Mr. Bean appeared at Bondi....
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Rowan Atkinson (a.k.a.) Mr. Bean, Johnny English, and Black Adder.... My plens, isa na namang good news para sa inyong lahat....! Nandito na sya sa downunder ngayon....! Wooohooo....! Astig na scoop di ba....!
Naispatan sya ng mga pepe-razzis ko nung wednesday morning na nagpapitur-piturs kasama ng mga lifeguards sa bondi beach in sydney....
Early wednesday morning dumating sya sakay ng kanyang bike suot ang trademark nyang tweed jacket and red tie.... Nandito raw sya para i-promote and up-coming movie nya for 2007 na Mr. Bean's Holiday....
Hindi ko lang alam kung gaano sya katagal na titigil dito at kung kelan sya aalis pero hatid nya ay after-shock na atraksyon and a dash of zest sa katatapos lang na Gay and Lesbian Mardi-grass dito last week na nakalimutan ko palang i-post kasi masyadong busy ang best plen nyo sa tunay na buhay na trabaho de kayod nya....
Hindi naman siguro kayo magtatampo sa akin dahil hindi nyo naman alam na meron pala dito nun unless na taga rito kayo sa downunder.... At hindi naman siguro kayo interesado sa mga ganung.... Ahem....! Alam nyo na ibig ko sabihin di ba....? Basta ganun.... Don't mention unpleasant terms daw sabi ng mga pepe-razzis ko.... Baka magalit ang mga kapatid natin na ganun....
Anyway, balik na tayo kay Rowan Atkinson.... Mr. Bean’s Holiday movie will be released in the U.S. september 28 of this year.... Wawa naman downunder, palagi na lang huli....! Siguradong pila-pila na naman tayo nito sa mga sinehan....!
Wag lang sanang masyadong papakialaman ng hollywood and mga original antics ni Rowan at baka matulad na naman itong movie na to sa unang Mr. Bean the movie nya na masyadong napalayo ang tema dun sa mga tele-series nya....
Kung bakit naman kasi masyadong ini-exaggerate ng hollywood ang mga pelikulang tulad nito for the sake of their make believe originality....! Tuloy nagiging disappointing ang results ng mga versions nila.... Tulad na lang ng mga sequels ng X-Men na matagal-tagal ko na ring sinusubaybayan sa komik noon na nung napanood ko sa sinehan ay para akong napa-dive sa mga buhol-buhol na mga sinulid dahil sa mga confusing versions nila na malayong- malayo at di nagkakatugma sa original versions na nakatatak na ng matagal sa ating mga isipan....!
But we'll keep our fingers crossed lang, siguro naman ay natutunan na ng hollywood ang mga lessons nila from the last Mr. Bean The Movie ni Rowan.... And also to help revive your memory about this topic ay inilagay ko rin dito ang Mr. Bean Mini at si Teddy....
Okay na.... Wala na akong utang sa inyo.... Lulubog lilitaw na kasi ang mga post ko rito at hindi ko na halos naaasikaso dahil sa sobrang hectic na ang mga schedules ko ngayon sa trabaho but on the other hand naman ay nag-improvise ako ng isa pang page na magda-divert ng attention nyo para hindi naman puro basa ng basa lang tayo di ba....? Just keep visiting my funny cartoon page all the time and there will always be new funny pictures for you to laugh about....
Enough said and lacking space na so i'll see you all in my next post again.... Kung kelan ay hindi ko pa alam ha-ha....! Baka sa next na balik ni Rowan Atkinson dito sa downunder.... Hopefully sooner bastat may pumasok na mga topics sa kukote ko ay type ulit ako.... As for now, tulog na muna ako....