Enter the Surprise Chef....!
Since i woke up this morning ay medyo may cravings na ako na kumain ng chips, normally heavy breakfast ang first thing na iisipin ko sa umaga like fried rice and scrambled eggs with sweet chilli sauce, fried fish, and coffee, or kahit tiratirang ulam sa gabi, best one is adobong baboy, pero kahit na anong tira ay okay na okay na wag lang balat ng saging....! Kaya lang kanina talagang naglalaway ako pagnaisip ko ang potato chips at ang fried onion rings.... Wala naman akong mahagilap na kahit anong chips dun sa kusina kasi hindi naman pala ako nakapag-shopping nitong nakaraang linggo....
Dahil na rin siguro sa quote na, " Necessity is a Spur to Ingenuity and the Mother of Invention " daw ay naghalungkat ang Pepe ng mga kung ano-anong sangkap at nagamit ko pa tuloy ang mga tinatagong natutunan nun sa Boy Scout ha-ha....! Oi, wag kayong tumawa dyan, Outstanding Boy Scout yata ako nung araw....! Ayun na nga, nai-apply pa tuloy ang mga kunting nalalaman pagdating sa initiative dahil naman dun sa sariling quote din nya kuno.... Akala nyo kayo lang marunong mag-quote ha....! Eto ang original Pepe's quotation, " Katamarang mag-shopping is the father naman of few other inventions " may mother na kasi kaya father naman sa'kin....!
To make the story short dahil maraming nagsasabing very long daw ang last entry ko ay naghalungkat na nga ako sa cupboard ng mga sangkap at eto ang mga nahalungkat ko at ilang deadbol na ipis, yuks....!
Ingredients:
1 cup water,
3 eggs,
1 cup bread crumbs,
1/2 cup flour,
2 spoonful of fried-dried onions minced (wala kasing makitang fresh),
salt, and pepper,
1 tbsp. minced shallot (dahon ng sibuyas),
vegetable oil,
Here's how:
All you have to do is to mix all the ingredients in a bowl tapos haluan ng minced shallot at inilagay sa plastic bag na tulad nung sa icing bag, tapos butasan ang dulo like what you do when eating an ice candy.... Kung kaya mo nang kainin at sipsipin na lang dun mismo sa bag like the ice candy nga ay hindi mo na kailangan pang magluto he-he....! Makaka-save ka pa sa sabon at tubig panghugas ng wok....!
Dapat din pala siguraduhin mong less than pencil size lang ang mix na lalabas sa butas kaya dapat ay maliit lang ito, then squirt the mixture like crazy sa kumukulong mantika in a spiral motion sa tugtog ng cha-cha, tulad nung ginagawa natin sa pre-school nung panahon ng mga dinosaurs with our pudpod na crayons and one inch long pencils kada art class.... Tapos ihain ito pag-crispy golden gold na (golden na nga gold pa, ay tange) at patuluin sa ibabaw ng isang platitong mani este platito na may tissue paper pala.... Ilipat sa clean bowl, taktakan ng chicken salt, and presto, may instant Fried Onion Spirals ka na Pepe style....! Galing kong talaga, yum....! =D
Nutrition Facts:
High on carbohydrates
High on calories
High on fat
Can be high on cholesterol
Can be deadly in the long run (nananakot)
Masarap pero wag kaining palagi, bad for the heart, wala nang halong pananakot yan ha-ha....! Kung nakita nyo lang sana kung paano sipsipin nung mix ang mantika dun sa wok, nakuw....! Anyways, thanks for your time spent reading my cooking tips today.... Kain muna ako, gutom na sa kaka-typing....! Adios taquitos....! =D