___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, January 21, 2008

Back to working mode si astig....

I'm finally back to work today after a long christmas break.... The day was same as usual, althought we had been moved to another spot deep inside the company floor kasi bago pa kami nag-christmas break last year ay patuloy nang ginigiba at niri-renovate ang ibang sections plus the layout ng soon to be rising na new looks ng production areas na nakapaskil na sa may bulletin board sa tabi ng table ni big boss ko....


The new location of my work table is alright, kaya lang kailangan ko na namang i-rearrange ang lahat dahil pinagkakalas nga nila ang mga abubot namin dun sa mga luma naming tables nun at inilipat dun sa bago.... Okay naman ang takbo ng araw ko although kailangan lang ng kunting adjustments kasi nawala na yata'ng lahat ng abilidad ko dun sa work dahil sa haba ba naman ng pahinga ng utak ko the whole christmas break and extensions he-he....! At the end of the day, masakit ang batok at shoulder blades, naninibago lang siguro ako.... =D


I love the breaks very much, but it's only the aftershocks which i hated the most.... Ayaw ko kasi yung nakaharap ka na kunyari sa trabaho pero yun pala naghahagilap pa rin ang utak mo ng ideas kung pano ba to uumpisahan dahil nakalimutan mo na ang mga procedures na alam na alam mo naman at talagang kabisado mo na kung paano gawin nun....! So what i did this morning was to wake up as early as i could tapos nag-meditate ako over a cup of coffee.... My aim was to figure out what i was normally doing before sa trabaho, kung paano ko tina-tackle ang mga tasks, iniisip ng pauli-ulit at pilit sinasaulo sa isipan at nakatulong naman ha-ha....! Effective pala ang ganun na paraan, in fact i've started my job today for the very first time in 2008 na parang walang gap ng holiday break na nangyari sa gitna....! I even had the time to notice those who are scrambling to cope-up with the disoriented moments of their first day back to work....! =D


Next weekend, long weekend na naman wooohooo....! Australia Day is fast approaching, just when i was about to come back to my old busy routines again, sarap naman....! On monday kasi the 28th of this month may public holiday ulit dito which means na wala na namang pasok sa work kaya 3 day na naman ng pagmumunimuni para kay Pepe....! Hindi talaga maubos-ubos ang mga public holidays dito sa downunder madami pa yan up to the last one of this year's on october.... I used to hate those days before when i was still in casual job kasi for a casual employee, walang pasok means wala ding pera....! Pero ngayon okay na ako dyan ha-ha....! Sino ba naman ang ayaw sa kahit pa nakahilata ka lang buong maghapon sa harap ng tv ay tuloy pa rin ang patak ng barya sa bulsa o di ba....? I just wish that the flow of cash will come to my direction this year, pang-holiday back to pinas ha-ha....! Show me the monkey este.... the money pala....!

By the way, may natanggap na naman ako'ng award from Mrs.T today, thanks Mrs.T....! Also from Krisha, dated March 02, 2008, that's today.... Binigyan nya rin kasi ako ngayon, pero syempre kahit meron na ako nito ay ilalagay ko pa rin ang name nya dito di ba....? Syempre naman, special yata lahat ng blogo-friends ko....! =D Thank you for this Krisha, sana okay lang sa'yo ang setup na to....! Salamat very much to the two beautiful ladies, Mrs.T and Krisha for this Friendship Ball....! Parang perlas na bilog ni Manang Bola of Batibot he-he....! "Perlas na bilog, wag tutulog-tulog....!" This will be another great addition to my collections of friendship tokens from ever thoughtful na si Mrs.T....! Ang dami ko nang utang sa'yo a, wala pa akong pambayad dyan....! =D