___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, March 31, 2008

Art-market....

Strange things happened at my Astig Museum tonight.... Just after nung mabasa ko ang iniwan na message ni Mel dun sa may shout box ko kanina.... Eto'ng sabi nya :

>> Mel: Kuya Pepe, lagyan mo kaya ng watermark signature ang mga artworks mo? Just a suggestion lang po. =D

Natakot naman ako kasi kahit may isinulat nga ako na site address ko dun nun ay maliit lang sya at pwede palang bawasan ang laki ng drawings para mawala yun kaya gumawa at nag-update ako ulit ng mga new pictures na may malalaking marks na....


Kaya lang, habang pinapalitan ko ng marked drawings ang mga lumang drawings kanina, ganito ang napansin ko dun sa visitors map ko....!

Kanina sabay-sabay dumating ang mga visits na yan na parang malaking marketplace....! Hindi naman ganyan ka-busy ang traffic ko dun nun....! Parang nabulabog na mga langgam ano....? More than 85 visitors yan all at once kaya ako naman lalong binilisan ko rin ang pagpalit ng mga drawing kasi pakiramdam ko parang bina-bargain na ang mga gawa ko ha-ha....! =D

Eto pa isa.... Medyo patapos na ang bentahan dito....! Bakit kaya ganun, normal lang ba yun....? Nakakatakot naman pala dito sa web, hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa mga iniingatan mo sa pc mo....! Pwedeng nakawin ng wala kang kaalam-alam....! Tapos kabubura ko lang pala ng isang spam comment na pinipilit akong buksan ang link na iniwanan nya kaya binura ko kaagad....!

Shop's closed na dito, ako na lang natira dyan na kumikislapkislap dun sa may ibaba.... Buti naman at tumigil na sila.... May nakakuha kaya nung mga drawings ko....? Anyways, may mga watermarks naman yun kahit maliit lang.... Masisira yun pagsinubukan nilang tanggalin....


15 comments:

redlan said...

oo, indi mo mabal-an gina used na gle ang artworks mo without ur permission kag ginabaligya na gle.

Indi ko na gani kabalo bala magbutang sang signature sa picture. some peole kasi just grabbed pics without asking.

nakita ko man may tatak mga drawings mo with ur signature before.

Pepe said...

Kaladlawan gid ko kagaina Red kay daw gina silihan ang buli ko sa sobra nga dali-dali bala kay daw sa gina-inagawan gid ya ha-ha....! May-ara man ko di originals pero basi gamiton bala sa kung ano ang mga drawings.... =D

MeL said...

Kahit sa akin din mangyari yun, matatakot ako at magpa-panic. Ang weird, ngayon lang nagkasabay-sabay ang pagpunta ng mga visitors mo sa site mo. Baka nabasa kasi nila ang msg ko? Waaa. Haha.

Kuya Pepe, pwedeng sa gitna ng artwork mo ilagay ang signature mo. I-photoshop mo po, pero watermark ang effect para makita pa rin ang kabuuan ng drawing mo. :)

acey said...

wow, daming fans! =D

MeL said...

1-2-3 watermark remover? Wahaha. Baka naman po may way sa photoshop kung paano gumawa ng unremovable watermark? :)

MeL said...

Kuya Pepe, may bagon domain na pala ako. Visit me and pls link me na rin if you have time.

http://luksongtinik.info

tina said...

oh ? grabe ha.. dami nun ah! hehe.

ilonggo ka? hehe

ZJ said...

Tuod gid man, Peps. Damo na natabo sina. So ako man, everytime magbutang ako picture sa blog, may watermark na kag sa tunga gid sang picture or somewhere prominent ang mark para bisan nano nila ka-grab, the mark will still be there.

Mari said...

Great idea! Yeah, you never know who's trying to steal your paintings; and these are original ones.

One of my blogger friend's entries were copied (about 4 months posts) and pasted in someone's blog. She found out by googling her own posts and there they were in someone else's blog. We had a concerted effort of flagging said blog until it was suspended. It never resurfaced after that.

Pepe said...

Wala ko man na gani ma-realise sadto Red, gusto ko lang gid mag-share sa inyo gani gin-post ko without protection.... =D

Pepe said...

Oi, check mo pala ulit Mel, nilagyan ko na ng proper watermakings yun day ago....! =D

Pepe said...

Hello Acey, oo nakakatakot ano....? Ganyan na ba ako ka-poppular ngayon ha-ha....! =D

Pepe said...

Sobra Tin, pano kaya nila natunton yung museum ko....! Kakatakot talaga....! Ah oo ilonggo ako, nakapunta ka na ba sa iloilo....? =D

Pepe said...

Grabe na gid ya ang kalibutan subong, wala na gid sang ginapatawad ang mga tawo nga ina no....? Posibli ayhan mga ma-grab man nila pati ang mga originals sa sulod sang pc mismo....? =D

Pepe said...

Kaya nga naghahanap din ako ngayon ng merong mga copies ko Mari, we never know kung meron na ngang nakakuha.... Anyways, mas-clear pa rin naman ang mga originals ko and lately i've done some retouchings to make sure that i still have a one and only copies of my works na iba pa rin kahit na dun sa mga na-grab kung sakali ng iba....! =D