Good monday all....! By the way, this is one of my creations from my art-blog.... Wat keyn yo sey....? This one i call "Bahay Kubo", obviously naman ha-ha....! Medyo naging busy lang po ako lately dun sa Astig Museum ko na badly in need of my attention pa.... By the way, madami na po pala akong mga new updates dun, just in case na hindi nyo pa nasubukang bisitahin.... Lately kasi, i was trying to decide kung isasarado ko na lang yung mga iba ko pang blogs kasi napakahirap palang i-maintain lalo na't busy nga ako sa work and some other things.... Anyways, active na sya ulit ngayon at may mga nagbibisita na rin para tumingin ng mga arts ko.... Bakit, dati wala ba Peng....? Talagang wala po kakahiya ha-ha....!
May inilagay pa akong stat-counter nun just to monitor the number of visits at natutuwa pa nga akong makitang may mga dumadalaw naman pala.... Huli ko na lang na-realised na sa akin pala yung mga dalaw sa counter....! Sariling mga dalaw ko rin pala ang niri-record nung stat-counter ko ha-ha....! Maybe it's not so interesting nga, o dahil na rin sa dito ako sa main blog ko nagku-concentrate na masyado....
Some other things Peng....? Eto pa rin po ako ngayon sa bahay nakatambay, next week pa ang balik ko sa work and i'm already dying of boredom na....! Reklamador ha-ha....! Pano, wala naman kaming over-time nung december last year kaya nagdecide na akong i-extend na lang tong christmas vacation ko kasi kung magtatarabaho pa ako over christmas ay ganun pa rin naman ang kita dahil wala nga kaming over-time di ba....? Kaya yun, nagamit ko tuloy annual leave ko....!
Paminsanminsan naman ay lumalabas rin ako sa mga shops para bumili ng asin, suka, at boy bawang, tapos once a week kailangan kong i-check ang bahay ng aunty ko sa Merrylands, just two suburbs away lang from here kasi on holiday back to pinas sila ngayon (ako rin sana) at sa 19th pa ang uwi nila dito kaya atin-atin lang to ha, niri-raid ko ang fridge nila palagi ha-ha....! Nag-hire kasi sila ng bantay salakay kaya yun....! Burp! (dighay) ops, excuse me po he-he....! =D
Nagparamdam lang naman para malaman nyong buhay pa si ako at eto nga ulit pumipintig-pintig pa ha-ha....! Medyo naalimpungatan lang kasi ako sa sobrang pagka-focused ko yata dun sa other blogs ng tinanong ako ni
Redlan for an update dito kaya Red, eto na request mo....! Hindi ko pa alam kung kelan muling masusundan to, gisingin mo na lang ako ulit kung mapatagal na naman tulog ko he-he....!
Wawuu....! =D