___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, January 01, 2007

HAPPY NEW YEAR...!

Kumusta ba ang new year's celebrations ng mga my plens ko dyan...? Wala ba namang naputulan ng hinliliit sa inyo...? Napanood ko kasi kahit papano sa maikling satellite broadcast ng pinoy news dito kanina ang new year's celebration sa pinas...! May mga nagpaputok, at may mga naputokan at pinutokan naman... At mayroon namang ni hindi marunong magpaputok, at mga may kilikiling putok ng putok at hindi na kailangang magpaputok pa at ay got your message na go away go away...! Ang iba naman ay pumuputok ang bunbunan dahil sa ang dalaga nya ay itinanan... Pero all in all tuloy ay pa rin ang putukan...




Ako naman ay nakipag-inuman lang sa kapit-apartment ko kasi wala naman akong balak na lumabas so dun na lang kami sa apartment nya nag-inuman, kainan, kwentuhan, at nakinig ng mga nakaka-iyak kong koleksyon ng music mula sa 1980's... Broke kasi si pepe ngayon at madaming bills na binayaran bago pa ang pasko kaya higpit sinturon muna pepe...!






Ano-ano nga ba kaya ang dala at binago ng pagsapit ng bagong taon at umpisa sa panibago na namang taon sa bawat isa sa atin mmmm...? (pala-isipan)



Ito kaya ay may dalang kasaganaan o kaya ay karagdagan lang na kahirapan...


Para kasing sa kasalukuyang sitwasyon ng buhay sa pinas sa masipat kong pagmamasid nung umuwi ako last year ay marami sa atin ang may halos malabo nang pananaw sa kanilang mga hinaharap... Anong sabi nyo tatang? Ako po bastos...! Hindi yung hinaharap na yun ang ibig kong sabihin kayo naman, kayo yata itong bastos ang mga iniisip e...! Piyuturs ho piyuturs...!





Hindi po kaila sa atin na may mga kababayan po tayong naghihirap at patuloy pang maghihirap sa pag-usad ng panahon... Hindi ko kayang ipaliwanag kong paano nila hinaharap ang mga hirap sa buhay at kalimitan ay nagagawa pa rin nilang ngumiti paminsanminsan... Minsang may pupuntahan ako, hindi ko mahanaphanap ang isang pares ng paborito kong medyas kung kayat buong araw yata na yun ay parang pinitpit na luya ang mukha ko sa sobrang simangot ng dahil lang sa nawalang medyas na yun... Ngunit paano kaya kung ang level ng kawalan ay kasingtulad ng sa mga batang kalye na nakita ko minsan along Coastal Road, at UN Avenue noon... Wala silang tirahan, at lalong walang pagkain sa hapagkainan...


Ako rin ay may mga suliranin at hinanaing sa buhay na akin ring ipinagdarasal na sana ito ay matugunan, ngunit hindi kaya hamak na mas mapalad pa nga ako kumpara sa kanila... Ano ang karapatan kong maghinanakit sa maykapal...?




Kung ako ay isa sa mga batang kalye na iyon, wala akong gagawing new year's resolutions dahil ito ay hindi naman pwedeng pamatid ng aking gutom at uhaw... Siguro ako ay magdarasal katulad ng palagi kong ginagawa sa araw-araw mula sa aking paggising hanggang sa muling pagtulog ko sa gabi na sana ang aking kawalan ay magkaron ng kahit na kaunting laman...


Sana sa halip na new year's resolutions, tayo ay sabay sabay na sumambit ng isang panalangin, isang panalangin ng kahilingan na hindi para sa ating mga sarili kung hindi para sa ating mga kapos palad na kabataan na sana sa pamamagitan nitong magkasabay na panalangin ng kahilingan tayo ay pakinggan, at ang kanilang mga kawalan ngayong panibagong taon ay magkaroon na ng sapat na katugunan para naman sa susunod na pasko at bagong taon, sila ay maging masaya at makakangiti na ring kagaya nating lahat... Masaganang bagong taon po sa lahat...