___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Tuesday, January 09, 2007

Aussie English - 1A (lesson-2)

Part - 2 ng Aussie English - 1A, alam ko na nakaka-bored pero gusto ko lang talagang i-share sa inyo... At kailangang matuto kayo kasi malay nyo one day ay makapunta kayo dito sa downunder at pagnangyari yun ay siguradong maaalala nyo ang English - 1A ko... Hindi ko kayo pinipilit na basahin ito, kong ayaw nyo i-turn-off nyo computer nyo... Jok-jok peace tayo...!


Naalala ko nun ng magtrabaho ako sa isang electronics factory na gumagawa ng Toshiba Laptops sa malayong suburb na kung tawagin ay Penrith... One hour train ride sya pwera pa ang waiting time na almost 25 minutes din sa everyday yan ha...! Tapos pagnakarating na ang train dun ay mga 10 - 20 minutes na naman na paghintay kung kailan lalakad ang bus... Ang mga bus kasi dito ay di katulad sa pinas na kahit saan ka lang na kanto magpapara ay titigil ito para pasakayin ka, dito pag wala ka sa bus stop kahit na sampung metro lang ang layo mo sa bus ay hindi ka hihintayin nito...! kaya pagwala ka sa tamang lugar, magkatanggalan man ang mga balikat mo sa kakapara iisnabin ka lang ni mamang tsuper man... Kung dun yan sa pinas nakuw! Sampal, sipa, payong, tsinelas, at bakya ang aabutin nya...!






Balik tayo sa story ko... Yun na nga nagtren ako tapos ng marating ko na ang bus station ay ayaw ba naman ako papasukin ng bus driver kasi mali ang pagka-pronounce ko dun sa lugar...! Sabi ko, " can you take me to Jamison Town please". Ang tamang pagsambit pala nun ay JAAH-MIH-SOON... Kaya ang ginawa ko na lang ay isinulat ko sa isang pirasong papel at ipinabasa sa kanya at napangiti lang ang loko na may pagka-racist sa tingin ko...


Hindi ko lang siguro naalala pero nung mga time na yun nasabi ko siguro na, " alam mo mamang kalbo, sarap mong ihagis sa bintana ng bus na to at ako na lang ang magpalit sa pagda-drive dyan"...! Pero sadya yatang napakabusilak ang puso ni pepe (naks! galing ng banat mo peng!) at nagpasensya na lang muna... Anyway, eto ang iba pa sa mga aussie slang na mostly ay hindi pa natin na-encounter kahit sa american movies...


Cadbury - Familiar ang word na ito di ba? Tunog chocolate... Pero alam kaya nyo ang ibig sabihin...? Ang word na ito ang tawag sa mga taong isang patak palang ng alak ay lasing na kaagad... Pag isang bote tigokok he-he...


Cancer Stick - Ito ang tawag ng mga tambay sa kanto sa sigarilyo hindi ko alam kung bakit he-he... Yun ba yung sa Astrology...? Cancer, scorpio, libra, cancer ulit ano pa...?


Cardie - Kung nakapunta ka na ng casino nakita mo na ito... Ito ang tawag ng mga sugarol sa Poker Machine.... Bangko ng mga waldasero o kaya sugar-bank... Sa iba tawag nila dito ay diyos sa loob ng kahon... May nakita akong nakaluhod at nagdadasal sa harapan nito nung mapadaan ako sa Star City sa Sydney nun...!


Centralia - Ganito naman ang tawag nila sa mga nakatira sa inland australia na wala namang gaanong nakatira dahil sa pagkainit-init na climate at wala pang ulan... May story pa nga noon sa news paper tungkol sa isang bata na bago nakakita ng ulan ay 4 years old na sya...! Kaya nagtatampisaw sa tubig at putik ang kawawang bata buong maghapon...!


Chappie - Isa pang sexing tawag sa mga lalaki... Ganito pangalan ng aso sa kapitbahay namin nun a...! Huuuu! Chappie...! Chappie : Bow-wawa-wow...! (translation : coming...! coming...!)

Chatty - Ibig sabihin lousy, sira o kaya hindi maganda ang condition... Hey pedro, i saw your undie hanging on the clothes line its a bit chatty... Ganun...! Sagwa naman nun...! Tunog tsokolate sa undie...!


Cheese and Kisses - Short este long for asawa pala...! Misis, kumander, jaworski (magaling magbantay kasi...!), ismi, baby-machine gun, waray, love, darling, lusyang, rosanna (manyakis), taba, barang, ano pa tawag nyo sa misis nyo...? Yan ang ibig sabihin nyan...!


Cheesy Grin - Ibig sabihin hindi tutuong ngiti... Nakita nyo ang isa dun sa tatlong pinoy, yung isang maliit na nakangiti pero umiiyak pala...? Ganun...!


Cheesed - Ang ibig sabihin naman nito ay napikon sya... Bakit kaya...? Siguro dahil pagnapikon ang isang tao ay nanghahabol kaya cheese...! Ay wil chis yu wir eybir yu gow...!


Chewie - Ito ang paborito kong nguyain... Loko hindi nganga...! Chewing Guam este Gum pala...! Nalito tuloy ako...!


Chick Flick - Ito ang mga walang kamatayang pelikula nina Leonardo & kate, Kevin & Whitney, Nicholas & Meg, Julia & Richard...etc. Mga pelikulang ma-appeal sa mga iyaking chicks na babae... Bakit may chicks na lalaki ba...? (siguro, hindi lang ako sure...!)


Chink - Racist ito na ang ibig sabihin ay intsik o akong... Alam nyo sa chinese pala ang ibig sabihin ng akong ay lolo...! So bakit natin tinatawag sila minsan na Mang Akong...? Ano yun Mang Lolo... Mang-lolo... Mangloloko...! ( joke only... words that rhymes lang po... no offense sa mga chinoy nating mga kapatid... peace po tayo ha...?)


Chook - Ganito naman ang tawag nila sa mga manok dito... Napansin ko na ang mga aussie ay tilaok haters kasi pagpumunta ka sa mga nagtitinda ng livestocks dito ay wala kang makikitang tinitindang tandang....! At meron pa akong nabasa na kaso na pinakurte o dinemanda ang isang pamilya dahil sa may tandang na tilaok ng tilaok sa likod bahay nila at ini-report ng kapitbahay sa halip na kausapin lang...! Ang witnesses, mga inahin he-he...!


Clinah - Ito naman ibig sabihin ay maganda at batambatang babae gaya ng mga pinapanood ng mga taga PSHC Boys Dorm. dyan sa may lagoon sa likod ng wildlife center sa Quezon Avenue...! Hoy tumigil na kayo...!


Cool Bananas - Ibig sabihin saging na malamig...! Oo nga naman...! Hindi, ibig sabihin ng word na yan ay okay as in approve...!


Cornball - Ito ang mga nanliligaw na patawa ng patawa hindi naman kalbo...! Kakainis pati ang nililigawan na tawa ng tawa at talagang kinikilig corny naman ng manliligaw nya iyun lang paulit-ulit ang jokes...! Hindi ba sya na immune dun...? Halatang piano teacher manliligaw mo a...! Do-re-mi...do-re-mi...1-2-3...do-re-mi...


Couch Potato - Tawag naman ito sa mga taong tamad at wala maisipang gawin kundi ang maupo ng isang bwan sa harap ng TV na sa sobrang tagal ng pagkakaupo nya sa sofa ay dumikit na ang kulay nito sa balat nya...! Ganda ng t-shirt mo stripe...!


Crappy - Ito naman hindi ko na alam ko paano pa gawin itong nakakatawa kasi naubusan na yata ako ng powers pero and ibig sabihin nito ay marumi as in dirty, muddy, grabe, putikin, mantikain, mantsahin, mr. clean...! Maligo ka na nga...! Baho mo...!


Cup of Cheeno - This is my Favoritow...! Marami kang pwedeng i-drawing sa bula nito gaya sa ginagawa ng mga taga Starbucks... May dahon, bulaklak, feather, star, starry-starry night, monalisa... Hindi na pala pwede yun... He-he...!


Curry Munchers - Racist ang salitang ito, tawag nila sa mga Bombay at kong alin pang lahi na amoy sibuyas ang pusod...! Dont kam klosir or ayl ran awiy...! (no offense again... just making you smile lang...)


Cushy - Hay salamat natapos din...! Ang meaning nya ay same as above pero hindi lang sya tunog Racist...
Pano see you next lesson na lang....? Pagod ako dun a...! Kala ko hindi na matatapos...!

Home-ceans apart challenges...

Good morning my plens, 7:00 AM tuesday morning wala pa ring pasok si pepe dahil on holiday pa rin hanggang ngayon... Hindi halos nakapag-ayos ng sarili pero takbo na kaagad para buksan ang computer na nag-idle dahil buong gabing download ng download ng mga disco music from the 80's...



Alam nyo bang may isang download software na pinaka-the best sa opinion ko dahil mahigit 200 songs, plus mga 20 movies, at maraming games and softwares na ang na download ko rito for absolutely free of service charge... Hindi ko kayo tinuturuang maging isang pirata ding katulad ko ha dahil in reality naman ay wala nang halos legal ngayon sa sistema ng " www " dahil sa karamihan na yata sa mga new generations ng net users ay mayroon nang kunting kaalaman kung hindi man expert talaga pagdating sa net surfing activities, at mga pagmani-obra nila at involved na dito ang pirating in small and big scale like breaking copy rights rules tulad na lang halimbawa ng pagkopya ng mga pictures galing sa isang website papunta sa inyong PC-files...



Anyways, kung still interested ka pa rin at hindi nagbago ang isip sa mga pananakot ko ay ibig sabihin game ka kaya i-click mo lang ITO....



Kailangan mo lang naman ay ang isang average na Dial-up speed ng intenet para sa pag-download ng mga kanta, pero kung movies na ang gusto mong i-download ay syempre Cable/ADSL o Broadband Connectin na ang kakailanganin mo dyan para syempre mabilis ang download speed at hindi ka aabutin ng isang buwan bago mo mai-download ang isang movie lang... Kung ikaw ay nasanay na sa software na to ay pwede mo na ring mai-download ang professional version nito dun mismo sa free version na naka-install sa PC mo... O di ba...! Pirate na pirate ang dating ano...?



Pero hanggang dyan lang ang maibibigay kong ditalye at hindi naman talaga ako pirata at natutunan ko lang din naman ito sa isang hindi piratang kaibigan na natuto rin sa isang hindi piratang katulad rin namin... ikaw na lang ang bahalang mag-figure out ng iba pang functions at alam kong mas may know-how ka pa kesa sa akin...


May PIRATA...!


Anyways, ang topic natin ngayon ay hindi ang tungkol sa pirating kung hindi ang tungkol sa bananacue kaya nagtaka kayo marahil kong bakit may picture ng bananacue dyan sa may gilid... Kagabi kasi ay nanaginip ako na kumakain daw ako ng bananacue.... Bunga lang siguro ito ng sobrang pag-iilusyon ko sa bananacue dahil miss na miss ko nang talaga ito at wala nito dito sa downunder...

Bananacue - noun. 1. cooked, caramelised sugar coated bananas, springkled with sesame seeds and skewered in bamboo. 2. the life of meryendas and parties. 3. yum.


Alam nyo bang once a year lang ako kung makatikim nito kasi wala namang saging na saba dito at kung meron man ay iyong mapait na variety...! Hindi ko lang alam kung may mga filipino fastfood na nagluluto nito pero kung meron man ay dapat na sadyain ko talagang puntahan dahil maaaring na sa malayong suburb ito...


Bananacuephillous-ausdelisciousie (hatchling)


Kung bakit pa kasi kailangan pa nating mangibang bansa muna para lang guminhawa ang buhay... Wala na bang ibang options ang mga pinoy na mapagpipilian at sadyang mahirap na talagang maghanap ng trabahong sapat ang kita sa pinas...? Kasi taliwas sa paniniwala ng karamihan sa mga pinoy na ang mga nagtatrabaho sa labas ay pa-relax relax lang at parang namumulot lang ng pera sa daan kaya madali ang pag-asenso...




Pero kung sana naranasan lang nila ang walang katulad na kalungkutan at hirap na dinaranas muna namin bago kitain ang perang yan at animoy mga na-corner na daga na wala halos malamang pwedeng pagsulingan at nasasakal na sa sobrang suliraning emosyunal at kung ano-ano pang responsibilidad na nakabalot sa kanyang pagkatao at pagsisikap na wala namang ibang pwedeng gawin kundi ang sumabay na lang ng kusa sa agos at kumapit ng mahigpit sa natitira pang katinuan ay maspipiliin pa siguro ng sino mang pinoy na dyan nalang sya tumigil sa pinas...

Another specie : Bananacuephillous-judasciousie



Extinction of the specie scientifically known as: Bananacuephillous-ausdelisciousie
The last one remaining of such a splended creature has died in captivity. There had been some numerous reported sightings of this creatures in the wild but all were regarded as a hoax and unreal...

Pati tuloy simpleng bananacue lang ay pumapasok na sa panaginip ng plens nyo sa sobrang pagka-miss dito...! Alam nyo bang nung last uwi ko sa pinas ay para akong batang maliit na nang mapadpad sa palengke ay lahat halos ay napuna...! Ayun suman bili tayo...! Ayun inihaw na mais bili tayo...! Ayun may mga tindang ulam punta tayo dun...! Ayun may santol dun...! Wala na hong tawad tung bananacue nyo...? Ali magkano tung hopia...? Hay pinas kung nasa kabilang kanto ka lang sana ay uuwi ako araw-araw...!


Here is a photo of the creatures reported sightings taken by an unknown 6 years old amateur photographer... Is it real or just a HOAX...?

Subukan nga nating ipagkumpara ang pinas sa downunder kung saan ba tayo liligaya...

  • Downunder - dito ay may apples, plums, cherries, olives, parmigranate, grapes...etc.
  • Pinas - bakit mas masarap pa nga ang santol, bayabas, duhat, saging, at mangang may baguong dyan...!
  • Downunder - dito may kotse kang maganda at mabibilis ang tren nila...
  • Pinas - mas enjoy ka pa sa jeepneys at no waitng time pa ang mga tricycles at trisikad dito...!
  • Downunder - dito ay kaya mong bumili ng electronics at malalaking TV set...!
  • Pinas - may TV set ka nga na malaki pero wala ka namang NBA, PBA, MBA, Eat Bulaga, Ang TV, variety shows....etc araw-araw...! dito sa pinas wuuuhooo! very cheap...! may kantahan pa sa karaoke gabi-gabi...!
  • Downunder - dito may four seasons, summer, winter, spring , and autumn...!
  • Pinas - tanungin mo ang mga aussie kung gusto nila weather nila at sasabihin sa yu na mas gusto pa nila sa tropics tulad dito...! beer na beer pag tag-ulan...!
  • Downunder - dito walang pakialaman ang mga tao...!
  • Pinas - dito magmula sa punong kanto hanggang dun sa dulo ay kamag-anak mo kaya kung may sunog man sa inyo, bago pa man dumating ang mga bombero ay patay na ang apoy sa bahay mo...!

Marami pa sana akong pagkukumparang gagawin pero wala naman itong patutunguhan dahil panalo pa rin ang pinas sa kahit na anong bakbakan dito... At likas sa inyong lingkod ang pagiging pinoy kung kayat stalemate palagi ang laban... Kung gusto mo pa ring bumasa ay no use at wala na itong patutunguhan.... Pero kung ikaw ay makapaghihintay ay iibahin ko naman ang usapan.... Naks a! Klasmeyt ka yata ni Balagtas pepe....! Paminsanminsan lang naman...