___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!
Showing posts with label Food. Show all posts
Showing posts with label Food. Show all posts

Saturday, February 19, 2011

Chinchilla Melon Festival....

The small Queensland town of Chinchilla is in the grip of melon mayhem as it plays host to about 10,000 visitors for it's famous Melon Festival. About 25 per cent of Australia's melons come from the Chinchilla region.

Akin na lang yung isa na malaki sayang takam....! This is something i wanted to do, mukhang enjoy na enjoy sila ano?

Gumulong-gulong ka ba naman sa tonitoneladang pakwan kaya mo pa kaya kontrolin excitement mo nyan....! Among all the things i wanted to do before the day i die ay isa ito ha ha....! (ang gumulong sa pakwan?) Hindi.... ang kumain ng sang toneladang pakwan ha ha....!

Locals say the event, which began in 1994, helps lift their spirits in times of drought and flood. It also promotes the melon industry and encourages tourism.

Monday, December 20, 2010

Tomorrow....


Our company's christmas party will be at Ice Cube at Darling Harbour tomorrow.... It's right next to IMAX Studio so pwede din pala kami manood ng palabas pagkatapos....

I'm excited to try all the menus on offer but i'm just a little worried about my stomach because i'm always having problem with my digestion.... I'd better prepare a few handful of Antacid tablets tonight, buti na yung maagap tayo at baka magkalat pa ako dun bukas.... =)

Wednesday, January 02, 2008

Day 2 of 2008....




Breakfast ko ngayon, Arroz Caldo with chicken wings yum-yum....! Teka nasan ba ang chicken wings dyan at parang wala naman....?!


Kasalukuyan pa pong hinahabol yung organ donor na manok na magdu-donate nung wings and other body parts he-he....!


Maaga akong nagising ngayon, mga 30 minutes earlier than yesterday.... Maaga ba yun....?! Naligo, naglinis ng rice cooker, balak sanang magsaing pero naisip ko, dapat yata sana ay yun ang inuna ko bago ko dinismantle yung rice cooker ay mali....!


Anyways, naalala kong nagluto pala ako ng isang malaking kaldero ng Arroz Caldo with chicken wings kagabi kaya solb na ang almusal.... Kunting microwave lang ayos na....! May chicken wings yan, nagtatago lang siguro dun sa may ilalim....! Wala akong maisipang gawin, 20 day to go pa bago ako bumalik sa trabaho ulit nakakainip....! Nabu-bored na yata ako dito sa bahay, butas pa ang bulsa ko.... Dalawang bill pa ang nag-aabang, iniisip ko na lang minsan na kunyari ay madami akong pera para wag ako masyadong mag-worry he-he....! Teka, masmasarap yata to with isang tasang kape a.... Kain tayo....! =D


Friday, December 15, 2006

Anong meron ang BBQ...


Ang mga Australians ang pinakamatakaw na yata sa karne na na-encounter ko...
Kapag may mga handaan sila ang pina ka highlight nito ay ang BBQ... Mapa-picnic, birthday party, o kasalan man, wala na yatang tatalo pa sa walang kamatayang BBQ kung atensyon ang pag-usapan...

Sa dinami dami ba naman ng meat varieties nila paano sila magsasawa sa BBQ... Mula sa pinaka-common choices na: Pork, Beef, Lamb, Chicken, Duck, Goat, Turkey, hanggang sa mga exotic tulad ng: Kangaroo, Crocodile, Deer, Emu, Quail, Rabbit, at Possum... Maliban pa dyan, sila din ay isa sa pinaka malakas na seafood consuming country... Pinakasikat na dito ay ang sugpo at pugita. (Octopus) Ang BBQ Grill yata ang pinakatatak ng isang aussing tahanan... Ito ang pinaka-icon ng bawat backyard sa downunder. Pag wala kang grill hindi ka in, at mas makapal ang sebong dumidikit sa grill mo, mas matatag ang pagkamakabayan mo...
Minsan nag-ihaw ng tuyo sa backyard ang isang my plens ko dito, bigla ba namang nagsidatingan ang mga bombero dahil may nag-report na may nasusunog daw sa lugar na yun...! Nagalit tuloy ang my plens ko doon dahil sa napahiya sya dun sa mga firemen plus amoy na amoy pa nila ang nakakapanindig balahibong tuyo scent cologne nya...! Sabi din nga ng may other plens ko din doon, pre subukan mo kayang sunugin ang bahay mo tapos lagyan mo sa taas bubong ng kangaroo meat at siguradong walang makakapansin na nasusunog na pala bahay mo... Akala nila nagba-BBQ ka lang, baka makikikain pa nga...