Thanks god for the Internet...!
KEYBOARD NI STEVIE WONDER
Hindi lang pala coffee ang greatest invention of man, pati nang internet din pala...! Kung ikaw ay isang mahilig magbabad sa harap ng computer mo sa buong magdamag ay daig mo pa pala si Michael J. Fox sa back to the future kapag past and present activities ang pag-uusapan...! Imagine, pwede kang pabalikbalik mula south pole to north pole na time zones and vice versa with a click of a button...! At kung ikaw ay kagaya kong ang palaging breakfast ay kape at ig-blog (early blog-birds) ay mapapasigaw ka ng, "YEAHEHES...! THANKS GOD FOR THE INTERNET...!!! Net! Net! Net! Net!!!" may echo effect pa yan na kasama ha....!
OPTICAL MOUSE
Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng tao ano... Sabi ko nga sa mga my plens ko na ang karunungan nating mga human beings ay isang hibla lang talaga ng buhok ang deperensya sa karunungan ng diyos kasi nilikha nya nga tayo na naaayon sa kanyang image at ang isang hiblang buhok na yan ay ang immortality na sa palagay ko ay ang life after death kung naniniwala kayo sa ganito mga my plens ko... At kaya maikli ang buhay ng tao ay sa kadahilanang kapag halimbawa hinayaan nya tayong mabuhay ng dadaan-daang taon sa palagay nyo kaya ay hindi magiging sapat ang dunong natin nun para tuluyang sirain itong mundo...? Kaya binigyan nya tayo ng kumbaga ay parang reset button na mag-uumpisa ulit sa reboot / double click internet explorer / at maglala-log in... Okay di ba...! Galing ko no...? Sabi na inyong nag-iisip din si pepe uy! Mautak ito...! (sabay turo sa pwet)
Hay...! The wonders of computer age...! Makaka-save ka rin ng oras dito kasi kung example ay may babayaran ka o kaya ay magta-transfer ng pera sa another account mo ay pwede ka nang mag-electronic banking at walang limits ang numbers of transactions at hindi ka na kailangan pumila mula luneta hanggang espanya dahil one click lang ay mission accomplish na...! Im really glad that were living in the computer era kasi pagkumparahin na lang natin ang buhay noon at ngayon, (no offense lang sa mga bagets dyan na i know ay enjoy din sa compu-era) di hamak naman na sobrang inam ng buhay ngayon, though almost 100% na nga lang ang role ng pera sa buhay ng mga tao ngayon...
Pero tingnan nyo naman ang span of knowledge, literacy, numeracy, skills, and dictions ng mga kabataan ngayon, talagang ibang-iba kesa noon... We are in the era of the geniuses (hindi GIN-niuses ha... lasenggo yun!) ngayon na ang mga sanggol ay nakasilip pa lamang sa mga key-holes ng mga nanay nila ay nagsi-say hello na at nakikipag hand shakes sa mga nurses and doctors...! Amazing-sing! Nabunot ang sing-sing ko! Kinuha ng baby ang sing-sing ng nurse, mandu na kaagad si baby a...! Mana sa kapitbahay siguro...
HARDWARES NI LOLA
Ngayon pati yata pag-order ng gatas ng kalabaw ay pinapadaan na sa emails...! Pero sa tutuo lang, parang nasasayang lang laway ko rito kasi mas-alam nyo pa yata ang mga bagay na pinagsasabi ko rito kaysa sa akin at mas expert pa yata kayo at ako naman ay medyo naalimpungatan lang siguro at ang pagka-amused sa internet kaagad ang napagtripan kong i-compose...! Yaman din lang na nandyan na rin kayong nagtityaga nitong boring kong topiko ay papayuhan ko na lang kayo na mahalin nyo at i-appreciate ang mga everydaily life nyo kasi mapalad kayong fractions lang ng kahirapan sa pang araw-araw na buhay ang nararanasan compared sa mga dinanas ng mga parents nyo noon...
Sabi nga ni makatang pepe ay, "treasure each and every single day of your life and you shall live in a world thats filled with amusements... Like the casino he-he... Plenty of amusements dun di ba... May mga nahihimatay pa nga minsan sa sobrang pagka-amused, natalo pala he-he...! Tama naman a, life is a gamble...! You and me, we are the gamblers of the country wooo-woooh...! Napakanta pa si loko...! Okay tama na daldal ko rito at nagugutom na ako...! Save for the next post naman ang ibang laway ko...! Bob is you...!