___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Thursday, January 11, 2007

YEAR 2029, DOOMSDAY...!

Mga my plens kung nabasa nyo ang balita sa newspaper ngayong umaga ay tiyak akong mangingilabot kayo at baka mabugahan nyo pa ng kape ang kung sino mang kaharap nyo sa pag-aalmusal ngayon... Mga bandandang 4:36 AM daw, araw ng biernes, a trese ng abril, taong 2029 ay ang katapusan daw ng mundo ayon sa prediktsyon ng mga sayantipiko.... Ayon sa mga ito 22 taon mula ngayon, isang napakalaking Asteroid ang nagbabantang sumalpok sa ating mundo... Ito ay may bigat na 25-milyong tonelada, at lapad na 820 ka talampakan.... Ang pangalan ng Asteroid na ito ay Apophis na kinuha sa pangalan ng isang Egyptian god of darkness and destruction.... Ngunit ano nga ba itong tinatawag na Asteroid...? Ayun sa mga eksperto, itong mga Asteroids ay mga mini planeta rin.... (planetoids)



These are rocky bodies, the vast majority of which orbit the Sun between Mars and Jupiter. It is thought that there must be around 100,000 in all. The largest asteroid is Ceres which has a diameter of 579 miles. The smallest detected asteroids have diameters of several hundred feet. Together with comets and meteoroids, asteroids make up the minor bodies of the solar system. They are considered to be left over planetesimals from the formation of our solar system....




Ang maitim nga palang body ng ating solar system na sobrang dilim pagtumingin ka sa kalawakan kung gabi ay hindi talaga ang kadiliman kundi isang parang jelly like body na animoy gulaman ang structure at syang humahawak sa buong solar system at mga planeta para wag itong gumalaw pahiwalay sa kanikanilang mga orbits at pwesto... Ito ay ang tinatawag nilang black matter... Nalaman ito ng mga sayatipiko makailan lang ng magpakawala sila ng isang high frequency na radiowaves patawid sa solar system at namalas nila mula sa makabagong kagamitan at monitors kung paano nagpatalbogtalbog at nagpaliko-liko ito sa kawalan na parang may kung anong solid substance itong nababangga at ang pattern ng pagtalbog at pagliko nito ay parang pumapasok ito sa maraming networks ng butas at kweba na present lang sa isang solid formation...




Ang Apophis na nagta-travel sa direksyon ng ating mundo sa bilis na 28,000 mph at ito ay mga two-thirds ng Devils Tower sa Wyoming ang laki...! Nakakatakot ano...? Ito raw ay 65,000 time more powerful than the Hiroshima bombs at kayang bumura ng isang maliit na bansa sa mapa ng mundo...! Kaya din daw nitong gumawa ng isang napakalaking Tsunami na may 800 talampakan ang taas...!

Devils Tower...

Pero kung kayo man ay may balak nang maglipat ng planeta ay wag daw muna kasi una baka makidnap lang kayo ng mga aliens doon, at pangalaway wala naman kayong pwedeng mapagsakyan hanggang dun kasi wala pa namang franchise ang mga jeepney at bus na mars to pinas and vice versa...! Kaya manahimik na lang muna kayo sa isang tabi at kumain ng maraming pakwan at siguradong sa dami ng tubig na maiipon sa katawan nyo ay hindi kayo basta masusunog kaagad ano...!



Ang mga scientists naman ay 99.7 porsyentong sigurado na ito ay lalagpas lang sa mundo at hindi tatama... Dadaan ito sa distansyang 18,800 to 20,800 miles na medyo malapit pa rin sa atin kasi ang distance na ito ay parang isang round trip lang mula New York to Melbourne, Australia...! Maaaring makikita din ito ng malapitan at maiapalabas pa ng close-up view sa mga telebisyon dahil ang distansyang ito ay nasa loob na mismo ng orbit ng ating mga satellites dito sa earth...

Kaya mga my plens kung ang mga lola nyo ay nangangatog na sa mga oras na to sa sobrang takot dahil sa balitang ito ay damputin nyo muna ang remote ng tv nyo at i-pause muna sya, ingay kasi ng up and down dentures nya nakakangilo...!

Ayun naman sa mga eksperto kung sakali mang magmintis ang kalkulasyon nila at tumama man ang Asteroid na ito ay dapat daw na magbalot-balot na kayo ng mga nappies nyo dahil talagang napakalakas daw ng epekto nito na mahirap na daw tantiyahin may makakaligtas pa na mga nilalang kung nasa loob ka ng destructive range nito... Posibleng maapektuhan daw nito ang mga nasa 30 mile-wide swath ( malapad at mahabang guhit o marka) stretching across Russia, the Pacific Ocean, Central America and on into the Atlantic. Managua, Nicaragua; San José, Costa Rica; and Caracas, Venezuela... Lahat ng mga lugar na ito ay nasa linya ng direktang tatamaan ng Asteroid na ito... Sa kasalukuyan ang pinaka-bulls eye ng pagtama nito ay ang teretoryo ng West Coast kung saan ito ay gagawa ng limang milyang lapad, at 9000 talampakang lalim na hukay bunga ng malakas na impact nito... Ang pwersa ng impact nito ay sapat para magpataas ng level ng tubig sa dagat at mag-transform as isang napakalaking 50 ka talampakang Tsunami na tatama at tuluyang wawasak sa syudad ng California... Whats gonna happen to Arnie...?

Anyway naman kung ito ay sadyang kagustuhan na ng maykapal ay wala tayong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang siguro ay mga kaparusahang hatol nya sa makasalana nating sanlibutan...



Kung sya naman ay nag-aambisyong lang na maging kasing galing ni kuya Efren Bata, sana ay magmintis sya at wag sanang sa atin ang Apophis ay tumama...!