Nandito na naman ako....!
Medyo late to'ng update ko ngayon for my weekend blogging dahil as usual busy nga ako.... Actually i was at work yesterday doing over-time that's why.... Hirap kasi ng nag-iisa sa bahay dahil walang pwedeng gumawa ng housework ko habang ako naman ay busy sa pagbu-blogging ha-ha....! So today medyo tinanghali ng gising tapos naglaba, nagsampay, nagluto, naglinis ng bahay, kumain, naligo, tapos nag-blogging....
Winter is already here at mahirap nang magtipid sa damit.... Kelan ba naman kasi naging mainit sa winter ha-ha....! Kaya eto, mukha na naman akong stuffed toy....! Nagulat pa ako kahapon ng maisipan kong timbangin ang sarili ko, lately kasi i was trying to lose weight, takot sa sakit sa puso....! It took me almost three months to lose a massive 9 kgs. na sa bilbil ko yata lahat nanggaling....! Madali raw magpataba pero mahirap magpapayat....
Anyways, kahapon nung sinubukan kong tingnan kung gaano na ako kabigat, kung nadagdagan ba o nabawasan ulit.... Nagulat ako dun sa rehestro ng timbang....! 99 kg....! Natawa na lang ako nung ma-realised ko ang problema.... Magsuot ka ba naman ng kuntudos sampong kilong damit dyan na parang bagong hain na suman, plus isang tasang kape sa kaliwang kamay na nakalimutan mong ilapag ay talaga nga namang aabot ka ng sandaang kilo Peng ha-ha....! Ay tangek....! =D
Eto nga pala ang isang sneak-peek dun sa pinagkaka-abalahan ko ngayon.... Halos mahiluhilo ako dito sa story na'to....! One minute ay normal sya tapos ang sumunod na mga istorya ay may kahalong SCI-FI na, ang bilis ng twist....! I hope the author of the book will not be angry with me for showing this.... I've double-marked it and removed the enlargement function for the protection of the illustration which already belongs to the author i'm working with in Thailand....
By the way, they have this organization there called the BANGKOK WRITERS GUILD, and they are inviting writers to join their group.... If you love writing, and currently living in Thailand, please visit their Bangkok Writers Guild website for more infos.... =D
Anyways, if the movie industries themselves have some sort of trailers running before the release of their works, why not post one illustration here of the book so people knows what to expect about the book whether they will like to buy it or not.... Pero ang main reason talaga nito, atin-atin lang to ha kaya tinagalog ko na ulit para hindi na maintindihan nung sumulat he-he....! Gusto ko lang talagang ipagyabang este, i-share pala sa inyo kasi proud ako dun sa mga ginuhit ko.... Hindi ko alam na meron pala akong ganitong talent ha-ha....! =D
Oi, meron pala akong natanggap na email lately.... This one came from a staff of a recording company in the US called Manila Jeepney.... Does anyone here know's about them....? Have you heard of the name....? They are obviously a pinoy group, sa pangalan pa lang nung company pinoy na pinoy na di ba....? Here's what they've written in the email.... Dapat sana dito may narrator na kunyari nagbabasa gaya dun sa "Maalaala mo kaya" ha-ha....! Ang sabi dito :
hello,
my name is jason. we are a filipino reggae label. your artwork is very beautiful !! i was wondering if you would be interested in designing a cover for our cd ?
onelove,
jason
:MANILA JEEPNEY:LIVE & LOVE SOUND DIMENSION
O tapos ka na bang magbasa....? Yan ang sabi nila.... Syempre proud din ako dahil pang international na pala ang mga guhit ko, galing-galing mo talaga Peng....! Kaya lang, after nung response ko ay hindi na sila muling nakasagot.... Maaring natakot sila dun sa mga pinagdadakdak ko sa email o baka may kasamang virus yung message ko at biglang nag-crash ang server nila he-he....! Anyways, kung sumulat man sila ulit at matuloy yung project mas okay, i'll be happy to work with fellow pinoys syempre.... Also, i'm proud to know na may mga pinoy sa ibang bansa na nagsisikap na itayo ang ating watawat (lalim nun a) dun kahit yung pandak lang na flag okay na, siguraduhin lang na wag baliktad....! Yun lang po.... Bitin kayo ano....?! =D
20 comments:
wow galing ni pepz. we proud of u!
Wow, Pepe, kung sikat ka na huwag kang makakalimut sa mga blogger friends mo ha? We, I'm sure all of us here, are proud of you. You know, a lot of people are now being discovered through the internet? It is the new way of searching for talents and whatever.
Keep up the good work, and you'll go a long way.
newbie in here.. but i always see ur comments in Red's site..
anw, yan ang frustration ko sa buhay.. ang mag drawing.. stickman lang ang alam ko.
(drawing lang, and pag gitara, and singing and dancing, and swimming, and playing piano.. konti lang naman frustrations ko sa buhay) lol.
wow, cool! go for it, kuya pepe!
Wow, Peps! Kita mo na, e di kadamo-damo na blessings ang gaabot sa imo. I hope there will be more, and as everyone said, maalala mo kaming mga blogger-friends mo pag naging mayaman at sikat ka na!
P.S. Ari ko gali sa Roxas subong :)
Thanks Red, sorry sa late reply ha kay busy gid abi, wala ko kapalapit di for few days.... =D
Yun ang hindi mangyayari Mari, thanks.... Oo nga, mahirap tuloy maghanap ng clients dahil madaming nakabuntot na kakompetensya....! =D
Hi Kris, oo nga napansin ko rin mga comments mo dun sa blog ni Red.... Ha-ha....! Tanggalin mo lang ang drawing dyan sa listahan mo pareho na tayo ng mga frustrations sa buhay....! Salamat sa comment....! =D
Thanks Acey....! Oi, nakalimutan yata kitang puntahan last weekend a.... Nakabisita ba ako sa blog mo last time....? =D
Salamat Zj....! Wow, tani mabasa ni lord ning gin-comment mo di para madugangan man ang clients ko he-he....! Oi Roxas City....? Te, busogbusog ka naman da sang mga seafoods e....! Namingot ko a he-he....! Mapauli man ko da soon....! =D
add mo na rin ice skating... pati rollerblading sa mga frustrations ko...
lol.
in-add nga pala kita.. hope ok lang.. :)
wow! parang nag-boost ang carrier mo dyan kuya ah! kelan ka ba makakadalaw ng Pinas para makapag pa autograph ako sayo. hihihi
Daan ulet! God bless u always!
amazing! may offer huh... you wil go far i am sure. hehe
pepe,
thanks for giving us a glimpse of your work! baka maging best seller 'yan... huwag makalimot! :)
Okay lang Kris, add na rin kita.... =D
Ha-ha, malapit na Tin....! Hindi lang autograph, may kasamang drawing pa he-he....! =D
Goodie weekend Honey....! =D
Thanks Tina.... Sana nga....! =D
May kasunod pa yan Nance.... Dalawa raw yung ipapagawa nya sa'kin.... Excited tuloy akong malaman kung ano ang story nun....! =D
Post a Comment