___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Wednesday, January 03, 2007

Si Paris Hilton nandito na...!

PEPE-RAZZIS

Woohoo! Mga my plens si Paris Hilton nandito na sa downunder ngayon pero bad luck kasi paalis na rin sya...! Dont get me wrong, but i dont find her really attractive... No offense sa mga fans ni Paris ha...! (peace tayo okay?) She really is Paris as youve seen her on tv... Shes got that kind of playfulness in the way she behaves that you can easily associate with a little girlie type of personality... With a slight touch of sweet devilishness...




I also noticed this young woman surely love, and enjoys a lot of attention...!



I just saw her on the telee just before new years day... They said she was here to promote a new brand of beer for women that is obviously aussie because it was named after "Bondi Beach"... She stayed here for about 2-3 days at nag-celebrate ng new year sa bahay ng playboy but already taken na billionaire aussie and full-owner of Virgin Blue na si mang Richard Branson...




Alam ko na marami ang mga my plens ko dyan na may crush kay Paris magmula pa nung baby sila, at baby pa rin hanggang sa ngayon dahil hindi pa tumutubo ang buhok at ngipin... Lalo na nung mai-release ang kontrobersyal nyang scandal video nakuw lalo pang dumami sila...!





Naging judge si Paris ng isang beauty pageant na kaugnay pa rin sa launching ng Bondi Beer and as expected ay blondie ring kagaya nya ang napili nyang da best amongs da best to represent da beer... In fairness naman kay Paris ay nag-enjoy din naman of course ang downunder sa dala nyang extrang atraksyon sa new years celebration dito...



Pero ba't di nya pala binisita man lang si Skippy the kangaroo sa Taroonga Zoo tulad ng ginawa ni ate Megan Gale noon...? Siguro takot din sya sa malaking daga he he...!

Palagay ko ang nakalimutan lang talagang gawin ng mga aussie ay ang pag-organize ng isang Paris Hilton look-alike contest na kagaya sa mga variety shows natin sa pinas...! Kayat parang kulang pa rin sa public exposure ang original na pink lady kahit na nandito na sya... Kulang lang talaga sa kabaduyan ang mga taga-downunder...



Hindi nila alam na pag baduy cool...! Gaya lang halimbawa ni mang Richard B-cool...! (hindi bicol ha!)



Kung nakita lang ng mga my plens ko kung gaano ka daming Paris Hilton impersonators at Paris fans ang matyagang naghintay kay Paris sa may sydney airport matatawa sila...! Maliban sa Cancer Prevention Week ay dun lang ako nakakita ng pinakamalaki halos na assembly ng kulay pink na damit...! May Paris na mataba, may Paris na payat, may Paris din na medyo antique na, may Paris na may buntot lahi pala ni Adan, at may Paris na talagang pares....!(kambal pala) Buti na lang at naisipan at nagka-time akong mai-feature ang news na ito sa blog ko ngayon kala ko kasi too late na kasi pauwi na sya ngayon kay lolo Georgy nya sa tate... Sa mga my plens ko na member daw ng "Solid Paris Is Pink Forever 'Til Death Do Us Part Fans Club" dyan, (hingal...! haba pangalan ng fans club nyo a!) wala na akong utang sa inyo ha...? Peace bro...!





Anyways that exciting Paris news was brought to you by your baduy to the maxx na lingkod Pepeng Pepe-razzi and Virgin Blue naks a...! Ayos ba...? Baduy you...!

Monday, January 01, 2007

HAPPY NEW YEAR...!

Kumusta ba ang new year's celebrations ng mga my plens ko dyan...? Wala ba namang naputulan ng hinliliit sa inyo...? Napanood ko kasi kahit papano sa maikling satellite broadcast ng pinoy news dito kanina ang new year's celebration sa pinas...! May mga nagpaputok, at may mga naputokan at pinutokan naman... At mayroon namang ni hindi marunong magpaputok, at mga may kilikiling putok ng putok at hindi na kailangang magpaputok pa at ay got your message na go away go away...! Ang iba naman ay pumuputok ang bunbunan dahil sa ang dalaga nya ay itinanan... Pero all in all tuloy ay pa rin ang putukan...




Ako naman ay nakipag-inuman lang sa kapit-apartment ko kasi wala naman akong balak na lumabas so dun na lang kami sa apartment nya nag-inuman, kainan, kwentuhan, at nakinig ng mga nakaka-iyak kong koleksyon ng music mula sa 1980's... Broke kasi si pepe ngayon at madaming bills na binayaran bago pa ang pasko kaya higpit sinturon muna pepe...!






Ano-ano nga ba kaya ang dala at binago ng pagsapit ng bagong taon at umpisa sa panibago na namang taon sa bawat isa sa atin mmmm...? (pala-isipan)



Ito kaya ay may dalang kasaganaan o kaya ay karagdagan lang na kahirapan...


Para kasing sa kasalukuyang sitwasyon ng buhay sa pinas sa masipat kong pagmamasid nung umuwi ako last year ay marami sa atin ang may halos malabo nang pananaw sa kanilang mga hinaharap... Anong sabi nyo tatang? Ako po bastos...! Hindi yung hinaharap na yun ang ibig kong sabihin kayo naman, kayo yata itong bastos ang mga iniisip e...! Piyuturs ho piyuturs...!





Hindi po kaila sa atin na may mga kababayan po tayong naghihirap at patuloy pang maghihirap sa pag-usad ng panahon... Hindi ko kayang ipaliwanag kong paano nila hinaharap ang mga hirap sa buhay at kalimitan ay nagagawa pa rin nilang ngumiti paminsanminsan... Minsang may pupuntahan ako, hindi ko mahanaphanap ang isang pares ng paborito kong medyas kung kayat buong araw yata na yun ay parang pinitpit na luya ang mukha ko sa sobrang simangot ng dahil lang sa nawalang medyas na yun... Ngunit paano kaya kung ang level ng kawalan ay kasingtulad ng sa mga batang kalye na nakita ko minsan along Coastal Road, at UN Avenue noon... Wala silang tirahan, at lalong walang pagkain sa hapagkainan...


Ako rin ay may mga suliranin at hinanaing sa buhay na akin ring ipinagdarasal na sana ito ay matugunan, ngunit hindi kaya hamak na mas mapalad pa nga ako kumpara sa kanila... Ano ang karapatan kong maghinanakit sa maykapal...?




Kung ako ay isa sa mga batang kalye na iyon, wala akong gagawing new year's resolutions dahil ito ay hindi naman pwedeng pamatid ng aking gutom at uhaw... Siguro ako ay magdarasal katulad ng palagi kong ginagawa sa araw-araw mula sa aking paggising hanggang sa muling pagtulog ko sa gabi na sana ang aking kawalan ay magkaron ng kahit na kaunting laman...


Sana sa halip na new year's resolutions, tayo ay sabay sabay na sumambit ng isang panalangin, isang panalangin ng kahilingan na hindi para sa ating mga sarili kung hindi para sa ating mga kapos palad na kabataan na sana sa pamamagitan nitong magkasabay na panalangin ng kahilingan tayo ay pakinggan, at ang kanilang mga kawalan ngayong panibagong taon ay magkaroon na ng sapat na katugunan para naman sa susunod na pasko at bagong taon, sila ay maging masaya at makakangiti na ring kagaya nating lahat... Masaganang bagong taon po sa lahat...

Sunday, December 31, 2006

Movie-limadong pepe...




Hindi na ako nakapagpanood ng movies a...! Masyado na akong naiwanan ng trends of the industry...! Pano naman kasi e hindi ko naman feel ang mga cinemas dito kasi pwera na sa maliliit ang screen, wala pang double show...! Mas okay pang manood ako sa bahay at may double showing na, may triple, fourple, fifthple, at sixthple pa...! Kaya lang magmula nung lumipat ako ng trabaho, nawala na ang power ko na kumuha ng mga bagong movies for cheap price galing sa my plens ko doon na pirata har! har!... Nun kasi every week halos ay may mga bago akong movies na napapanood, old and new ones...





Minsan kasi may mga pelikula akong na miss pero gusto kung panoorin kayat sasabihin ko lang sa pirate plens ko doon at presto (with matching usok pa at mga stars na ala fairy tale) kinabukasan ay nasa harap ko na ang mga make a wish ko...!





Pinaka-last ko yatang napanood na movie ay yung the wild... Pero bago nun napanood ko rin ang spiderman 2 na talagang gustong-gusto ko dahil hindi nyo po naitanong, yun po ang mga immature side ni pepe... I'm proud to say na mahilig pa rin ako sa cartoons...! Pinag-aaksayahan ko pa rin ng oras ang Looney Tunes, The Simpsons, Mr. Bean, Lilo & Stitch...atb. Kailangan ko ding gumising ng maaga every sunday para lang subaybayan ang Dragon Booster na ewan ko kung pinapalabas sa pinas... Wala naman pong masama dun di ba? Kesa naman manood ako ng mga brutal at violenteng pelikula na wala ka namang napupulot na mga aral kundi kung paano mo saktan ang kapwa, dun na lang ako sa kwela at masaya...!





Hindi naman sa anti-action movies ako, katunayan ay paborito ko ang pelikulang Platoon na napanood ko na yata ng halos isang daang beses... Pero iba kasi ang pakiramdam after na manood ka ng violent movies... Kasi naki-carried away ka ng palabas kung kaya kung ano ang tema nito ay ganun din tayo di ba...? Hindi nyo ba napansin na pagkatapos nyong manood ng mga violent movies ay depressed kayo...? Ito kasi ang tinatawag na artificial memories na kung saan ay parang pandisal na isinawsaw sa kape ang utak natin dahil sa masyado tayong na tangay ng flow ng pelikula at ang dark foreground ng sinehan plus ang nakakabinging running sounds ay mas lalong nagtutulak ng paningin mo masyado papaloob ng palabas na para ka nang nakatingin mula sa sarili mong mga mata...



Kaya kung ano ang pinanood natin ay sya ding artificial mood na naiukit sa ating utak after ng palabas... Paano ba nai-brainwash ng mga Nazzi ang mga batang aliman para maging young generations nila? Hindi ba mula sa pagpapapanood sa kanila ng violenteng mga pelikula kung kaya hate ang umiiral sa puso at isip nila...


One time ay nakasabay ko sa isang bus stop dito ang isang kaibigan ko na nga ngayon... Napagkamalan ko lang kasi sya as somebody na na-met ko sa isang gathering noon... Nung una ay tumanggi sya kung kaya dun ko na realized na hindi pala sya yun pero sa kung anong kalukohan sa isip ko nun na talagang pinanindigan ko na at medyo matatagalan pa siguro ang bus at baka mawalan pa ako ng makakausap at mainip lang ako... In short ay talagang binanatan ko sya ng ala willie revillame na pangungumbinsi na sa palagay ko ay lalo lang nagpalito sa kanya na halfway ay medyo naniniwala din dahil baka sabi nya sa sarili ay tutuo nga mga sinasabi ko at naka-inom lang sya nun kaya hindi nya ako natandaan...



Nang magkita kami ulit sa shop ay sya pa ang unang pumansin sa akin na parang sampong taon na kaming magkaibigan...! Ako pa itong nakalimut kung saan ko sya nakilala...! Ganun ka powerful ang artificial memory...! Kayat tayo nang manood ng cartoons at mag-isip bata ha ha...!



Saturday, December 30, 2006

I'm back...!



Hay salamat nakapag-blog ulit ako...! Masyado lang kasi akong naging busy nitong mga nakaraang araw at ni hindi halos ako makalabaslabas ng apartment ko... Kung hindi pa ako naubusan ng pagkain, hindi ko pa sana nai-flush (parang familiar na word yun a!) palabas ang sarili ko papuntang shopping center...! Kung puwede nga lang sanang ngatngatin ang study table ay yun na lang muna sana ang pinagtyagaan ko...! Akala tuloy ng mga kapit-apartment ko ay natepok na si pepe sa loob ng apartment nya...! Nagulat pa nga ang isang naglakasloob na katukin ang pinto ko ng bigla akong bumulaga sa harap nya! (Bwahahaa! Gulat ka no!) Takot pala sa multo ang loko... Mangiyak-ngiyak nyang paglaladlad sa akin este paglalahad pala...



Sana naging octopus na lang ako para pwede kong gawin ang mga trabaho ko ng eight at a time ano...! Speaking of octopus, di ba pag opto ang ibig sabihin ay walo...? Tulad ng octagon na may eight corners and eight sides... Pero bakit ang month of october ay pang number ten sa line-ups ng mga buwan sa kalendaryo hmmm...! May kamalian din pala ang mga henyo ano...? Mabuti na lang nandito si pepe na mahilig magbasa ng mga fine-lines kung hindi ay bilib na bilib pa rin ang lolo mo sa iniidolo nyang mga genius din na kagaya nya kuno... At hindi lang po ang october ang nagkamali kundi pati na rin ang september na ang ibig sabihin ay seven, at ang dalawa pang months na sumunod sa october na ang ibig sabihin ay nine at ten...!



Speaking of months pala, alam nyo ba kung saan kinuha ang mga pangalan ng buwan sa common christian calendar natin...?


Pasalamat tayo sa alter-ego ko na si pepeng kulisap na magaling mag-research sa WWW at nahanap din ang source ng pangalan ng mga months sa calendar...! Ang sabi dun, only just a few names of the month were derived from Roman deities daw... Most simply came from the numbers of the months or in two cases, in honor of Roman emperors nila... Ganun lang pala yun...! Si mang Ramon lang pala ang nag imbento nun... Akala ko kasi si Bill Gates o di kaya si Spiderman kasi pareho silang workaholic kung kayat mas madami pa ang weekdays sa weekends...!


  • January - Roman god of beginnings and endings Janus (the month Januarius).

  • February - Italian god Februus from februa, signifying the festivals of purification celebrated in Rome during this month.

  • April - Aprilis, from aperire, "to open". Possible because it is the month in which the buds begin to open.

  • May - Maiesta, the Roman goddess of honor and reverence.

  • June - In honor of Juno. However, the name might also come from iuniores (young men; juniors) as opposed to maiores (grown men; majors) for May, the two months being dedicated to young and old men.

  • July - The month in which Julius Caesar was born, and named Julius in his honor in 44 BCE, the year of his assassination.

  • August - In honor of the first of the Roman emperors, Augustus (because several fortunate events of his life occurred during this month).

  • October - Comes from octo, "eight"


Pero ang hindi lang mahanap-hanap nitong partner kong si pepeng kulisap ay kung talagang ang weekends nga ba ay para sa araw ng pahinga... Baka naman kasi nagkamali lang ang interpritasyon natin dito kasi ayun dun sa napanood ko na roman movie sa tv ay parang masmarami pa yata ang araw ng pagpahinga nila, paglalasing , at pagpakasaya sa buhay kesa trabaho nila kung kaya ang naging conclusion ko tuloy ay baliktad ang paggamit natin sa weekday and weekends natin...! Do you agree or disagree...? Spin - A - Win!

Monday, December 25, 2006

Noah's Zoo...


Nabasa nyo na ba o napag-aralan sa school ang istorya ng Noah's Ark? Kung hindi pa o kaya ay nakalimutan nyo na pabayaan nyong i-refresh ko ang memory nyo... Mga 300 taon bago pa ipinanganak si Jesus Christ ay may isang relihiyusong tao na ang pangalan ay Noah. Hindi si Mang Noah'ng magtataho ha? Lolo nya... Anyway, si Noah ay isang tapat na alagad ng diyos, at mabuting ama at asawa sa kanyang mga anak at asawa. Isang araw nagsalita ang diyos kay Noah na gumawa sya ng arko na na-aayon sa dikta ng diyos at ang tanging gagamitin ay nag-iisang punong kahoy lamang at si Noah ay sumunod sa utos ng diyos...



Nagsalita ulit ang diyos kay Noah na mag-ipon sya ng isang pares sa kada uri ng hayop at ilagay ang mga ito sa loob ng arko, at si Noah ay muling sumunod sa kabila ng tawanan at kantyaw ng mga tao sa akala ay kabaliwan nito... Muling inutusan ng diyos si Noah na ipunin ang kanyang pamilya at pumasok sa arko at paghandaan ang pagdating ng malaking baha na itinakdang lilipol sa lahat ng mga kasamaang nasa ibabaw ng mundo...At si Noah ay muling sumunod sa utos ng diyos... Ngunit sadyang si Noah ay maawain kung kayat sinubukan pa rin nyang kumbinsihin ang mga taong kumukutya sa kanya para pumasok at maging ligtas sa hatol ng diyos ngunit nabigo sya...


Sa madaling salita, nakaligtas si Noah sampo ng kanyang asawat mga anak at mga pamilya nila sa mapanalasang baha na kumitil sa bilyon-bilyong buhay sa mundo... Ang general notions at mga hypothetical explanations na nakabalot at nagsisilbing katibayan at pala-isipan sa katutuhanan ng istoryang ito ay walang ibang matatag na basihan kundi ang isang maliit na aklat ng karunungang spiritwal na tinatawag nating bibliya... Dito nagsimula at dito rin babalik ang mga kung sino man na nagtatangkang biyakin at paghiwalayin ang kathang-isip sa katutuhanan as a source of guidance nila...



However...! (inglis yun a) Ngunit, subalit, wala pong karapatan at lalo po ay walang plano si pepe na kalkalin ang ano mang katutuhanan ng istoryang ito at lalong-lalo nang wala akong balak na hanapin ito sa tuktok ng Mt. Ararat dahil takot po ako sa hight...! Ngayon nga lang sa sariling tangkad ko ay nalulula na ako, sa Mt. Ararat pa kaya...! Ang gusto ko lang pong tanungin at malaman mula sa inyo ayon sa mahaba at madugong kabanata ng istoryang isinalaysay ng inyong abang linkod na si pepe ay kung na-realized nyo rin ba na si Noah ang nagsimula ng pinaka-unang wildlife zoo sa buong mundo...?

Hindi ko din alam kung ano ang naging inspirasyon ng mga unang operators ng mga wildlife zoo,at wildlife santuaries sa ngayon pero duda akong hindi si Noah yun... Gayun pa man, (hindi na however ha) sila ang mga zoo, at wild santuary owners ang matatawag nating mga makabagong Noah ng panahon natin ngayon... Any questions...? Why is the carabao black? Very simple... Libag...!

My boring christmas...


Christmas day, kagigising lang ni pepe nagbukas ng fridge at naghanap ng pwedeng makakain. Boring talaga ang christmas sa downunder walang kakulay-kulay...! Hindi na rin ako nag-ayos ng apartment unit ko kasi kung maglalagay naman ako ng christmas decors ay magmumukhang oasis lang sa gitna ng disyerto ang unit ko na nag-iisang kumukutikutitap sa dilim dahil sa wala naman yatang naglagay ng kahit na isang christmas light man lang sa mga kapitbahay ko... Nakaka-miss tuloy ang pinas hayyy...! Last years christmas at new years-day was a bit okay kasi may kapit-apartment ako nun na mga pinoy so naghanda ako ng kunting BBQ party sa may balcony ko so medyo nag-inuman tapos may pagkain, music, videos, tawanan, at kwentuhan... Pero hindi nagtagal at lumipat sila sa mas malaking apartment kasi masyadong masikip daw silang tatlo sa apartment nila kung kayat nalungkot na naman si pepe...




This year plano ko sanang maghanda rin pero bad luck yata itong year na ito at nagpunta ng Gold Coast ang natititang nag-iisang neighbor ko na pinoy kayat (plok) nawala ang plano kong party... Nawalan na rin tuloy ako ng ganang maggala o magpunta sa shops man lang... Magmumukmok na lang ako siguro dito sa munting apartment ko buong christmas holiday na ito at mag-wish na sana hindi ako maubusan ng mga maliliit na activities at tuluyang ma-bored...




Paano na kaya ang pasko sa pinas ngayon...? Alam ko na medyo may kahirapan na ang buhay sa pinas ngayon marami ang kapos sa pera... Ang gobyerno naman kasi sa atin masyadong makasarili, mas-inuuna pa ang pansariling suliranin kesa mga responsibilidad na sinumpaan nilang tutuparin at gagampanan ng taos puso at walang halong pansariling interes... Paano kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi samantalang patuloy na naghihirap at nagugutom ang iba sa ating mga kapos na mga kababayan...?




Ngunit dahil pinoy ay wala halos ni kunting bakas man ng suliranin na nababanaag sa maliliwanag nating mga ngiti kayat bilib na bilib ako talaga sa pinoy...! Kung hindi lang sana ako kapos din at naubos na ang savings ko sa bakasyon ko last april ay sana sa pinas nalang ako nag-christmas at masaya pa sigurado ako ngayon... Nami-miss ko ang noche buena kasi noche hilik ang ginawa ko kagabi dahil wala namang happening gumising man ako ng hatinggabi, lalo lang akong malulungkot... Sinabayan ko nalang ng hilik ang halakhak ni Santa Clause, natakot tuloy sya at ni hindi man lang sumilip sa bintana ko dahil akala siguro ay may monster sa loob na ungol ng ungol...!



Pareho pa rin kaya ang pag-celebrate natin sa mga tradisyon, meron pa rin kayang simbang gabi? Ang last christmas ko sa pinas kasi ay nung year 2000 pa... Ang baluktot na advice pa nga nun ng mga my plens ko dito ay wag daw akong umuwi dahil baka ma-Y2K daw ako at hindi na makabalik dahil titigil daw ang lahat...! Ano yun? Statue dance na pagtumigil ang tugtog ay ala statue ka ring hindi gagalaw...? E ang eroplano mag ii-statue dance din sa himpapawid? Kayat ang sabi ko na lang sa kanila ay YIK (why i care) because i dont really care sabay taas ng isang kilay na ala Jinggoy Estrada...! Natawa pa ang mga loko sa sarili nilang katangekan ng bumalik ako in one piece at nadagdagan pa ang timbang...!




Ni hindi man lang yata umutot ang eroplano sa himpapawid tapos naniwala kayo sa narinig nyo dun sa naniniwalang ang sinabi ng isang kapanipaniwalang kaibigan nya na naniniwala sa isang nagsabing kapitbahay na paniwalang-paniwala naman dun sa mapagpaniwalaing na met nya lang sa may bus stop na hindi naman nya kilala at hindi nya pinaniniwalaan dahil mukhang walang namang tiwala sa sariling paniniwalalaha pwe pwe! Naligaw pa tuloy ang usapan natin...! Ano ba talaga kuya?!
Pero kung ako lang sana ang masusunod ay mas gusto ko sa pinas kesa dito sa downunder hindi lang sa pasko kung hindi sa habang panahon... Pero madaming bagay pa ang dapat kong ayusin at kusidirahin bago ko matupad ang pangarap ko na iyan, pero ramdan kong malapit lang ang katuparan ng lahat ng yan... For the mean time, tyaga lang muna pepe...

Saturday, December 23, 2006

Neps lover...

Familiar ba kayo sa Nepenthes. (Pitcher Plant) Ito ay isang klase ng mga halamang tinatawag nating Carnivorous Species. Sa lahat halos ng mga milyon-milyong varieties ng mga halaman sa buong mundo dito yata ako na inlove sa kakaibang halaman na ito, pangalawa na lang ang Cacti o Cactus sa common na pagkakilala natin... Ang vessel ng halamang ito na parang pitcher ang appearance kung kayat tinawag syang Pitcher Plant, ay hindi bulaklak kundi extension lamang ng dahon nito... Ang vessel o pitcher ng halamang ito ay may taglay na digestive chemicals na kayang mag-digest o tumunaw ng mga insekto at maliliit na hayop na aksidenteng nahulog dito bilang secondary food source ng halaman...



Ang nabubulok na tissue ng mga insekto at maliliit na hayop ay mayaman sa nitrogen na syang ina-absorb at dagdag na nurishment dito...



Isa pa sa mga kakaibang katangian ng halaman na lalong nagpalalim pa sa interest ko dito ay ang nakakatuwang solusyon sa natural na problema nito... Hindi nyo ba napansin na masyadong malaki ang vessels nito... Ang isang halaman lang ay puwedeng magkaroon ng dalawa hanggang sampong vessels ng sabaysabay... Ang mga vessels na ito ay kadalasang may maliliit lang na takip, bunga nito ay palaging napupuno ng tubig ang vessels sanhi ng pagdilig dito at sa pagpatak ng ulan... Kung inyong napapansin sa mga picture sa ibaba, ang tangkay o stem na humahawak sa mga vessels nito ay hindi nakakabit sa itaas kung hindi ito ay nakasapo sa may ibabang bahagi ng vessel... Ibig sabihin na kung halimbawa man na mapuno ng tubig ang mga pitchers nito, hindi ito magiging sanhi ng pagkasira ng vessels nito o ng buong halaman man... Kusa lang itong yuyuko sanhi ng bigat at kusang tatapon at mababawasan ang lamang tubig ng mga vessels nito... Genius talaga ang nature hindi po ba...?


At kung napansin nyo rin kung paano nakatupi ang pinakabunganga nito, ito ay para siguradong tubig lang ang matatapon at hindi ang pagkain sa loob nito...






Ang Nepenthes ay kasama sa mga endangered varieties ng mga halaman na ibig sabihin ay hindi madali ang magkaroon nito... May mga bansang mahigpit ang pinataw na mga regulasyon bago makapag-alaga nito, pero hindi ko lang alam kung kasama ang pinas sa mga bansa na to... Maaring kakailanganin ang special permits at kung ano pang kasulatan para mapagkalooban ng karapatang mag-alaga nito... Ang natural habitat ng halamang ito ay sa mga high and remote regions lang hindi dahil sa yun lang ang may tamang klema para dito, kung hindi dahil sa yun lang sa palagay ko ang hindi pa na-aabot ng sibilisasyon at pang-aabuso ng tao...


Ang Nepenthes ay nangangailangan ng mga bagong generasyon ng passionate collectors para ipagpatuloy at panatilihing buhay, makulay, at maganda ang future para dito...



Sa pinas matatagpuan ang ilang varieties ng halaman na ito sa halos buong bahagi ng bansa... Ang pinaka sikat na mga distinasyon sa paghahanap nito sa natural state nila ay ang highlands ng Sibuyan, Banaue, Mindoro, and Mindanao.



Hindi ko pa nasubukang mag-alaga nito pero patuloy akong nagri-research tungkol dito just incase na dumating ang time na magkaron ako nito... Dito sa downunder ay medyo mahirap dahil sa wala akong space na pwedeng paglagyan nito at masyadong extreme at paiba-iba ang weather conditions, pero balak kong mag-settledown sa pinas so baka dun na lang ako mag-uumpisang mag-collect in the future... May tawag ako dito sa Nepenthes: I call it the Nature's Cocktail... Nakikita nyo ba ang similarity...? Cheers...!!