___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, December 25, 2006

Noah's Zoo...


Nabasa nyo na ba o napag-aralan sa school ang istorya ng Noah's Ark? Kung hindi pa o kaya ay nakalimutan nyo na pabayaan nyong i-refresh ko ang memory nyo... Mga 300 taon bago pa ipinanganak si Jesus Christ ay may isang relihiyusong tao na ang pangalan ay Noah. Hindi si Mang Noah'ng magtataho ha? Lolo nya... Anyway, si Noah ay isang tapat na alagad ng diyos, at mabuting ama at asawa sa kanyang mga anak at asawa. Isang araw nagsalita ang diyos kay Noah na gumawa sya ng arko na na-aayon sa dikta ng diyos at ang tanging gagamitin ay nag-iisang punong kahoy lamang at si Noah ay sumunod sa utos ng diyos...



Nagsalita ulit ang diyos kay Noah na mag-ipon sya ng isang pares sa kada uri ng hayop at ilagay ang mga ito sa loob ng arko, at si Noah ay muling sumunod sa kabila ng tawanan at kantyaw ng mga tao sa akala ay kabaliwan nito... Muling inutusan ng diyos si Noah na ipunin ang kanyang pamilya at pumasok sa arko at paghandaan ang pagdating ng malaking baha na itinakdang lilipol sa lahat ng mga kasamaang nasa ibabaw ng mundo...At si Noah ay muling sumunod sa utos ng diyos... Ngunit sadyang si Noah ay maawain kung kayat sinubukan pa rin nyang kumbinsihin ang mga taong kumukutya sa kanya para pumasok at maging ligtas sa hatol ng diyos ngunit nabigo sya...


Sa madaling salita, nakaligtas si Noah sampo ng kanyang asawat mga anak at mga pamilya nila sa mapanalasang baha na kumitil sa bilyon-bilyong buhay sa mundo... Ang general notions at mga hypothetical explanations na nakabalot at nagsisilbing katibayan at pala-isipan sa katutuhanan ng istoryang ito ay walang ibang matatag na basihan kundi ang isang maliit na aklat ng karunungang spiritwal na tinatawag nating bibliya... Dito nagsimula at dito rin babalik ang mga kung sino man na nagtatangkang biyakin at paghiwalayin ang kathang-isip sa katutuhanan as a source of guidance nila...



However...! (inglis yun a) Ngunit, subalit, wala pong karapatan at lalo po ay walang plano si pepe na kalkalin ang ano mang katutuhanan ng istoryang ito at lalong-lalo nang wala akong balak na hanapin ito sa tuktok ng Mt. Ararat dahil takot po ako sa hight...! Ngayon nga lang sa sariling tangkad ko ay nalulula na ako, sa Mt. Ararat pa kaya...! Ang gusto ko lang pong tanungin at malaman mula sa inyo ayon sa mahaba at madugong kabanata ng istoryang isinalaysay ng inyong abang linkod na si pepe ay kung na-realized nyo rin ba na si Noah ang nagsimula ng pinaka-unang wildlife zoo sa buong mundo...?

Hindi ko din alam kung ano ang naging inspirasyon ng mga unang operators ng mga wildlife zoo,at wildlife santuaries sa ngayon pero duda akong hindi si Noah yun... Gayun pa man, (hindi na however ha) sila ang mga zoo, at wild santuary owners ang matatawag nating mga makabagong Noah ng panahon natin ngayon... Any questions...? Why is the carabao black? Very simple... Libag...!

My boring christmas...


Christmas day, kagigising lang ni pepe nagbukas ng fridge at naghanap ng pwedeng makakain. Boring talaga ang christmas sa downunder walang kakulay-kulay...! Hindi na rin ako nag-ayos ng apartment unit ko kasi kung maglalagay naman ako ng christmas decors ay magmumukhang oasis lang sa gitna ng disyerto ang unit ko na nag-iisang kumukutikutitap sa dilim dahil sa wala naman yatang naglagay ng kahit na isang christmas light man lang sa mga kapitbahay ko... Nakaka-miss tuloy ang pinas hayyy...! Last years christmas at new years-day was a bit okay kasi may kapit-apartment ako nun na mga pinoy so naghanda ako ng kunting BBQ party sa may balcony ko so medyo nag-inuman tapos may pagkain, music, videos, tawanan, at kwentuhan... Pero hindi nagtagal at lumipat sila sa mas malaking apartment kasi masyadong masikip daw silang tatlo sa apartment nila kung kayat nalungkot na naman si pepe...




This year plano ko sanang maghanda rin pero bad luck yata itong year na ito at nagpunta ng Gold Coast ang natititang nag-iisang neighbor ko na pinoy kayat (plok) nawala ang plano kong party... Nawalan na rin tuloy ako ng ganang maggala o magpunta sa shops man lang... Magmumukmok na lang ako siguro dito sa munting apartment ko buong christmas holiday na ito at mag-wish na sana hindi ako maubusan ng mga maliliit na activities at tuluyang ma-bored...




Paano na kaya ang pasko sa pinas ngayon...? Alam ko na medyo may kahirapan na ang buhay sa pinas ngayon marami ang kapos sa pera... Ang gobyerno naman kasi sa atin masyadong makasarili, mas-inuuna pa ang pansariling suliranin kesa mga responsibilidad na sinumpaan nilang tutuparin at gagampanan ng taos puso at walang halong pansariling interes... Paano kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi samantalang patuloy na naghihirap at nagugutom ang iba sa ating mga kapos na mga kababayan...?




Ngunit dahil pinoy ay wala halos ni kunting bakas man ng suliranin na nababanaag sa maliliwanag nating mga ngiti kayat bilib na bilib ako talaga sa pinoy...! Kung hindi lang sana ako kapos din at naubos na ang savings ko sa bakasyon ko last april ay sana sa pinas nalang ako nag-christmas at masaya pa sigurado ako ngayon... Nami-miss ko ang noche buena kasi noche hilik ang ginawa ko kagabi dahil wala namang happening gumising man ako ng hatinggabi, lalo lang akong malulungkot... Sinabayan ko nalang ng hilik ang halakhak ni Santa Clause, natakot tuloy sya at ni hindi man lang sumilip sa bintana ko dahil akala siguro ay may monster sa loob na ungol ng ungol...!



Pareho pa rin kaya ang pag-celebrate natin sa mga tradisyon, meron pa rin kayang simbang gabi? Ang last christmas ko sa pinas kasi ay nung year 2000 pa... Ang baluktot na advice pa nga nun ng mga my plens ko dito ay wag daw akong umuwi dahil baka ma-Y2K daw ako at hindi na makabalik dahil titigil daw ang lahat...! Ano yun? Statue dance na pagtumigil ang tugtog ay ala statue ka ring hindi gagalaw...? E ang eroplano mag ii-statue dance din sa himpapawid? Kayat ang sabi ko na lang sa kanila ay YIK (why i care) because i dont really care sabay taas ng isang kilay na ala Jinggoy Estrada...! Natawa pa ang mga loko sa sarili nilang katangekan ng bumalik ako in one piece at nadagdagan pa ang timbang...!




Ni hindi man lang yata umutot ang eroplano sa himpapawid tapos naniwala kayo sa narinig nyo dun sa naniniwalang ang sinabi ng isang kapanipaniwalang kaibigan nya na naniniwala sa isang nagsabing kapitbahay na paniwalang-paniwala naman dun sa mapagpaniwalaing na met nya lang sa may bus stop na hindi naman nya kilala at hindi nya pinaniniwalaan dahil mukhang walang namang tiwala sa sariling paniniwalalaha pwe pwe! Naligaw pa tuloy ang usapan natin...! Ano ba talaga kuya?!
Pero kung ako lang sana ang masusunod ay mas gusto ko sa pinas kesa dito sa downunder hindi lang sa pasko kung hindi sa habang panahon... Pero madaming bagay pa ang dapat kong ayusin at kusidirahin bago ko matupad ang pangarap ko na iyan, pero ramdan kong malapit lang ang katuparan ng lahat ng yan... For the mean time, tyaga lang muna pepe...