___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, January 15, 2007

Ridiculously ironic...!

Isn't it ironic that most of the time, fishery strategy which involves conservational values goes well hand in hand with exploitations that can lead to destruction of some of our unprotected natural resources...!


Napanood ko kasi sa tv kanina ang tungkol sa Baby Octopus Fishing dito sa downunder at natatawa lang ako sa mga interviews nila sa mga mangingisda at mga opisyal rin ng department of fisheries and aquatic resources.... Alam ko kasi as nag-iisip na viewing public na may mali kasi nakikita ko na ang volume ng harvest nila ay bumababa pero pilit pa rin nilang kinu-convince ang mga madlang tao na walang anuman daw iyon and everything will be just fine...! They knew a lot better than we do the consumers so they should also know when to slowdown for a while and let this creatures thrive back to commercial level na naman...! Kung sa bagay kahit tayo dyan sa pinas ay ganun na rin ang nangyayari... Napakalungkot lang kasing isipin na kung sino pa ang tagapangalaga nito dahil ito lang ang only source of livelihood nila ay sya pang walang pakundangan at walang pakialam kung ano man ang mangyari dito sa future...!
Ang downunder kasi ay isa sa pinakamalaking consumer ng seafood particularly ang Baby Octopus na syang pinaka-popular favorite in any kind of gatherings...

Very ironic lang kasi kung bumababa ang harvest, ibig sabihin nyan tataas ang presyo di ba...? Ang pagtaas naman ng price nya ay magi-encourage pa ng excessive harvesting o over fishing dahil ibig sabihin ay big income nga ito na lalong namang magpapalala sa problema conservationwise...! Of course there will be a downside to that... Pwede nilang taasan ang presyo nito na posible din mag-discourage sa mga consumers na bumili pa nito... Pero hindi naman pwedeng basta na lang titigil ang mga consumers nito di ba...? Lalo na at ito ay popular choice nga...Options ay bibili pa rin sila in less quantity lang muna hanggang sa mag-roll back ulit ang presyo nito... Kelan ba naman naging unaffordable ang unaffordables...! Hanggang sa salita lang yata...!


Natikman ko na rin itong Baby Octopus many times na at masarap sya kumpara sa pusit dahil hindi sya makunat... Madali din syang i-prepare kahit stir-fried lang with garlic, calamansi, and sweet chilli sauce lang ay okay na.... Kaya wala akong comments sa consuming side nito dahil masarap sya.... At naging convert pa ako hu hu...! Nakakalungkot lang talaga ang consequences ng demand for consumption kasi in both ways consumers and producers feed each other pero nababaliwala at napapabayaan ang main source of interest... We satisfy ourselves to the extent of almost destroying the very source of this satisfaction...!


Isang obvious example ay ang excessive commercial whaling ng japan na bukong-buko na pero nagbubulagbulagan pa rin ang mga world officials tungkol dito...! Hindi naman naisip ng mga hapon na sarili nilang kultura ang winawasak din nila kasi kasama sa food culture nila ang whale-meat diet na ito... Paano na lang ang future generation nila na hindi na makakatikim nito dahil sa selfishness ng present generations nila...! Tingnan nyo lang ang naka-inset na photo dyan... Very ridiculous di po ba...? Ano ba ang akala nila sa ibang bansa mga bobo na hindi naintindihan ang mga pinaggagawa nila...! Lokohin nila ang lelong nilang panot... Kailangan bang kumatay ng daan-daang balyena para sa tissue sample na yan...? Isasalang ba nila ang mga ito ng buo sa ilalim ng mga microscopes nila o isasalang nila ang mga ito sa parella...? Hindi ba pwedeng ma-achieve ang experiments nila sa isang pirasong laman lang ng balyena...?


Alam nyo bang ang gestation period o pagbubuntis ng mga balyena ay umaabot ng 4 years...? Ibig sabihin kung kakatay ang japan ng mga isang daan sa isang taon, mahirap nang maka-recover ang whale population ng mundo...! Kaya gustong-gusto kong panoorin sa tv ang pangha-harass ng mga Greenpeace movers sa mga commercial whalers na ito... Pilit nilang pinaglalaban ang kalikasan hanggang sa abot ng kanilang kakayahan mapa-political man o mapa-physical....Kasi kung wala sila palagay nyo ay sino kaya sa mga leaders natin na mga makasarili din ang titingin sa problemang ito...? Ang mga leaders natin ay inilagay natin sa pwesto para lang i-practice ang mga personal interests nila.... Bakit hindi ba kayo naniniwala na tinatapos lang ni angkel georgy nyo ang sinimulan ng tatay nya...? Papa's Boy kasi...!


P.S. Ayon pa sa japan, ang susunod na kakainin nila pag-ubos na ang mga balyena ay ang mga dolphins na naman daw...! Kawawa naman si Flipper...