Lulubog lilitaw na posts....
Back on air na naman po ako.... Parang radyo a....! Matagaltagal din akong nawala, mga 2 weeks he-he.... Matagal na ba yun....? Masyado lang naging busy ang 2007 ko at hindi ko pa mahanaphanap ang mga nawawalang bahagi ng katawan ko at nagkapirapiraso na yata ako sa sobrang confusion ngayong 2007....
Naging medyo mabagal rin itong pc ko nitong mga nakaraang araw at kagagaling lang sa pagka-crash ito buti na lang at naagapan ko kaagad at nai-reformat nang muli pero medyo may nakalimutan yata akong i-install at parang nahihirapan syang basahin ang ilang formats at mga iscript-iscript na yan dito sa www.
O baka naman naghihintay lang ng faster broadband connection kaya in a slowly crumbling mode na sya.... Anyway, a faster broadband connection is not that expensive anymore now a days unlike before na ginto ang presyo nito, but still considered unwise pa rin kung blogging lang naman ang main purpose at wala ka naman palagi sa bahay para ma-fully avail ang mga advantages nito....
But who knows i might make-up my mind one day.... Matagal kasi akong mag-decide.... Yun tipo bang pumutok na ang baril pero nag-iisip pa rin kung saan iilag, sa kanan kaya o sa kaliwa....
But i was trying my best and still keeping in touch with everyone naman all these absent days through my funny cartoon page na masmadaling i-update kasi pwede ko syang i-sketch lang muna at i-save sa drawing tablet ko and takes only about 30 mins/day to make 2-3 post daily as long as i have some spare time....
Kumusta naman ika nyo ang downunder....? Eto mainit pa rin pero patapos na ang summer and coming up is the autumn na palagay ko ay hindi rin masyadong malamig ngayon kasi nag-lapse din ang winter at spring noon sa intended normal average transition periods nila.... Very foggy din sa umaga, about 15-20 meters visibility.... Alam nyo ba na ang fog sa umaga ay indication ng isang mainit na araw depende sa intensity o kapal nito sa madaling araw.... Overall, everything is under control pati na ang kasalukuyang bagyo odette nila sa may goldcoast na hindi tumitinag sa kinatatayuang gitna ng dagat hanggang sa ngayon....
Anyways, pagdating ng winter season ay magmimistulang ghost town na naman ang downunder at masisitaguan na naman ang mga head turners ng kalye (mga chicks na very showy) sa mga suman wrappers nila.... And next summer ay nandyan na naman ako sa pinas....! Woohoo....! Saan kaya magandang mamasyal dyan....?
Sana pag-uwi ko ay sunduin ako ng mga astig, hindi astig, naintriga at kahit na yung mga nainis at nainsulto na mga nagbabasa sa blog ko na to.... Pero bad luck kasi no clues kayo kung sino si pepe unless na your a memeber of my ever loving family kasi i just happen to look like everyone else....! Black hair, black eyes, brown complexion and speaking pinoy just like you are, just like everyone else ha-ha....!
Bibigyan ko kayo ng clues mga my plens he-he.... I'm on board downunder's airline, and i'm not afraid to talk with strangers (talking to anything that moves he-he).... Parang horror movie ang dating nun peng a....! Astig kasi tayo.... Baka kasi bigla nyong tawagin ring pepe ang ale na moving slowly rin and not afraid of strangers din na kagaya ko, biglang mahampas pa kayo ng bakya, baston, plastic bag, bayong, payong, etc.... Wawa naman si kayo.... Whaaaa!
Bilis ng panahon ano....? Parang kelan lang yung last holiday ko mga 10 months ago, ngayon pabalik na naman ako....! Cant hardly wait for the moment mode na ulit si pepe.... Bad side effect lang ng mode na to ay napapadalas rin ang bisita ko sa filipino shops he-he....
Anyways ulit kahit na too much anyways na ang naisulat ko rito favorite expression ko kasi.... Kita-kita-kits na lang tayo ulit next posts.... Try visiting my funny cartoon page, matutuwa kayo....