Diwa ng pasko...
Naalala ko nung kabataan ko ang nakakatuwang tanawin kinabukasan after ng christmas eve... Lahat ng mga bata sa neighborhood namin noon ay naka-upo sa may hagdanan ng bahay nila hawak ang kung ano mang regalo na natanggap nila mula kay Santa Clause, at kahit hindi pa halos naghihilamos ay masisilaw mo na ang kakaibang saya sa kanikanilang mga mukha... Ang kabataan natin, talagang nakaka-miss...! Palagi ko nun pinagmamasdan ang mga kalaro ko at tinatanong ang sarili ko kung ano kaya ang iniisip nila pagnakatawa sila, umiiyak, o kaya nagagalit? Katulad din kaya ito ng iniisip ko?
Nag-iisip din kaya sila bago matulog, ano ang mga iniisip nila...? Alam kaya nila kung ano magiging sila sa future nila...? Kasi mga 12 yo. yata ako ng magsimulang mag-wonder tungkol sa future at kung paano ko pwedeng i-control ito... Hindi sa takot ako tumanda, ang gusto ko lang ay ang mailagay sa tuwid ang pag-usad ng buhay ko kumbaga ideal na future ang bini-visualized ko... Kung ang ibang bata noon iniisip lang kung anong mangyayari sa darating na linggo, at kung ano ang ulam mamyang gabi, ako iniisip ko kung ano ako as 20yo., 30yo., 40yo., as a tatay, as a lolo, kung ilan kaya magiging apo ko, at kung hindi kaya mabantot ang tunog ng pangalan ko kapag dinugtong sa salitang lolo...!
Pero hindi ang pagiging lolo ko at dami ng magiging apo ko in the future ang topic natin ngayon, kaya erase muna ha... Ang todays topic natin ay tungkol sa kapaskohan... Ang diwa ng kapaskohan daw ay nasa mga kabataan, hindi lang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo rin... Nagdadala ito ng kulay, pansamantalang kaligayahan, pero kalimitan ay kalungkutan dahil sa kakapusan ng kakayahang tugunan ang mga pangangailangan nila sa buhay... Ngunit ano kaya ang tunay na halaga ng pasko sa mata ng mga kabataan...? Nasubukan na ba nating tanungin sila kung ano nga ba talaga ang pasko para sa kanila...? Para sa akin kasi, ang buong idea at motivations ng paghahanda at pag-celebrate natin ng pasko ay lahat nakasandal sa pagiging bata ulit di ba...? Chocolates, candies, mansanas, ubas, nuts, cakes, regalo, christmas songs, exchange gifts, christmas parties, caroling, christmas tree, santa clause, reindeers...etc, lahat ay simbulo ng kabataan di po ba...? Naniniwala din ako na ang buhay ay pwedeng maikompara natin sa isang bagong notebook na habang sinusulatan ay nakukumpleto rin isa-isa ang mga pahina nito... Ang bawat pahina ay ang kung ano tayo ngayon. Pahina sa pahina naisusulat natin ang ating mga nakaraang, experiences, kaligayahan, kalungkutan, galit, kabutihan, kasamaan, at kung ano-ano pa... Ang lahat ng mga yan ang tinatawag nating personalidad mula sa mga pahina ng nag-iisang notebook ng buhay natin.
Ang lahat ng mga nakasulat sa mga pahina ng notebook na ito ay hindi kayang burahin ng panahon, itoy nadadaganan lang ng mga nabuong bagong dagdag na mga pahina sa ibabaw nito... At dahil sa kung ano mang dahilan na ang kapaskohan yata ang may pinaka-unang kasiyahan na naisulat natin sa notebook na ito, ang dahan-dahang pag-usad ng mga araw papalapit sa kapaskohan ay parang na ring ang dahan-dahan din nating pagbuklat, pag-alala, at pagbaliktanaw na muli sa mga pahina ng notebook na ito pabalik sa malungkot man o masaya nating kabataan... Maligayang pasko po sa lahat...!