Hero award from Redlan....
I'm a HERO wooohooo....! Talagang hinintay ko muna ang weekend bago ako nag-post nito para makapag-isip ako ng mabuti.... Thanks dito Red, i really appreciate your effort, alam kong gawang kamay mo talaga to salamat he-he....! Pasensya na sa delayed posting, masyado kasing limited ang time ko ngayon.... Alam mo ang ganda nito pwedeng pagkakaperahan....! Jokes lang....!
By the way, if you want to see more of this arts try visiting Redlan's blog because it's full of interesting topics, you'll never regret your visits there....! Promise ko pala sa kanyang magku-comment ako ngayong weekend at napakarami ko nang na-miss na mga entries nya.... I'll do that first thing tomorrow morning Red....
Kumusta na pala ang lahat....? Ako ganun pa rin, busy pa rin sa work as usual at wala na halos time na maglalabas o kahit mag-ikot man lang sa shops, ni hindi ko nga nagawang dumungaw man lang sa may bintana buong araw plus nakahanap pa ako lately ng extra income online kaya eto, nakapako na tuloy ako sa harap ng pc most of my time pagkagaling sa daytime job.... Ni ayaw ko na ngang rin matulog minsan dahil pakiramdam ko ay aksaya lang sa oras yun, instead na madami kang magagawa kapag gising ka.... Kung hindi lang talaga dahil dito sa dalawang mga mata ko na ayaw mag-cooperate all the time ay magpapakapraning na lang talaga ako just to cope-up with my busy schedules....! Hay buhay nga naman....!
I find this job, or shall i say it found me.... May nagbisita kasi dun sa Astig museum ko few week ago at nag-offer na kung gusto ko raw maging illustrator ng pambatang mga libro.... At first ay ayaw kong magtiwala kasi sabi ko sa sarili ko, pano naman namin gagawin yung deal dahil quarter a world away ang layo namin sa isa't-isa....? By the way, nasa Thailand pala yung author ng books, teacher sya and at the same time ay nagsusulat ng aklat.... Luckily, one of my friends here in the blogos happened to know this person at dati pa silang magkasama sa trabaho kaya binigyan nya ako ng guarantee na fair tong tao na to kaya yun tinanggap ko na....
Hindi gaanong malaki ang bayad dahil sya lang ang nagsu-shoulder ng bawat publications nya at mababa din ang currency nila compared to here in downunder, pero okay na rin sa'kin at least nagkarun naman ako ng exposures di ba....? Per drawing pala ang deal namin, so multiplied by 15 ay medyo okay na rin.... Matagal ko na kasing pangarap na maging illustrator mula pa nun kaya lang walang magandang break kaya if ever na maging successful to, i will be very happy....! Anyways, it's already midnight, tulog na muna ako.... I'll be visiting your blogs again tomorrow, i still have one more award to post pero bukas na rin yun.... Ingatz all, have a good weekend everyone....! =D