halos ng mga milyon-milyong varieties ng mga halaman sa buong mundo dito yata ako na inlove sa kakaibang halaman na ito, pangalawa na lang ang Cacti o Cactus sa common na pagkakilala natin... Ang vessel ng halamang ito na parang pitcher ang appearance kung kayat tinawag syang Pitcher Plant, ay hindi bulaklak kundi extension lamang ng dahon nito... Ang vessel o pitcher ng halamang ito ay may taglay na digestive chemicals na kayang mag-digest o tumunaw ng mga insekto at maliliit na hayop na aksidenteng nahulog dito bilang secondary food source ng halaman...
Ang nabubulok na tissue ng mga insekto at maliliit na hayop ay mayaman sa nitrogen na syang ina-absorb at dagdag na nurishment dito...
Isa pa sa mga kakaibang katangian ng halaman na lalong nagpalalim pa sa interest ko dito ay ang nakakatuwang solusyon sa natural na problema nito... Hindi nyo ba napansin na masyadong malaki ang vessels nito... Ang isang halaman lang ay puwedeng magkaroon ng dalawa hanggang sampong vessels ng sabaysabay... Ang mga vessels na ito ay kadalasang may maliliit lang na takip, bunga nito ay palaging napupuno ng tubig ang vessels sanhi ng pagdilig dito at sa pagpatak ng ulan... Kung inyong napapansin sa mga picture sa ibaba, ang tangkay o stem na humahawak sa mga vessels nito ay hindi nakakabit sa itaas kung hindi ito ay nakasapo sa may ibabang bahagi ng vessel... Ibig sabihin na kung halimbawa man na mapuno ng tubig ang mga pitchers nito, hindi ito magiging sanhi ng pagkasira ng vessels nito o ng buong halaman man... Kusa lang itong yuyuko sanhi ng bigat at kusang tatapon at mababawasan ang lamang tubig ng mga vessels nito... Genius talaga ang nature hindi po ba...?
At kung napansin nyo rin kung paano nakatupi ang pinakabunganga nito, ito ay para siguradong tubig lang ang matatapon at hindi ang pagkain sa loob nito...
Ang Nepenthes ay kasama sa mga endangered varieties ng mga halaman na ibig sabihin ay hindi madali ang magkaroon nito... May mga bansang mahigpit ang pinataw na mga regulasyon bago makapag-alaga nito, pero hindi ko lang alam kung kasama ang pinas sa mga bansa na to... Maaring kakailanganin ang special permits at kung ano pang kasulatan para mapagkalooban ng karapatang mag-alaga nito... Ang natural habitat ng halamang ito ay sa mga high and remote regions lang hindi dahil sa yun lang ang may tamang klema para dito, kung hindi dahil sa yun lang sa palagay ko ang hindi pa na-aabot ng sibilisasyon at pang-aabuso ng tao...
Ang Nepenthes ay nangangailangan ng mga bagong generasyon ng passionate collectors para ipagpatuloy at panatilihing buhay, makulay, at maganda ang future para dito...
Sa pinas matatagpuan ang ilang varieties ng halaman na ito sa halos buong bahagi ng bansa... Ang pinaka sikat na mga distinasyon sa paghahanap nito sa natural state nila ay ang highlands ng Sibuyan, Banaue, Mindoro, and Mindanao.
Hindi ko pa nasubukang mag-alaga nito pero patuloy akong nagri-research tungkol dito just incase na dumating ang time na magkaron ako nito... Dito sa downunder ay medyo mahirap dahil sa wala akong space na pwedeng paglagyan nito at masyadong extreme at paiba-iba ang weather conditions, pero balak kong mag-settledown sa pinas so baka dun na lang ako mag-uumpisang mag-collect in the future... May tawag ako dito sa Nepenthes: I call it the Nature's Cocktail... Nakikita nyo ba ang similarity...? Cheers...!!