Queen Mary II
PEPE-RAZZIS
Hindi sya tao at lalong hindi sya queen pero isa syang one night stand na celebrity dito sa sydney kamakailan lang nung sya ay dumaong ng panandalian dito.... Hindi rin sya gaanong tumagal dahil marami pa raw syang mga naka-schedule na visits sa ibat-ibang nasyon pero and pagdaong nya dito ay naglikha ng chaos, masikip na traffic, at pagdagsaan ng maraming taong gustong mag-usyoso sa kakaiba at kapansipansing laki ng dambuhalang barko na ito....
Natawag naman ang pansin ng mga alaga kong mga Pepe-razzi sa nalamang mga 800 pala ka pinoy personels ang nagtatrabaho sa barkong ito.... Malas lang kasi sa sobrang kasikipan yata ng venue ay hindi halos nakuhang pindutin man lang ng mga Pepe-razzis ko ang hawak nilang mga camera.... Pero okay na rin ang impormasyong nakuha nila di ba....?
Okay na okay talaga ang mga pinoy ano....? Mapalupa man, himpapawid, at pati pa sa laot ay sikat ang pinoy....! Kelan naman kaya makakapunta ang pinoy sa buwan....?
Isa pang nakatawag ng pansin ng mga Pepe-razzi ay ang maladambuhalang laki ng barkong ito na sa taas na 23 storey above sea level ay mapagkamalan mo na tuloy itong isa sa mga gusaling nakatayo malapit sa harbour kapag hindi mo napansin ang hugis ng base nito na barko pala....
Ang Queen Mary 2 ay may habang 1132 feet (345 metres) at may taas na 236 feet 2 inches (72 metres) at passengers capacity na 2,620 (3,090 max).... Ito rin ay may timbang na 150,000 tons (approx.) at tinaguriang The Worlds Largest, Longest, Tallest, Widest, and Grandest Ocean Liner.
Hindi katakatakang maluluma ang Titanic rito sa lahat halos ng aspect except historywise kung ocean liners ang pag-uusapan na ang Titanic pa rin ang reigning champion of the champions.... At marahil ay dahil na rin sa kasabihang walang bayaning buhay kaya Titanic pa rin ang da winir sa labanang ito....
Pero ba't ba natin pinaglalabanlaban ang patay at buhay, ibahin na lang natin ang topic matutuwa pa si tatang nyo....! Last night bandang mga 11 ng hating gabi ay nagpatuloy ang Queen Mary 2 sa kanyang world tour at ang next stop nya ay Hong Kong at susunod naman ang Singapore.... At kong nagtataka kayo kong paano ko nalaman ito ay nandyan lang ang itinerary nya sa ibaba tingnan nyo he-he....
http://www.qm2.org.uk/itinerary.html
Anyways, gusto ko lang naman na mai-share sa inyo ang isang kakaibang experience ko na ito rito sa downunder kasi first time lang yata ako nakakita ng isang barko de gulat na kagaya nito at ang pinakamalaki na yatang barko na nakita ko ay ang Super Ferry lang natin sa pinas....!
Pero worth telling din naman ang experience ko na to di ba....! Sana ay na stir ko ng kunti ang laman ng mga kukote nyo and its about time na rin ang pag-post ko sa topic na to kasi kahit ako ay nagsasawa na sa katitingin dyan sa last post ko na t-shirt.... Ang t-shirt pala ay nandidito na at pinag-iisipan ko pa kong isusuot ko ba o hindi kasi medyo malaki sya....
Ang size large pala sa US ay malaki kompara sa Australian size kaya medyo palpak ako ngayon pero okay lang naman kasi pwede ko pa rin isuot pambahay.... Anyway ulit, siguro naman ay pwede na muna akong umiskapo at matulog kasi may pasok pa bukas.... Isa pang pahabol, ang QM2 pala ay AU$ 5,000/night.... Kaya ba natin ang presyo....? Multiply nyo sa 80 days yan na world tour....! Okay, mag-isip muna kayo dyan at mag matik-matik at ako naman ay nagsisimula nang humilik dini....!
3 comments:
If you were a millionaire would you spend your money on a luxury cruise with QM2? Indi ko ya. I'd prefer to ride my bicycle and travel around Europe and South America. It's possible, we have friends who did that.
P.S. Ang ku-kyut ng mga Pepe-razzi mo!
If i were a millionaire, i will spend my money on a luxurious ride not on QM2 but aboard QM3 (bangka) along panay river and enjoy not just 80 nights but a whole lifetime of luxury....
Peps, korek ka guid jan!
Post a Comment