___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, August 03, 2008

Muntik na matigokok....


For the very first time in my life, i've experienced being involved in a car crash similar to that picture inset, and i'm telling you that it was not a pleasant experience at all, sobrang nakakatakot talaga....! Now i know how those people who had car accidents, have died or survived must have felt seconds before the impact.... At baka akala nyo rin siguro ay multo ko na lang tong nagbu-blogging ngayon dito, okay lang po ako, si Pepe pa rin po to in flesh he-he....! Kapag masamang damo raw, matagal mamatay kaya eto buhay na buhay pa rin po ako, matibay, at matagal mamatay he-he....!


Anyway, sa pagpapatuloy ko dito sa aking munting dula.... Last tuesday, July 29 of 2008, 5:55 ng hapon, ang hindi ko makalimutang araw.... Hindi sya ordinaryong araw kasi bumaba nun ang company owner para magpagawa ng prototype sa amin ni Cam (my vietnamese friend) kaya nag-OT kaming pareho ng mga kalahating oras.... He gave me a lift that day so i have to stay back with him as well 'til it's all done.... Hindi natapos pinapagawa sa amin kaya sabi nung owner, next day na lang daw namin tapusin yun....


Normally pagsumasakay ako sa kotse ni Cam, nagpapatugtog sya palagi ng music tapos sinasabayan namin ng kantahan at biruan, pero iba tong araw na'to.... Hindi sya nagsalang ng cd sa player, at wala rin kaming imikan habang nagbibyahe.... From work to my place kasi, takes around 15 to 20 minutes drive.... 15 kilometers distance, at sa 60 km/hr na takbo ng kotse ay talagang lumilipat at napakabilis namin.... Hindi kasi sanay si Cam magpatakbo ng mabagal, tapos kailangan nya pa palang abutang bukas ang restaurant na kinakainan nya ng dinner araw-araw....


Yun na nga, paspas takbo namin.... Singit dito, over-take dun, ng biglang tumigil ang mga kotse sa harap kaya wala nang time para magpreno pa kaya heto ngayon ang kotseng sinasakyan namin na parang nakai-slow motion pa sa pakiramdam ko papalapit sa likuran nung Volkswagen Beetle na dilaw sa harapan, at tanging pulang ilaw lang galing sa breaklight nung kotse sa harap ang naaalala ko dun sa initial approach at biglang napakalakas na SKREETCHH CRASHHH....!!!! Buti na lang kamo at naka-seatbelt kaming pareho dahil kung hindi ay humampas talaga kami dun sa salamin sa harap.... At sa laki ko ba namang to ay isang dangkal yata talaga ang ini-angat ng wetpu ko mula dun sa pagkaupo ko sa seat nung kotse bago ako hinatak muli nung seatbelt pabalik sa upuan....! At nakapagtatakang hindi rin gumana ang mga airbags nya....! Kaya kung ako kayo, wag na wag kayong mag-trust masyado na ililigtas kayo nung airbags.... Ingat talaga sa pagmamaneho ang magliligtas sa'yo at hindi ang safety features nung cars.... Advice ko yan, next time may bayad na he-he....!


Ganun pala feeling nun.... Wala ka halos iniisip, talagang blanko ang utak ko seconds before the impact at frozen lang sa upuan ko....! In split seconds after nung banggaan, nakalabas kami kaagad dun sa wreckage pero may second danger pa pala ulet....! Kailangan pa pala naming umalis kaagad dun sa gitna ng highway to the side of the road kasi baka hindi mapansin nung mga fast on-coming traffic ang banggaan at banggain ulit ang mga ito....! Pwede pala kaming maipit at mamatay dun sa gitna nung mga kotse kaya agad kong pinarahan ang padating na malaking truck dahil nakita kong nakatitig sa amin yung mamang driver at binagalan nya rin ang takbo nung truck.... In short, nakaabot kami safely dun sa safety zone, saka pa lang ako nakahinga ng maluwag hayyyy....!


Everything happened like a scene in a movie talaga....! Sino ba naman ang mag-aakalang makaka-survive kami dun sa 60 km/hr na car crash without a single scratch in our body....?! Nayugyog yata at naging halu-halu mga brain cells ko dun a....! Kaya ngayon, off si Cam for 2 weeks dahil pinapaayos nya kotse nya, plus babayaran ng insurance nya yung dalawang kotse sa harap na parehong wasak ang likuran at ride-off na sigurado yung Volkswagen na binangga namin dahil nasa likuran ang engine nun kaya siguradong wasak na wasak at hindi na pwedeng i-repair kaya dapat palitan na lang ng bago nung insurance company ni Cam....


Tinikitan pa nung pulis na dumating si Cam for $350, at bawas ng 3 points ang license nya for negligence.... Plus, babayaran nya rin pala yung service nung nag-respond na mga police for $1000 nakuw sakit sa ulo....! All in all, milyon in terms of peso ang value ng split second na yun....! Para tuloy binagsakan ng katakot-takot na hollow blocks ang mukha nung best plens ko doon....! Hindi ko rin tuloy napansin na masakit pala tong batok at right side ko, kaya sabi ko dun sa pulis nung tinanong kung nasaktan raw ba kami, ang sabi ko, "we're okay" at pabirong dagdag ko pa nga na, "probably we're made of steel officer".... Natawa lang yung pulis....! Dapat pala nag-claim din ako ng third party insurance dun para sa batok ko a he-he....! Joks lang, kawawa naman plens ko....! ....! =D


Anyway, importante buhay na buhay kami di ba....? Ang pera madaling kitain, pero ang buhay ay talagang iisa lang, pagtinamaan ka at natigokok ay yun na yun sa ayaw mo man o sa gusto....! One thing for sure, i'm still not ready to die yet, because probably i still have a lot of things to do in my life kaya ako nakaligtas dun.... I know that i'll get to that point one day, but at the moment not yet, i'm very sure of that he-he....! Nagka-trauma pa yata ako dun sa accident na yun a, kasi mula nung nangyari yun, everytime na makakakita ako ng breaklight ngayon ay nagugulat ako at napapapreno tong kanang paa ko ha-ha....! =D


9 comments:

RedLan said...

Grabe ka pepz. i can imagine kung ano talaga ang nangyari. ay wala preno ang bulok ko nga tagalog. na-imagine ko ang natabo gid sa ulihi na lang nga paragraph mo. grabe no asta subong siguro ma-picture out mo pa ang natabo. mayo lang wala ka naano. pakot ko gid ginbatyag mo sang ulihi ang sakit sa lawas mo. grabe na pulis nyo no? may bayad gid. indi public service. baw mabal-an na sang pulis ta di basi madamu da pinoy nga pulis. joke.

wala na ya ang masamang damu , matagal mamatay. damu ka pa purpose sa kabuhi mo amu na ya ang rason kag mayo ka nga tawo.

halong lang permi.

Pepe said...

Thanks Red, kulbaan ko gani kay kun ano gali natabo sa akon wala gid hinalung-ong ang mga pamilya ko da sa iloilo kag si AB....! Sa amon di abi ordinaryo lang ya ang madasig nga pagpadalagan, indi pareho da sa pilipinas nga makasengkwenta ka gani nagalupad na imo salakyan no....? Before gani nakapadalagan ako 110 km/hr sang sa motorway pa ko naga-agi pakadto sa work....! =D

Mari said...

Naku, Pepe, buti na lang hindi kayo nasaktan ng serious. I know how you felt. I was in a car accident myself, a few years ago. I was the one driving, and I hit a van with my small car...geez. I was shaken. My car was declared "total loss." Which means unrepairable...kaya pinalitan na lang ng isang bulok din. He he he.

At any rate, I'm glad you and your friend Cam are alright. Yes, money can be replaced, but not life.

Ishna Probinsyana said...

hala! thank goodness you're still here and blogging! haha. :)) seriously, buti na lang at okay kayo. sabi nung friend ko na nakaexperience na din ng car crash, sobrang hindi pa din daw najujustify ng movie yung car accidents, kase its even worse daw.

ingat na lang palagi!

Nance said...

Somebody up there was watching both of you, peps. Thank God you are both ok. I feel bad for your friend, dami nyang babayaran.

Pepe said...

Thanks Mari, ikaw din buti hindi ka rin nasaktan dun sa accident mo nun.... We should be more careful from now on.... =D

Pepe said...

Hello Ishna, ha-ha....! Oo, talagang iba nga in real life.... Ngayon alam ko na, pero ayoko nang maulit ha-ha....! =D

Pepe said...

Thanks Nance, i think you're right kasi hindi talaga ako makapaniwalang naka-survive kami sa lakas na yun ng pag-crash....


Oo, naawa nga din ako dun sa friend ko kasi pwera pa dun sa gastos nya sa mga binangga, brand new rin yung car nya, last year nya lang binili for $20,000 pa naman yun.... Sayang talaga....! =D

Arianne The Bookworm said...

nakakatrauma nga yun.. i'm glad you and cam are okay.. ingat po!