___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!
Showing posts with label Season. Show all posts
Showing posts with label Season. Show all posts

Sunday, March 30, 2008

Time bug....


There was a small confusion with time this morning all over New South Wales.... Madaming mga na-delay na flights, na late sa kanilang mga lakad at appointments at mga tinanghali ng gising at isa na po ako dun he-he....! The reason to all these....? The change to the daylight saving schedule that had cause a little time bug....


Yung mga magsisimba pagdating sa simbahan ay tapos na ang mass.... May mga na-late sa bus and train schedules.... At meron naman na mga katulad kong pinaga-adjust kaagad ang lahat ng clocks sa bahay para lang mag-adjust na naman pala ulit pabalik ngayon nung marinig sa radyo ang tamang oras, ay tangek....! Buti na lang pala nalaman ko kaagad, kung hindi baka pumasok ako ng alas-otso instead na alas-syete bukas....!


Daylight savings normally ends in New South Wales today, but has been delayed by one week in south-east states in an attempt to harmonise dates across the country.... Problems have been reported with broadcasting, with computer-operated systems failing to operate to the correct time....


Ginagamit kasi ang daylight saving sa mga time zones ng mundo kung saan paiba-iba ang posisyon ng sikat ng araw.... Halimbawa, ang 6 'o clock in the morning kung summer ay para namang 4 'o clock AM kung winter.... Ginagamit dito ang daylight saving hours para ipa-atras o ipa-abante ng isang oras ayun sa seasonal changes nila dahil kung hindi, every winter ay maaring ma-experience na kasing dilim ng alas-quatro ang alas-sais ng umaga at kasing liwanag naman ng alas-singko ang alas-otso ng gabi....!


Nakakalito ano....? Same experience rin yan kung nandun ka sa opposite pole of the earth like america and canada, kung kaya kailangan din nila ng daylight saving hours dun.... The time difference between philippines and australia is about 3 hours lang, that is during summer.... Pagdating ng winter, we wind the clock backward to adjust to DST (Daylight Saving Time) so magiging 2 hours na lang sya.... Anyways, kayo na lang ang bahalang mag-isip dyan at nalilito na rin ako he-he....! =D

Sunday, December 23, 2007

Happy Holiday....!



Have a merry christmas all....! Ilang oras na lang, Noche Buena na naman....! Na-miss ko tuloy ang pinas, tagal ko rin hindi nakapag-christmas dyan kasi.... I remember my last christmas in pinas was in year 2000 pa, napakatagal na pala....! Whew, dapat ay makauwi na ako talaga next na christmas....! Finally the busy days are over and christmas break is here wooohooo....! Pasensya na po for my being so quiet for the past few days.... Madami lang po kasi akong mga bagay-bagay na tinapos at nilinis prior to this christmas holiday season.... I'm just glad that at last this year is ending na, kasi medyo hindi maganda ang mga naging vibes ko nitong taon na to....


At least naman ay patapos na sya ano....? Welcome new year, at sana ay much better year na rin to para medyo makapag-relax naman ako ng kunti.... Balik blogging nang muli.... Anong nangyari kay Pepe for the past few days na medyo natahimik tong downunder nya....? Well, madami po.... I have to concentrate on my end of the year duties sa trabaho.... I have to make sure that everything on my work table are tidy and well into places kasi mas-clear ang isipan ko pagbalik next year kung tapos lahat ang mga assignments ko for this year di ba....?


Then, i have to prepare for our christmas party na this time ay sa work place lang ang venue kasi medyo hindi rin maganda ang results ng year na to sa trabaho namin financially.... Madaming kapalpakan na nangyari, bumili ng mga makinaryang hindi naman namin kailangan talaga, nag-set ng bagong system na naging pagulo lang sa smooth na flow ng old system, bumagal ang productions, tinanggal ang saturdays work, tinanggal din ang over-time, ni wala pa yatang bunos this year dahil wala pa akong nakikitang bagong figures dun sa bank account ko hanggang ngayon and i will be in big trouble kung wala nga dahil kinapos ang budget ko for this christmas sa dami ba naman ng financial problems ko this whole year....! Hindi rin natuloy ang planong holiday ko in pinas dahil dito.... At kung ano-ano pang mga kapalpakan....!


Pero kahit papano naman ay may mga maliliit na swerte ring dumating sa life ni Pepe this year, though it wasn't really enough to keep me smiling the whole year round ay motivations na rin para mag-move on.... Naks ha-ha....! Anyways, i hope everyone's having a good time this christmas.... I will try to smile this christmas pa rin naman kahit na san damukal na problema yata ang tumama dito sa mukha ko sa buong taon na to.... At least ay hindi naman ako binigyan ng mga problemang hindi ko kayang harapin di ba....? I hope everyone's is having a great time this christmas and for the new year, and ingat na wag maputukan okay....?! I will probably visit your blogs after this to say merry christmas.... Ingatz all....! =D

Monday, November 26, 2007

Thinking about christmas....


You know christmas is just around the corner, but the odd thing is soon it's going to be scorching hot here in sydney....! Summer time is already here and it's already starting to get more warmer each day.... Christmas in my childhood's memory is about santa, snows, reindeers, and snowmans.... And eventhough tropical ang climate natin dyan sa pinas pero meron pa rin namang kaunting ihip ng malamig na hangin kada pasko di ba....? Ewan ko lang sa Manila, pero dun sa amin sa probinsya may lamig pa rin na kunti ang pasko.... There's no way i can sport my jackets and things here for christmas like i use to do there in pinas when we go to the church and malls at night....


Sometimes it's strange watching christmas programs on tv during the ber-seasons when you'are sweating all-over and you crave for a glass of cold drinking water....! Plus the annoying scenes in the malls....! The decorations, the songs, at nakakita na ba kayo ng pictorial na si Santa Clause ay parang ginaw na ginaw dun sa porma nya habang ang kandong-kandong naman nya na bata ay nakapang-Sahara Desert na attire....?! How i wish na makaka-uwi ako this christmas, pero malabo due to a lot of problems that was stopping me from saving for my holiday back this year....


Anyways, there's still plenty of chances naman sa mga susunod pa na mga months, pero ito sana ang pinakagusto ko dahil masaya at madaming activities.... I've missed a lot in my life you know.... Since i came here, everything seems to had stopped in a certain point of my life.... Sometimes i said to myself na maybe tatanda ako later on na puzzled and wondering what had happened to those dashes in between the words na "my-------life" kasi napakadami kong na-miss na mga bagay....! Minsan na-isip ko tuloy na mag-aral kaya akong lumipad....! Para naman makakabalik ako sa pinas anytime na bored ako dito ng walang masyadong kuskos balungos....! Yun kaya ibig sabihin nung Flying School....?


Hay naku, kung bibilangin ko lang ang lahat ng mga hinanakit ko sa buhay ay magi-emote na naman, totopakin, at masisira lang tong pasko ko....! For the sake of the christmas spirit na lang, i will try to enjoy this christmas season kahit na medyo malayo sa love ones dahil once lang naman natin to mai-enjoy sa isang taon di ba....? Sa mga nag-aantabay naman po dyan sa holiday counter ko sa taas, hindi po matutuloy yan.... Dapat siguro palitan ko na muna yan ng counters for New Years Eve o Valentines Day hanggang sa makapagmunimuni at makapagdesisyon naman ako ng panibagong mga holiday dates....! And hopefully this time ay matuloy na sana.... =D


Thursday, December 14, 2006

Summer na naman...!



Summer na naman dito sa downunder, sobrang init at sobrang dami ng langaw...! Sa pinas kalabaw lang ang nilalangaw, dito tao naman ang inaatake ng sangkatutak na mga langaw...Siguro walang kalabaw dito kaya ganun... Ang nakakainis pa sa mga langaw dito kasi masyado silang tame, feeling nila aso sila...! Etong isa! Um! Pitik! Splat!... Ayan tuloy naging tatlo ka ngayon...!

Madami kasing pwedeng dapuan sa ilong ko pa naisipang dumapo... Ano ba meron sa ilong ko na wala sa iba at dyan mo naisipang dumapo ha...? Uhrm! O...! Close your mouth tatang hayaan nyo na lang ang langaw ang sumagot nun, alam ko naman kasi kung anong sasabihin nyo e... Atin atin na lang yan...! Ganito palang summer pag malapit ka sa disyerto sobra...!
Mababa din ang humidity level nila kayat wala halos kahit isang patak na pawis na tumatagaktak sa iyong katawan... Anong tawag nun sa tagalog? Feeling ko tuloy ay para akong binurong isda na kahit balot na balot ay hindi pinagpapawisan...
Hirap din sila sa tubig, nasabi ko lang yan kasi mula yata nung dumating ako rito ay palagi na lang may water restrictions kahit na tag-ulan all year round... Marami sa mga bagong subdivisions dito ang may sariling water recycling system para maiwasan ang problema sa tubig...
Mataas din ang UV o UltraViolet level dito kayat hinihikayat ng mga ahensya mediko dito na maging maingat ang mga madlang bayan sa mga downunder the sun activities nila...
At para naman sa matitigas ang ulo, Skin Cancer lang naman ang katumbas nyo... O lalaban kayo...?