___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, April 27, 2008

Health scare....

Last week i was complaining to AB about a pain that i felt at my lower-right abdominal section na parang gumuguhit ang sakit.... I was thinking na baka appendix, matitigokok na yata ako....! For two days i was carrying that slicing pain down there, then finally i've decided to see a doctor para malaman ko kung ilang araw na lang ang nalalabi ko dito sa mundong makasalanan hu-hu....! =(


Nag-clockout ako ng maaga, pumunta ng medical clinic, pumila at nag-antay for few hours, then mga bandang five tinawag na ako sa room ng doktor.... Kinunan ng urine analysis at binigyan ng anti-inflammatory na gamot.... Muling naghintay ng result naman this time.... Nakakainip.... Ang hindi ko lang kasi gusto dun sa paghihintay ay yung suspense feeling na parang may naglalambitin na daga sa yung dibdib....! Mauuna pa yata akong aatakehin sa puso nito kesa dun sa pagdating nung results....!


Finally, tinawag ako ulit.... Naabutan ko yung doktor na naglilista ng mga shoppings este ng mga bawal at pwedeng kainin ko.... Inabot sa'kin sabi nya, yan lang ang pwede mong kaini iho.... Silip naman ako dun sa listahan at pilit pinipintahan na parang yung sa larong pusoy sa baraha.... Ang number one dun sa listahan...., ANO? BAWAL ANG KAPE....! Oh my gulay....! Kofey is my onli layp....! Hihimatayin yata ako....! Ops teka, walang kama at matigas ang bagsak ko sa sahig nito....! Sa bahay na lang mamaya....!


Ayun dun sa result nung urine analysis ay mataas daw ang acid ko sa katawan kaya na-irritate daw ang kidney ko dahil dun.... Parang tutuo naman kasi everytime na mag-toilet ako last weeks ay parang ang init ng liquid na lumalabas at parang napapaso ako sa loob na akala ko ay normal alang kasi panay ang exercise ko sa abs ko ngayon.... Bawas bilbil he-he....! Kaya tigil muna lahat ng acids sa pagkain.... Citrus fruits, pati na rin adobo sigurado, may suka yun di ba....? Plus gawan ng paraan ang mga nagbibigay stress sa buhay like my job halimbawa.... Dapat hinayhinay lang sa pagpapa-impress sa boss....


Masyado lang kasing naging stressing ang mga nakaraang buwan para sa akin kaya siguro lumakas din ang pumping ng acid ko sa katawan.... Anyways, okey na'ko ngayon, sunod nga lang dun sa bawal list ni dok.... Water therapy at saging diet.... Alam nyo ba na naka-ubos ako ng more than two dozen bananas sa loob lang ng linggo na'to....?! Baka tubuan na ako ng balahibo at buntot at tuluyan nang manirahan sa itaas ng puno nito pagkatapos ha-ha....! Talagang healthy diet ha Peng....? Bah, dapat lang para naman maabot ko ang target lifespan ko na 99 years old before tigokok....! =D

Sunday, April 13, 2008

Nandito na naman ako....!

Medyo late to'ng update ko ngayon for my weekend blogging dahil as usual busy nga ako.... Actually i was at work yesterday doing over-time that's why.... Hirap kasi ng nag-iisa sa bahay dahil walang pwedeng gumawa ng housework ko habang ako naman ay busy sa pagbu-blogging ha-ha....! So today medyo tinanghali ng gising tapos naglaba, nagsampay, nagluto, naglinis ng bahay, kumain, naligo, tapos nag-blogging....


Winter is already here at mahirap nang magtipid sa damit.... Kelan ba naman kasi naging mainit sa winter ha-ha....! Kaya eto, mukha na naman akong stuffed toy....! Nagulat pa ako kahapon ng maisipan kong timbangin ang sarili ko, lately kasi i was trying to lose weight, takot sa sakit sa puso....! It took me almost three months to lose a massive 9 kgs. na sa bilbil ko yata lahat nanggaling....! Madali raw magpataba pero mahirap magpapayat....


Anyways, kahapon nung sinubukan kong tingnan kung gaano na ako kabigat, kung nadagdagan ba o nabawasan ulit.... Nagulat ako dun sa rehestro ng timbang....! 99 kg....! Natawa na lang ako nung ma-realised ko ang problema.... Magsuot ka ba naman ng kuntudos sampong kilong damit dyan na parang bagong hain na suman, plus isang tasang kape sa kaliwang kamay na nakalimutan mong ilapag ay talaga nga namang aabot ka ng sandaang kilo Peng ha-ha....! Ay tangek....! =D


Eto nga pala ang isang sneak-peek dun sa pinagkaka-abalahan ko ngayon.... Halos mahiluhilo ako dito sa story na'to....! One minute ay normal sya tapos ang sumunod na mga istorya ay may kahalong SCI-FI na, ang bilis ng twist....! I hope the author of the book will not be angry with me for showing this.... I've double-marked it and removed the enlargement function for the protection of the illustration which already belongs to the author i'm working with in Thailand....


By the way, they have this organization there called the BANGKOK WRITERS GUILD, and they are inviting writers to join their group.... If you love writing, and currently living in Thailand, please visit their Bangkok Writers Guild website for more infos.... =D


Anyways, if the movie industries themselves have some sort of trailers running before the release of their works, why not post one illustration here of the book so people knows what to expect about the book whether they will like to buy it or not.... Pero ang main reason talaga nito, atin-atin lang to ha kaya tinagalog ko na ulit para hindi na maintindihan nung sumulat he-he....! Gusto ko lang talagang ipagyabang este, i-share pala sa inyo kasi proud ako dun sa mga ginuhit ko.... Hindi ko alam na meron pala akong ganitong talent ha-ha....! =D


Oi, meron pala akong natanggap na email lately.... This one came from a staff of a recording company in the US called Manila Jeepney.... Does anyone here know's about them....? Have you heard of the name....? They are obviously a pinoy group, sa pangalan pa lang nung company pinoy na pinoy na di ba....? Here's what they've written in the email.... Dapat sana dito may narrator na kunyari nagbabasa gaya dun sa "Maalaala mo kaya" ha-ha....! Ang sabi dito :

hello,

my name is jason. we are a filipino reggae label. your artwork is very beautiful !! i was wondering if you would be interested in designing a cover for our cd ?

onelove,
jason

:MANILA JEEPNEY:LIVE & LOVE SOUND DIMENSION

O tapos ka na bang magbasa....? Yan ang sabi nila.... Syempre proud din ako dahil pang international na pala ang mga guhit ko, galing-galing mo talaga Peng....! Kaya lang, after nung response ko ay hindi na sila muling nakasagot.... Maaring natakot sila dun sa mga pinagdadakdak ko sa email o baka may kasamang virus yung message ko at biglang nag-crash ang server nila he-he....! Anyways, kung sumulat man sila ulit at matuloy yung project mas okay, i'll be happy to work with fellow pinoys syempre.... Also, i'm proud to know na may mga pinoy sa ibang bansa na nagsisikap na itayo ang ating watawat (lalim nun a) dun kahit yung pandak lang na flag okay na, siguraduhin lang na wag baliktad....! Yun lang po.... Bitin kayo ano....?! =D

Sunday, April 06, 2008

Love circle award from Mrs.T....

Another award from ever thoughtful Mrs.T....! Been so busy lately, only time to blog ko lang as usual ay weekend.... Nakakagulat tuloy ang dami ng mga new entries na nakikita at binasa ko from different friend's blogsites.... Napakasipag nyo naman....! Buti pa kayo may mga time na mag-update he-he....! =D


Thanks for this Mrs.T, hindi ko alam kung sino ang mga wala pa nito kaya aalamin ko muna kung kanino ko ibibigay.... Anyways, kung nagustuhan nyo naman at balak nyo ring i-share sa iba, just feel free to get it from here....

Hindi ako nag-OT kahapon pero hindi ako nakapag-blog dahil tinapos ko muna yung latest scene na ini-illustrate ko for that childrens book in thailand, medyo na-delay kasi ako dun nitong week na to dahil sa busy rin ako sa full-time job ko.... Anyways, malayo pa naman ang deadline nun, sa tuesday pa kaya tinapos ko na kahapon kaya relax ako ngayon....


Hirap pala ng weekend mo lang sinasagot ang mga iniwanang messages and comments sa blog mo kasi inabot yata ako ng mahigit 5 hours kaharap ang pc ko pero hindi pa rin ako tapos mag-reply ng mga messages hanggang ngayon....! Nasa first blog ko pa lang yan ha, may dalawa pang kasunod dyan....! Buti na lang wala halos naliligaw dun sa cartoon-blog ko....! =D


Anyways, have a great week ahead na lang sa lahat.... Mag-iisip pa ako ng magandang entries para sa next ko.... Ingatz....!


I was about to share this award to Redlan pero naunahan ako ni Roselle ha-ha....! Now i have to check the others kung sino pa ang wala nito.... =D

Saturday, April 05, 2008

Elephant's self portrait....? What the....?!

Nandito na naman si Pepeng busy woooohoooo....! But before anything else, let's talk about a video clip that i've found in utube today.... Napa-wow talaga ako dito....! By the way, i do beleive in reincarnation.... Do you believe in reincarnation....? Because if not, then how will you explain this....?! I've never seen something like it before....! I don't think that this is one of those artist in the old elephant suit act, this is real....!!!!



Have you noticed the control and accuracy in the every strokes of the brush, and the details, at ang maliit na line sa base ng trunk na kunyari yung pangil o tusk ng elepante sa drawing....? Nakita nyo kung paano nya nilagay the second time yung brush dun mismo sa tabi ng unang line just to emphasize the trunk of the elephant in the drawing....? Ang bawat twist ng trunk nya na akala mo kamay kung gumalaw at alam na alam kung ano ang pagkakaiba ng horizontal sa vertical lines....! At ang bawat dampi ng brush sa board na siguradong-sigurado at talagang alam kung ano ang gustong gawin....?


Kahit yung chimpanzees na sinasabing kasing talino nating mga tao ay hindi ko pa nakitang gumawa nito....! There must be something going on in this elephant's brain....! Hindi kaya si Picasso, Michelangelo Buonarroti , Leonardo da Vinci, o baka si Salvador Dali ang spirit ng elepante na to....? Ano sa palagay nyo....? I've seen a lot of artists in action before, pero ito ang nag-iisang napanganga at hindi ko napansing tumutulo na pala ang laway ko ha-ha....! Absolutely amazing....!


Hindi kaya yung mga rock paintings nung panahon ng mga dinosaurs ay hindi talaga gawa ng mga ninuno nating mga cavemen kundi gawa ng mga prehistoric elephants, (mammoths) kasi wala pa akong nakitang magaling mag-drawing na unggoy hanggang ngayon....! =D