___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, July 13, 2008

Houston, the Pope have landed....!



Got this Sharing the love badge from Redlan last week, salamat dito Red.... And since i don't have much time to hop-around to give and inform friends about this, i would like to share this to everyone instead who are visiting and willing to share this badge to some of their blog-friends as well.... As usual, palaging busy pa rin po ako kaya pasensya na kung hindi ako masyadong nakakapag-update ng mga entries ngayon.... . . .


By the way, to those who doesn't know yet, here's the latest talk of the town ngayon dito, the Pope Benedict XVI have already arrived here in downunder today few hours ago sakay ng Boeing 777 na papal-plane for the Catholic World Youth Day Celebrations that i think will open on tuesday.... Madami nang mga pilgrims ang dumating last week pa from different corners of the globe.... Teka, may corners ba ang mundo, bilog to di ba....? Mukhang inagahan lang muna nung iba para makapaggala sila ng kunti around downunder.... I was watching his arrival on tv today at nakita ko nga sya at andalidali ko rin sya na-notice kaagad dahil sya lang ang may suot na white robe dun sa crowd with matching nililipadlipad pa ng hangin ang cape he-he....! Kasama ang mga goons nya na naglakad patungo sa mga nakaparadang puting kotseng maghahatid sa kanya sa official papal-home kung san sya temporariling titira for the next weeks na stay nya dito....
Nagtataka lang ako kung bakit ni wala man lang masyadong hukos-pukos at ano mang seremonya ang pagdating nya dito.... Expected ko kasi may mga Aboriginal Dancing at kung anong cultural displays muna, hagis ng Bomerang dyan ay tugtog ng Didgeridoo dito, pero basta na lang sya kinaladkad nung mga men in black at mga mamang kalbong may platitong kulay pink sa ulo dun sa kotse pagkatapos ng kumustahan from the australian officials and priests at vaaroooom! lakad kaagad ang kotse nya....! At ang nakakatawa pa dun ay ang mga mukha nung naghintay ng matagal dun sa airport sa pagdating nya kanina na parang naengkanto at nagtataka sa sobrang bilis ng pangyayari ha-ha....! Alam ko naman na for security reasons lahat yun.... Parang yung scene sa Charlie Chaplin movies na naghahabulan, kaya sabi ko nga kulang na lang lagyan ng background music na kagaya dun sa Charlie Chaplin at ganung-ganun talaga ang labas ng scene kanina ha-ha....!


So for the next few days ay siguradong expected na ang mabagal na daloy ng traffic dahil redirected lahat ng mga routes na papuntang sydney, hopefully wag lang masyadong maapektuhan ang daan ko papuntang trabaho.... Dapat kasi nag-declare na lang sila ng public holiday na katulad nung last Apec Summit dito para naman makapag-blogging ulit ako.... Medyo matagaltagal kasi tong World Youth Day kaya siguro hindi nila ginawang public holiday....


Medyo tinganghali pala ako ng gising kanina.... May pinuntahan kasi akong birthday party kagabi at may nakilala akong mga greek nationals dun na bisita rin at nagbukas sila ng dalawang boteng red wine na napakatamis, singtamis ng honey kaya eto, medyo napalakas ako ng inom ha-ha....! Hindi ko lang maalala ang pangalan nun kaya kanina ko pa pilit niri-recall, balak ko kasing hanapin sa liquor shop minsan para ipatikim sa tatay ko next na balik ko sa pinas.... Sabi nung isang grego, mahal daw ang wine na yun, almost 50 dollars daw isang bote tsk tsk....! Isang pares na sapatos na yun a....! Subukan ko ngang hanapin minsan baka nagyayabang lang kasi gawang bansa daw nila yung wine na yun....


Anyway, sana maging successful ang celebrations ng World Youth Day at wag sanang masyadong maggagala si Pope Benedict sa bush dahil madami kaming dangerous wild animals dito sa downunder tulad ng Koala at Kangaroo, mga man-eating beasts he-he....! Joke lang....! =D

15 comments:

Nance said...

nandyan na pala si Pope Benedict, punta din sya dito sa NY a couple of months ago (yata). daming tao ang umattend sa mass nya ... hanggang tv na rin lang ako.

RedLan said...

Nakita ko rin yan sa tv dito sa pinas na andiyan si pope benedict for world youth day. ayteh, nagtagalog ko ya. tani holiday lang da. crowded na da ang australia e.

nahubog ka gid gle. red wine is good for the heart.

Mari said...

Baka naman, Peps, na si Pope Ben nagmamadali kasi kelangan na siyang magpunta sa banyo...para maghugas ng kamay. LOL Siguro ang ceremony ay gagawin na sa Youth Day Celebration kaya ganoon.

Pepe said...

Ako nga rin Nance hanggang tv na lang ha-ha....! Pero marami sa mga pilgrims from other countries ang nandito malapit lang sa city namin naka-stay, nakita ko sila kanina papasok sa isang church few kilometers away on my way home.... Baka may mga from US dun sa group.... =D

Pepe said...

Huo gani Red, ako man kis-a ga tinagalog sa blog mo a he-he....! Good for the heart man kuno pero hambal man sang iban can cause prostate cancer kun sobra nga pag-inom.... =D

Pepe said...

Oo nga ano Mari, hindi ko naisip yun a ha-ha....! Sa tuesday yata ang start ng ceremonies, hindi ko masyadong napansin ang mga schedules kasi hindi naman ako makakalapit dun dahil dapat daw magpalista ng masmaaga ang mga a-attend na locals.... =D

Four-eyed-missy said...

Tama ka, mag-ingat si Pope Benedict sa mga wild animals. Pati na sa mga boomerang - masakit din yan ha!
Ingat, Peps.

teacher Honey's ESL said...

Daan ulet! Have a great weekend! musta? nde aq makapag coment using my WWP account hehehe - diary of honey

KRIS JASPER said...

baka naman PORT wine yun? yan kc fave ko. yun, matamis din (depende sa brand).. piliin mo yung Taylors or Cockburn's

tina said...

haha natawa ako sa platitong pink. hehehe. nice one. sorry di ako masyado nakadalaw. gaya sa iyo.. busy rin ang buhay2x hehe. have a nice day lagi.

Marites said...

super dami daw noypi diyan sa pagbisita ni Pope. may tag pala ako sa iyo baka gusto mong gawain:)

http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/07/7-facts-about-me.html

Pepe said...

Joke ko lang yun Zj, mababait mga animals nila dito except the crocodiles lang he-he....! The koalas are the cutest of all, tani makita mo man sa personal....! =D

Pepe said...

Thanks Kris, hahanapin ko brand na yan next time na mapapasyal ako sa tindahan ng alak he-he....! =D

Pepe said...

Okay lang yun Tin, sensya na rin kung hindi ako masyadong napasyal dun sa blog mo.... =D

Pepe said...

Oi, tutuo yun Miss Island, san mo nalaman ang news he-he....! Ibig sabihin nun most religious tayong nasyon kumpara sa iba he-he....! Parang rockstar nga raw sa dami ng dumalo si Pope e he-he....! Sa tv lang kasi ako naka-monitor nun.... =D