___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Wednesday, March 21, 2007

My music player is in hiatus....! (part 2)

Update lang po dun sa last post ko (na in hiatus pa rin) na tungkol sa i.ph audio player.... As we speak ay wala pa ring kaluskos man lang na ginawa ang mga taga i.ph so i guess i'm just going to live with it na lang muna for the time being kasi no choice kaastigan ko rito....! Until such time na baka maawa sila sa akin at mag-respond sila o di kaya ay makahanap ako ng bagong audio player na maganda o kahit hindi na maganda basta ba perfectly functioning lang ay okay na....



Ito lang kasi ang kahirapan sa extension of pc like the web kasi hindi mo kontrolado ang mga nangyayari tulad na lang halimbawa ngayon....! Kung within my pc system lang sana ang blog na to ay kung ano-ano na sanang mga programs ang nailagay ko rito ng walang kapawis-pawis ngayon....



Nanghihinayang lang kasi ako dun sa every efforts na ginawa ko just to compose that audio playlist.... Anyway, i will not lose all those songs because i have a huge collection of those 80's and 90's, in english and opm with me so i can always upload them back to just any audio player that i may link again here in the future.... But imagine the mess that this i.ph audio player did to my site....! It really totally wasted my time and efforts talaga.... KAKAINIS NA I.PH YAN...! Grrrrrrrrrrr....! Bow-wow-wow....!



Hopefully in the long run ay mahahanap ko rin ang ideal audio player ko but for the mean time ay pagtyagaan nyo na lang na pakinggan ang warning message dyan kung first time user kayo ng i.ph audio player ko ay another victim na naman kayo he-he.... Sorry na lang po sa abala....



Wala po tayong magagawa so the show must go on.... In my everydaily life naman, the week started alright for me pero medyo busy pa rin as usual sa work.... Last saturday ay may kunting barbecue gathering ang barkada in one of my friend's house and as usual ulit ay cook again ang astig nyong lingkod as the only member of the group na marunong magluto as in naked chief (Jamie Oliver) ang dating kaya sa kitchen ka muna peng....!



Anyways, lahat ay kumain at nagpakabusog, at meron pang sumakit daw ang batok dahil sa sobrang katakawan sa pork inihaw.... Si pepe naman ay sumakit ang tyan dahil kung ano-ano ang pinagsisiksik sa bituka....! Buti nga sa yo....! Pero overall observations ko ay nag-enjoy naman ang lahat syempre.... Ako yata ang cook....!



At the moment ay walang anomang mga highlights na nangyayari dito sa downunder maliban sa state election (tama ba yun....?) na coming na this saturday pero safe na si pepe dyan kasi kanina ko pa nai-deposito sa mailbox ang vote by postal method ko.... Nag-apply kasi ako last time just before this election week as an elector by post at na-approve naman si loko kaya free ako ngayong mag-over time ng hanggang sa gusto kong oras on saturday.... O di ba astig....!



Ang reasons ko lang na nilagyan ng tick dun sa application ay busy ako palagi and at the same time ay isang silent elector ako.... Kakaiba ano....? Ganyan sila kung magtiwala sa mga citizens nila dito.... Nakakalungkot lang isipin na hindi gagana ang system na kagaya nito sa pinas dahil sa laganap na kurapsyon at mga makasariling mga politiko natin.... Ano nga ba naman ang magagawa ng isang sistemang kagaya nito kung mga politiko lang natin mismo ay nagpapatayan na makadampot lang ng posisyon sa gobyerno....



Pero bakit pa ba natin iintindihin sila e hindi na naman bago sa mga barado nating mga tenga ang mga balita na yan....! Sikapin na lang nating mapakain ang pamilya natin ng tatlong beses sa isang araw at maglabing-labing pagdating ng takipsilim....!



Balik tayo dun sa audio player ko, talaga bang walang mga i.ph users sa mga avid visitors ko dito....? Share nyo naman pagkain nyo este experience nyo pala sa akin.... Alam ko pare-pareho lang naman tayong lahat ng problema....



Ayaw nyo pa nun, pwede tayong mag rally against the collapsing service of i.ph kung magsilabasan lamang sana kayo sa nga lungga nyo....! WE WANT SERVICE...! WE WANT I.PH....! - WE WANT RESULTS....! WE WANT I.PH....! IBAGSAK ANG PRESYO NG PANDESAL....! (ngak....!)



Tama na nga kayo dyan at inaantok na naman ako....! Matulog na lang muna kaya tayo....!