Health scare....
Last week i was complaining to AB about a pain that i felt at my lower-right abdominal section na parang gumuguhit ang sakit.... I was thinking na baka appendix, matitigokok na yata ako....! For two days i was carrying that slicing pain down there, then finally i've decided to see a doctor para malaman ko kung ilang araw na lang ang nalalabi ko dito sa mundong makasalanan hu-hu....! =(
Nag-clockout ako ng maaga, pumunta ng medical clinic, pumila at nag-antay for few hours, then mga bandang five tinawag na ako sa room ng doktor.... Kinunan ng urine analysis at binigyan ng anti-inflammatory na gamot.... Muling naghintay ng result naman this time.... Nakakainip.... Ang hindi ko lang kasi gusto dun sa paghihintay ay yung suspense feeling na parang may naglalambitin na daga sa yung dibdib....! Mauuna pa yata akong aatakehin sa puso nito kesa dun sa pagdating nung results....!
Finally, tinawag ako ulit.... Naabutan ko yung doktor na naglilista ng mga shoppings este ng mga bawal at pwedeng kainin ko.... Inabot sa'kin sabi nya, yan lang ang pwede mong kaini iho.... Silip naman ako dun sa listahan at pilit pinipintahan na parang yung sa larong pusoy sa baraha.... Ang number one dun sa listahan...., ANO? BAWAL ANG KAPE....! Oh my gulay....! Kofey is my onli layp....! Hihimatayin yata ako....! Ops teka, walang kama at matigas ang bagsak ko sa sahig nito....! Sa bahay na lang mamaya....!
Ayun dun sa result nung urine analysis ay mataas daw ang acid ko sa katawan kaya na-irritate daw ang kidney ko dahil dun.... Parang tutuo naman kasi everytime na mag-toilet ako last weeks ay parang ang init ng liquid na lumalabas at parang napapaso ako sa loob na akala ko ay normal alang kasi panay ang exercise ko sa abs ko ngayon.... Bawas bilbil he-he....! Kaya tigil muna lahat ng acids sa pagkain.... Citrus fruits, pati na rin adobo sigurado, may suka yun di ba....? Plus gawan ng paraan ang mga nagbibigay stress sa buhay like my job halimbawa.... Dapat hinayhinay lang sa pagpapa-impress sa boss....
Masyado lang kasing naging stressing ang mga nakaraang buwan para sa akin kaya siguro lumakas din ang pumping ng acid ko sa katawan.... Anyways, okey na'ko ngayon, sunod nga lang dun sa bawal list ni dok.... Water therapy at saging diet.... Alam nyo ba na naka-ubos ako ng more than two dozen bananas sa loob lang ng linggo na'to....?! Baka tubuan na ako ng balahibo at buntot at tuluyan nang manirahan sa itaas ng puno nito pagkatapos ha-ha....! Talagang healthy diet ha Peng....? Bah, dapat lang para naman maabot ko ang target lifespan ko na 99 years old before tigokok....! =D
10 comments:
uy, mabuti at naagapan ang pagpunta mo sa doctor. ayam, kape. lol. panu na yan. kaya mo yan pepz. may control ka naman sa sarili.
Ako amu man gani. nasobrahan ko inom sang coke zero. everyday ka twice ko mag-inom. kainit bi. Ginsukot ko, kaduha na kagabi nabugtawan ko nga daw masuka ko. acid gid eh. gin-untatan ko anay inom coke tatlo na ni ka adlaw.
nami gid man mag water theraphy. try bala inom tubig after ka magpanglimog sa aga pagbugtaw mo. 20 mins before ka magkaon. nami gid man ang saging. paborito ko man na. hala ka. basi matubuan ka ikog dugay-dugay. ako bulbol pa lang sa kamut. hehehe
Naku, Pepe, buti na lang ganoon lang ang nangyayari sa iyo. Ngayon alam mo na ang mga di dapat mong kainin. Ilang saging ang naubos mo? Baka naman sumobra ang potasium mo niyan sa katawan ngayon. LOL Minsan kulang naman ako ng potasium at sumakit ang aking puson. Nag-blood test din ako. Sabi ng doktor uminom ng Gatorade instead of water to raise my level of potassium. Pagsobra naman masama din. The bottom line is...moderation.
I'm glad you're okay.
hala. sumunod ka nga sa utos ng doctor kuya.. mahirap na... :)
yaan mo, kapag ok ka na, makakapagkape ka na ulit.. ^_^
tc!
hi, kuya pepe!
i'm so sorry to learn all this.
i hope you'll be well again, very soon.
love and prayers.
p.s.: wag ka kasi magpastress masyado. hehe! =D
Nahidlaw na ko gani sa kape Red, oi sorry sa late reply kay wala gid time magpyutir abi.... Mo man na gani hambal ko, basi mahimo na ko amu bala sini ha-ha....! =D
Hi Mari....! Oo nga ano, ano kaya ang effect ng sobrang potasium sa katawan....? Ang alam ko, mayaman ang saging sa fiber kaya yun ang naisipan kong pang palit sa mga hindi k pwedeng kainin.... =D
No choice nga yata ako dun Karmi.... Anyways, parang nasanay na rin ako ngayon tapos nababawasan pa ang timbang ko he-he....! =D
Thanks Acey.... Okay na ako ngayon.... Kaya lang yung tungkol dun sa stress, yun yata ang pinakamahirap kong iwasan he-he....! Pero sinusubukan ko pa ring maging cool minsan....! =D
Peng, wag ka mag alala, masamang damo daw matagal matigok, LOL! Joke lang! I agree, yang stress ang pinaka malaking factor that contributes to ur disease kasi pag mataas stress, tataas yata acidity kaya nag ri react kidney mo. Keep that stress away and let Pepe play! Have a great day!
thank God ok ka na pepe, mahirap magkasakit lalo na malayo sa mga mahal sa buhay. tama ang sabi ni mari, moderation is the key o kaya naman, portion control.
ingats ka dyan, hane?
Post a Comment