___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Tuesday, February 19, 2008

Heto pa ulit from Bry....!

This one's from Bry naman....! Salamat dito Bry....! You know, it's a great thing na na-uso dito sa blogos tong mga tags, awards and other things kasi hindi naman sa lahat ng oras ay very fruitful and flowery tong utak ko para mag-isip ng topics for my updates.... Some might find them very annoying, but for me they create a kind of breathing points where at times na wala na akong maisulat and instead na iwanan panasamantala ang blogging at umupo sa tabi at magminimuni ay eto meron pala akong pwedeng ilagay just to keep the fire burning di ba....?


Ewan ko lang sa inyo kung agree rin kayo rito sa idea ko na to, basta yan ang views ko towards friend's tags, and awards here in the blogos.... Kita nyo naman, meron pa rin akong pang update ngayon at madami pang for the weekend ko naman ipu-post.... At the same time ay nabibigyan ko rin ng pang updates ang iba.... Kahit na medyo nangangapa pa tong utak ko ngayon ng topics para i-post dahil busy nga ako sa trabaho ko the whole week....


By the way, i've made two kids happy pala today, what happened was i had a whole boring day today kasi inaantok dahil sa kakapuyat ko dun sa movie na "Ong Bak" kagabi, thailand's finest yata yun about the culture and the thai-martial arts ang "Muay thai" at medyo naduling rin mga mata ko sa kababasa at kahahabol dun sa subtitles....! It was fantastic, actually i've seen that maybe around twenty times already he-he....! Kaya yun, hating gabi na natulog tapos maagang gumising para pumasok ulit resulta, zombie ako buong araw....!


Anyways, balik ako dun sa mga happy kids.... Bandang mga 5 pm kaninang hapon, kalalabas ko lang ng trabaho sabay perform na naman ng aking trademark na daily goodbye kaway sa mga nakatingin na mga unggoy sa'kin sa kanikanilang mga office windows at aktong magtatravel na akong pauwi ng mapansin ko ang isang puting ibon sa may damuhan.... Sabi ko, parang kamukha to ni Dexter a, my ex-pet cockatiel na isip tao at tamad lumipad at ang gusto ay maglakad lang ng maglakad.... Dexter - taken from the cartoon character, Dexter the scientist na may hair-do din na yellow he-he....! Nakakatakot lang kasi baka sa sobrang kalalakad ay biglang maapakan ko na lang sya minsan.... Malas lang kasi accidentally nakalabas sya sa bintana at naligaw ng landas at naging palaboy nang tuluyan mga two taon na ang nakakaraan at similar ang looks dyan sa inilagay kong pitsel este picture pala sa kaliwa mo.... San na kaya umabot ng kalalakad yun....?


Na-realised ko rin na born in captivity yun dahil sa bright colorations ng balahibo nya na present lang sa mga captive breed dahil sa color-mutations na siguro dala ng controlled diet nila.... Sinubukan ko syang lapitan ng talagang malapit na malapit pero ayaw pa ring lumipad, tapos ng hinawakan ko ay lumipad pero bumalik malapit sa akin at dumapo sa may sangga kaya hinawakan ko na, kinagat pa nga ako sa kamay, at judging dun sa kagat nya na hindi gaanong masakit ay male cockatiel sya.... Ang mga female birds kasi masakit mangagat na kagaya rin sa tao ha-ha....!


Hindi ko naman pwedeng iuwi kasi baka gutumin lang lalo sa apartment ko dahil walang mag-aasikaso sa buong araw na wala ako.... Madilim pa kasi ako umaalis tapos gabi na rin kung umuwi kaya sabi ko kawawa lang sya dito sigurado.... Good timing naman na may dumaan na dalawang batang babae kaya tinawag ko tapos sabi ko, sa inyo na lang to pakainin nyo ng kare-kare with matching bagoong, rice, and ice cream mamaya....! Joke lang yung last part, maintindihan naman kaya, australians kasi yung mga bata....! =D


Nanghinayang din ako dahil sana finders keepers yun dapat, pero parang tuwangtuwa naman yung mga bata at nagmamadali pa ngang umuwi dahil sa sakit ng mga tuka ng ibon sigurado....! At least, after school ay hindi na siguro sila maggagala ng tulad kanina dahil may ibon na silang aalagaan sa bahay di ba....? Sana dinala ko na lang pauwi, sayang tsk....! Anyways, i've made someone happy today at proud na rin ako dun.... Nakakapagpataba pa ng puso he-he....! =D

9 comments:

RedLan said...

ABa, ABa. Kala ko award update lang to. Am sure naging tuloy-tuloy rin ang pagtype mo. Tuloy-tuloy rin ang basa ko. lol.

Unang-una, Sayang yung ibon mo noon. Baka nauna na ditong umuwi sa pilipinas. Pangalwa, sayang rin ang nakita mong ibon. At ha, masakit pala mangagat ang babaeng ibon gaya ng tao. Naranasan mo na sigurong kinagat. Jokes. Pero tama ka naman sa naging desisyon mo na ibigay sa mga bata. Pareho tayo ng situation, pagod ng umuwi at late na minsan. Ang hayop kasi kailangan rin ng attention at pag-aalaga. Kaya it's better not to have any pets na lang. Minsan ang ending ay masakit. hehehe. Know who's talking?

Anonymous said...

i enjoyed reading this entry.

but what struck me most was "Ang mga female birds kasi masakit mangagat na kagaya rin sa tao".

syempre napa-isip ako sa statement na yun hehe

Mari said...

Hey, another award. You really are a popular guy, Pepe.

Yung nga palang comment mo sa blog ko tungkol sa trabahong nakuha mo ay ngayon ko lang nakita. Hindi napunta sa email ko kundi pumasok sa blog moderation ko. Nagtago siya. LOL Sorry. Pero nilagay ko na.

Thanks for the comment on my blog.

Pepe said...

Napagana gani ang typing ko Red he-he....! Very cute tong pispis kay may ara ko sadto sang una galing nakaguha sa bintana.... Ano na ayhan ginahimo sang mga bata subong....? Tani alalgaan lang nila sang mayad to.... =D

Pepe said...

Hello Ladyracer, joke ko lang yun he-he....! My personal experience....! =D

Pepe said...

Okay lang yun Mari, hindi ko na rin alam kasi hindi ko pa nabalikan ang blog mo this week, busy kasi masyado sa work.... Have a great week ahead to you....! =D

Krisha said...

aba kuya, iba na talaga ang popular. HAHHAHAHA!

congrats sa award ULIT :)

Pepe said...

Thanks Krisha, oi hindi ako ganun kasikat katunayan hindi nga ako nanalo sa poll last time na na-nominate ako he-he....! =D

Tess said...

manang mana ka talaga kay Redlan, super bait kaya u deserve to be called HERO! Peng, sayang din yong ibon, sana alagaan sila nong mga bata but the happiness u gave to those kids is something to be proud of. Mabuhay ka Pepe!