Hail storm in Sydney....
I took a bus to work today.... This is one of those days na kailangan kong mag-bus kaya inagahan ko na lang para makauwi rin ako ng maaga.... Gumising ako ng around 4:45 AM.... Naligo, nagbihis, hindi na rin nag-breakfast kasi kailangan kong habulin ang 5:50 AM na trip papuntang trabaho.... By 5:40 AM, i was already at the bus station na hindi naman malayo sa bahay.... Mga 7 minutes na lakad-takbo lang naman....
Around 6:18 AM, nasa trabaho na ako.... Bilis kong dumating sa work ano....? 12 kilometers lang naman kasi ang distance ng work ko from home.... Normally i don't go to work this early in the morning.... Narinig ko kasi sa news na may thunder storm ngayong hapon kaya since wala kaming overtime every mondays ay good timing na rin para umuwi ng maaga.... I was already worried bandang 2:00 PM kasi nagsimula nang pumatak ang ulan.... Luckily, hindi gaanong malakas at hindi rin dinaanan ng sabi sa news na may hail storm daw somewhere else sa sydney.... Mahirap pa naman maghintay ng bus kung umuulan, lalo na kung puro bukol ka sa tama ng hail stones....!
I got hit by hail stones before you know....! First timer pa lang ako nun sa downunder and i don't know anything about hail storms na yan....! In other words, tatangatanga pa....! =D
Nakatira pa ako nun sa bahay ng tiyahin ko na kapatid ng nanay ko sa Merrylands.... Same time of the year din yun, wala pa akong nahanap na trabaho.... Wala ang husbandry nya nun at pumasok yata dun sa panggabing part-time nya.... Iniwanan nya ang car nya sa labas.... Bigla ba namang umulan ng yelo na kasing laki ng kalamansi....! Nataranta tuloy kami na baka masira ang sasakyan kaya inutusan nya ako na takpan ko raw ng kung ano-ano....! Kumot, balik bayan boxes, tuwalya, carpet, etc....!
Ako naman tong si tatangatanga, biglang sugod na rin kahit hindi handa kaya yun, tinadtad ng naglalakihang yelo ang buong katawan....! Hindi nga nasira yung kotse, bugbog naman mukha ko sa tama ng yelo....! Sakit nun ha....! Anyways, this is how some parts of sydney looks like few hours ago today after the hail storm....
Thanks to Sydney Morning Herald, the site where i borrowed these photos from today.... O di ba....! Sarap umupo sa may gilid sabay gawa ng halo-halo ano....?! =D
25 comments:
Nakakatuwa yang hailstorm. Dito kung minsan meron din yan. At minsan naman nag-snow dito. (Hindi talaga nage-snow dito.) Ay tuwang-tuwa ang mga bata at walang pasok sila, kasi ang mga kotse dito ay walang snow tires. Di naman nagtagal at pagdating ng tanghali ay natunaw na.
That was some experience for your, Pepe, to be hit by hailstones. LOL
Luoy man si migo Peps! Ti ano, pila ka bilog ang bukol mo? Juk only.
Howdy Pepe!
Wow, hail stones. Mukha silang moth balls, hehe.
:)
i can imagine the situation. masakit yun ha. nagpabinyag ka pala!
Alam mo Mari, how i wish na nagii-snow dito sa sydney.... Akala ko kasi nun may snow sa australia yun pala sa ibang bahagi lang hindi sa lahat ng lugar.... Sometimes we travel up the alpine region naman kaya lang napakalayo....! =D
Hi Zj....! Damo gid bukol ko he-he....! Ang pinakamasakit tong nag-igo sa mata ko gid ha-ha....! =D
Hi Zj....! Damo gid bukol ko he-he....! Ang pinakamasakit tong nag-igo sa mata ko gid ha-ha....! =D
Hallo Edden....! Kumusta na....?! May masmalalaki pa dyan, minsan kasing laki ng tennis ball yan....! =D
Red ha-ha....! Nagpabinyag kaya lang ice cubes ang ginamit he-he....! =D
yikes, ang lalaki naman ng mga yelong yan kuya... masakit yan kapag tumama sau..
minsan may hail storms din dito sa San Antonio, pero di naman ganyan kalalaki.. hehehe..
snow!!!!!
karmi - http://idlip.net
when i was there, we had to travel to the snowy mountain to see snow and that was my first time to see real snow, para akong baliw, lol! Ngayon naman, i hate snow! Takot kasi ako maglakad baka ako madulas e, alam mo yong parang yelo na nabasa sa ulan e di super dulas yon. I didn't know may hail storm pala jan sa sydney! Masakit talaga matamaan niya athough awa ng diyos di ko pa naranasan yan! TC Peps, baka maging Pepeng Bukol Mukha labas mo niyan , lol!
Snow! Snow! Gusto ko ma-experience yan. Pero nang mabasa ko ang kwento mo parang medyo ayoko na pala. LOL. Feeling ko masakit nga ang tamaan ng hailstorm snow. Hope ok na yung mga bukol mo. :)
aba hailstorm! at aba, sa lamig namumula ang maputi mong kamay!
Sinabi mo pa Karmi he-he....! Sabi ko nga sa sarili ko, payag akong batuhin ng kalamansi, wag lang yelong kasing laki ng kalamansi....! =D
Uy Mrs.T, nakapunta ka rin sa snowy....? Inikot mo yatang talaga ang downunder nun a he-he....! Sarap mag-snowboarding dun, miss ko na yun....! =D
Mas masarap sana kung snow yun Mel, kaya lang walang snow dito sa sydney, pero minsan may mga quick fall din sa western side ng sydney....! Pero kung gusto mo talaga ng snow, dun sa pinuntahan ni Mrs.T sa alpine region madami he-he....! Magdala ka na rin ng gatas at sago....! =D
Hallo Virginia....! Ang ganda ng hail stones ano....? Bilog na bilog....! =D
kelan kaya yan sa pinas???
hmmmph
Oi Bry, nag-hail na sa pinas nun....! Somewhwere in 1994 yata in some parts of manila umulan ng yelo that lasted for about 2 minute at kasing laki ng butil ng mais....! Kelan kaya yun mauulit....! =D
SNOW! how i wish we had that here in PI. anyhoo, i have something for you to answer. visit my blog, see you there!
kuya pepe! musta na? Hehe.
anyway im imagining you with the hail... funny recollection. :)
pwede na nga pang halo halo noh? hehe
Hi Tin....! Eto napaka-busy kong tao he-he....! Oi hindi ko naisip yan....! Actually pwede pala silang itago sa freezer ano he-he....! =D
Hi Tin....! Eto napaka-busy kong tao he-he....! Oi hindi ko naisip yan....! Actually pwede pala silang itago sa freezer ano he-he....! =D
I assume damo na bukol mo hehehe. I really enjoyed reading this post hehehe.
Hey Mari....! I think over the capacity na tong comment box so i will just make this short.... Ingatz Mari....! =D
Post a Comment