Day 2 of 2008....
Breakfast ko ngayon, Arroz Caldo with chicken wings yum-yum....! Teka nasan ba ang chicken wings dyan at parang wala naman....?!
Kasalukuyan pa pong hinahabol yung organ donor na manok na magdu-donate nung wings and other body parts he-he....!
Maaga akong nagising ngayon, mga 30 minutes earlier than yesterday.... Maaga ba yun....?! Naligo, naglinis ng rice cooker, balak sanang magsaing pero naisip ko, dapat yata sana ay yun ang inuna ko bago ko dinismantle yung rice cooker ay mali....!
Anyways, naalala kong nagluto pala ako ng isang malaking kaldero ng Arroz Caldo with chicken wings kagabi kaya solb na ang almusal.... Kunting microwave lang ayos na....! May chicken wings yan, nagtatago lang siguro dun sa may ilalim....! Wala akong maisipang gawin, 20 day to go pa bago ako bumalik sa trabaho ulit nakakainip....! Nabu-bored na yata ako dito sa bahay, butas pa ang bulsa ko.... Dalawang bill pa ang nag-aabang, iniisip ko na lang minsan na kunyari ay madami akong pera para wag ako masyadong mag-worry he-he....! Teka, masmasarap yata to with isang tasang kape a.... Kain tayo....! =D
15 comments:
nagapabalhas ka? kailangan huwag lumabas ang chicken wings dahil lilipad yang bowl mo.
happy eating, pwede na kakaon manok, january 2 na.
sarap nyan lalo na pag may tokwa't baboy... tapos maraming garlic toppings. yummy!
wow sarap! namiss ko 2loy yan pati lumpiang toge! wowowowow!!!
Hay salamat Red, abi ko gani bawal pa gihapon ang manok....!
Pepe to Lady Racer,
Pero may alam akong masmasarap pa sa Arroz Caldo.... Nakatikman mo na ba yung original Lapaz Bachoy na gawa talaga dun sa iloilo city....? Yun ang talagang walastik sa sarap....! Naglalaway tuloy ako he-he....! =D
Oi Bry, nandyan lang yan sa tabi-tabi bumili ka na lang he-he....! Di tulad ko dito na napakahirap kung hindi ka marunong magluto ng gusto mong kainin at talagang mami-miss mo....! =D
opo naka tikim na ako ng batchoy from bacolod and iloilo pero sobrang tagal na :)
Masarap di ba....? Before may nakita ako dyan sa may bandang sucat.... Hindi lang ako sure kung malinis ang pagkagawa kasi dun lang sa mga maliliit na kainan sa mga sidewalk.... Mahirap nang mabiktima ng food poisoning, may experience na ako dyan he-he....! =D
ang sarap ng arroz caldo, naglalaway ako! Pepz, di kaya lumipad ang wingg? Happy New year Peps!
One of my favorites...arroz caldo. Masarap yan lalo ng kung umuulan. LOL.
I got the drawing and it looked really good. Galeng, Pepe. Okey na okey.
Thanks for sharing with me your drawing.
uhau, very good delicioso.
Huwaw! Ang sarap. Yum! :) Gusto ko tuloy kumain kahit goto lang at fried tokwa from,Goto King. Ngayon lang naging malamig. Nun Xmas mainit. :)
Wow, Andaming fans ng one bowl Arroz Caldo ko a he-he....! Sandali lang ang preparation nyan, gusto nyo bigyan ko kayo ng recipe....? Thanks sa comments guys....! Redlan, Ladyracer, Bry, Mrs.T, Mari, Mel, and Rui Caetano....=D
Mari, madami pang bagong drawing dun sa art-blog ko....! =D
'langya, peps, nagutom tuloy ako! lol
peborit din ng mga anak ko ang arroz caldo, lalo na pag sprinkle ng toasted garlic and/or green onions, sarraaapp!!! yan ang comfort food ko.
Oi Nance, ikaw rin pala....? Ha-ha, mukang napakarami yatang fans tong bowl of arroz caldo ko a he-he....! =D
Post a Comment