Summer na naman...!
Summer na naman dito sa downunder, sobrang init at sobrang dami ng langaw...! Sa pinas kalabaw lang ang nilalangaw, dito tao naman ang inaatake ng sangkatutak na mga langaw...Siguro walang kalabaw dito kaya ganun... Ang nakakainis pa sa mga langaw dito kasi masyado silang tame, feeling nila aso sila...! Etong isa! Um! Pitik! Splat!... Ayan tuloy naging tatlo ka ngayon...!
Madami kasing pwedeng dapuan sa ilong ko pa naisipang dumapo... Ano ba meron sa ilong ko na wala sa iba at dyan mo naisipang dumapo ha...? Uhrm! O...! Close your mouth tatang hayaan nyo na lang ang langaw ang sumagot nun, alam ko naman kasi kung anong sasabihin nyo e... Atin atin na lang yan...! Ganito palang summer pag malapit ka sa disyerto sobra...!
Mababa din ang humidity level nila kayat wala halos kahit isang patak na pawis na tumatagaktak sa iyong katawan... Anong tawag nun sa tagalog? Feeling ko tuloy ay para akong binurong isda na kahit balot na balot ay hindi pinagpapawisan...
Hirap din sila sa tubig, nasabi ko lang yan kasi mula yata nung dumating ako rito ay palagi na lang may water restrictions kahit na tag-ulan all year round... Marami sa mga bagong subdivisions dito ang may sariling water recycling system para maiwasan ang problema sa tubig...
Mataas din ang UV o UltraViolet level dito kayat hinihikayat ng mga ahensya mediko dito na maging maingat ang mga madlang bayan sa mga downunder the sun activities nila...
At para naman sa matitigas ang ulo, Skin Cancer lang naman ang katumbas nyo... O lalaban kayo...?