My music player is in hiatus....!
My apology sa mga visitors ko na interested na makinig sa mga 1980's music ko kasi may malaking problema tong player ko with i.ph.... Sinubukan ko namang padalhan ng email ang host ng blogsite provider na to pero hanggang sa ngayon ay wala pang miski isang letra man lang na ipinadala sa kin as response....!
Binanatan ko pa nga ng, " I'm ready to go if this issue will not be rectified asap!", pero zero effect pa rin ito sa kanila....!
Kung napansin nyo kasi na kapag i-play nyo ang kahit ano mang music sa playlist nito ay kaagad na sasalubungin kayo ng security warnings na parang ganito kasi hindi ko maalala kung ano ang pinagsasabi dun, " you don't have permission to access, please contact the site owner." Astig....!
Hindi ko naman maintindihan kung ano nga ba ang nangyari dito at pinaka-only my pc lang ang pwedeng mag-access sa player na ito.... I've tried it many times from our computers at work pero ayaw rin nitong ma-access....
Anyways, i'm on my way to search for some new tricks from the web now and if i do, i will totally leave i.ph kahit na sariling atin din as pinoy service providers sila.... Kahit naman pa-blogging blogging lang si pepe ay may kaunting know how din naman tayo sa principles ng service and business rendering.... Ang number one at pinaka- main requirement lang naman dito na very effective ay ang maintainance di ba....? Kung wala ka nito ay talo kang bata ka....!
So in the future, worse case scenario ay baka i-give up ko ang music page ko na yan with i.ph.... It's not worth keeping anyway if it could not give a proper service to my visitors.... Para ko na kayong pinagbasa ng aklat na dikitdikit ang mga pahina nyan....!
I don't really have to put-up with all these crappy i.ph time wasting issues and i can just easily exit the site, but i will give it just one last go in the weekend to push myself to the max and eventually if it stays the same after all the efforts ay siguro naman by that time ay hindi na ako manghihinayang na iwanan nang talaga ito....
There should be a reason why these things happened and it would be unfair to them the i.ph people if i will make some unpleasant comments here against them, kasi baka ako rin naman ang nag nagkamali sa pag-setup ko rito.... Anyways, everything is still yet to be found on the weekend and i just hope that it's not that serious.... We'll see....
Kung meron lang sanang mga i.ph users sa mga visitors ko na pwedeng mahingan ng tulong tungkol dito.... Meron ba dyan....? Masyadong out of range na kasi ng knowledge ni pepe ang mga bagay na to kaya a little help from anyone of you will be very handy....
Baka naman kasi pwede pang agapan at no need na ang lipat bahay pa.... Anyways, lipat bahay spells fun but you need a pocket full of time for this to happen.... And at this point in time ay wala ako nun kasi kahit nga mag-post lang dito ay lulubog lilitaw na at naka-appointment pa bago gawin, lipat bahay pa kaya....!
As of now, there's only two options left in my mind, to keep it or to get rid of it.... Let's find out after this weekend.... O ano pa hinihintay mo dyan....! Click mo na ang publish button at matulog ka na peng....! Puyat ka na naman dyaaan....!