___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, January 14, 2008

Nagparamdam....

Good monday all....! By the way, this is one of my creations from my art-blog.... Wat keyn yo sey....? This one i call "Bahay Kubo", obviously naman ha-ha....! Medyo naging busy lang po ako lately dun sa Astig Museum ko na badly in need of my attention pa.... By the way, madami na po pala akong mga new updates dun, just in case na hindi nyo pa nasubukang bisitahin.... Lately kasi, i was trying to decide kung isasarado ko na lang yung mga iba ko pang blogs kasi napakahirap palang i-maintain lalo na't busy nga ako sa work and some other things.... Anyways, active na sya ulit ngayon at may mga nagbibisita na rin para tumingin ng mga arts ko.... Bakit, dati wala ba Peng....? Talagang wala po kakahiya ha-ha....!


May inilagay pa akong stat-counter nun just to monitor the number of visits at natutuwa pa nga akong makitang may mga dumadalaw naman pala.... Huli ko na lang na-realised na sa akin pala yung mga dalaw sa counter....! Sariling mga dalaw ko rin pala ang niri-record nung stat-counter ko ha-ha....! Maybe it's not so interesting nga, o dahil na rin sa dito ako sa main blog ko nagku-concentrate na masyado....


Some other things Peng....? Eto pa rin po ako ngayon sa bahay nakatambay, next week pa ang balik ko sa work and i'm already dying of boredom na....! Reklamador ha-ha....! Pano, wala naman kaming over-time nung december last year kaya nagdecide na akong i-extend na lang tong christmas vacation ko kasi kung magtatarabaho pa ako over christmas ay ganun pa rin naman ang kita dahil wala nga kaming over-time di ba....? Kaya yun, nagamit ko tuloy annual leave ko....!


Paminsanminsan naman ay lumalabas rin ako sa mga shops para bumili ng asin, suka, at boy bawang, tapos once a week kailangan kong i-check ang bahay ng aunty ko sa Merrylands, just two suburbs away lang from here kasi on holiday back to pinas sila ngayon (ako rin sana) at sa 19th pa ang uwi nila dito kaya atin-atin lang to ha, niri-raid ko ang fridge nila palagi ha-ha....! Nag-hire kasi sila ng bantay salakay kaya yun....! Burp! (dighay) ops, excuse me po he-he....! =D


Nagparamdam lang naman para malaman nyong buhay pa si ako at eto nga ulit pumipintig-pintig pa ha-ha....! Medyo naalimpungatan lang kasi ako sa sobrang pagka-focused ko yata dun sa other blogs ng tinanong ako ni Redlan for an update dito kaya Red, eto na request mo....! Hindi ko pa alam kung kelan muling masusundan to, gisingin mo na lang ako ulit kung mapatagal na naman tulog ko he-he....! Wawuu....! =D



14 comments:

RedLan said...

wow, bilis! kanina wala pa ito dito.

panu yan naubos mo na ang vacation leav mo, hindi ka naman makakauwi niyan sa taong ito. hehehe

buhay na buhay ang museum mo pepz. so colorful, nainngit nga ako. hindi ko yan mareach kaya i-feature ko na lang.

Pepe said...

We are entitled to 20 days annual leave man per year, so kun wala mo nagamit nagadugang lang sya nga nagadugang.... Damo pa man ko bilin for next holiday plus pa ng ang this years....! Sige lang i-feature lang Red kay basahon ko he-he....! =D

Mari said...

Pepe, gumawa nga ako ng isa kong blog para sa mga drawing, pero sabi ng kaibigan ko bakit daw hindi isa na lang. LOL Dapat nga isa na lang...kaya lang gusto kong ihiwalay ang mga krokis ko sa mga himutok sa buhay. LOL Anyways, nanduon na...di na lang bale.

Anonymous said...

hello hello :)

Pepe said...

Yun din ang reasons ko kung bakit hiniwalay ko din ang arts ko Mari.... Ayaw ko kasi ang idea na magmukhang blog ang mga gawa ko he-he....! Anyways, i think you did the right thing Mari.... =D

Pepe said...

Hello din Ladyracer, how's your weekend....? =D

Anonymous said...

my weekend was fine... had my review last sat, then i had to stay up until sun 7am to finish a paper. sun 10am had to wake up to attend a meeting for work. then hospital duty sun10pm-mon 6am. di ko naramdaman na nagweekend pala hehe

Pepe said...

Napaka-busy mo pala ha-ha....! Hindi ko yata kaya yan kung sa'kin nangyari....! Kailangan mo sigurong mag-create ng another day for weekend nyan para may pahinga ka naman....! =D

ice9web said...

eto po nagparamdam na ako ^_^

salamat sa visit sa blog ko

Anonymous said...

hello ulit... just got home from duty... oo nga dapat yata 8 days in a week. kulang ang 7 hehe

Pepe said...

Hello Aice, kumusta ka na....? =D

Pepe said...

to Ladyracer,

Oo nga he-he....! Di ba romans ang nag-invent ng first calendar natin....? Palagay ko mali ang version ng english calendars kasi napanood ko dun sa mga early days roman movies na parang masmadami yata ang araw ng pahinga at kasayahan nila kesa dun sa araw ng pagtatrabaho.... Baka dapat nga talagang 2 days lang ang weekdays at 5 days naman ang weekends instead of the other way around na ginagamit natin ngayon ha-ha....! =D

Anonymous said...

wow buti ka pa naka leave!

naka naman kuya pepe, ang ganda ng drawing mo sa nipa hut! pag-uwe mo ma papa portrait ako ha! hehehehe

sana naka-leave din ako :(

Pepe said...

Oi Bry, nasayang nga leave ko kasi dapat sana nandyan na ko ngayon di ba....? Pera lang talaga ang kulang, wala kasing pangpalaman sa wallet-sandwich ko kaya tyaga na lang sa bahay kahit na boring....! =D