___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, October 12, 2008

5 ton of TLC....

This is a blogsite-espionage ha-ha....! Wala dapat akong oras na mag-blogging ngayong araw na to kaya lang may ikinompose pala akong pang entry dito last week kaya ipu-post ko na, nadaan na rin lang ako dito.... Last time naalala nyong nag-post ako about the artist elephant....? Well, here's another one about the elephant ulit, antalino pala ng animal na to ano daming alam gawin.... Marunong kayang magluto champurado to....? Napulot ko lang ulit sa Utube, nakakatuwa medyo bizarre kaya gusto kong i-share sa lahat.... Sana magustuhan nyo.... =D


Hoy mamang kano, dun nyo na lang kaya dalhin sa iraq yang tapang nyo at baka napilitan lang kayong magyabang dahil madaming chicks....! Buhay nyo na nakatihaya este nakataya dyan ano....! Dyan nyo pa naisipang magpakamatay sa marami kayong audience, daming makakapanood ng pagluwa ng mga mata at paglawit ng dila nyo dyan mamaya....!


Panoorin nyo to.... Would you trust this gentle giant to give you the most ultimate walastik massage experience you've ever tried in your entire life with those massive tree trunk-like legs....? Ito na yata ang tinatawag nilang bone shattering massage, e talaga namang shattered nga lahat ng kasukasuan at himahimaymay ng mga buto mo sa bigat ba naman nito ano....! Ewan ko lang sa inyo basta ako ayoko pang magkadurogdurog ang mga buto at matigokok ng wala sa panahon he-he....! Pano kung matapilok sya at ma-out of balance tapos buong limang toneladang bigat nya ang babagsak at dadagan dito sa very sensitive (makunat kamo) kung katawan nakuw....! Sakit nun ha....! Sa pangalan pa lang na elephant ay tunog mabigat na, ang madaganan pa kaya, pisa lahat ng mga alaga kong bulate dyan sigurado ha-ha....! =D

9 comments:

Bry said...

nakakatakot ang elephant... isipin ko pa lang sumakay nakakatakot na. hehehe...

yes im back kuya pepe...

chill lang tau!

Nance said...

Peps,
may friend ako dito na nagbakasyon sa Thailand last summer. nag-volunteer syang magpa-massage, but after she got here and was viewing the vid, naku ang takot nya, sabi, "omg,what was i thinking? that elephant could have crushed me and there was nothing i could do!"

oh yes, i think you will enjoy visiting my other blog
here
i haven't updated my art blog in a while. salamat sa visit ha?

Mari said...

Ay sus! No way I'm going to have a massage done by an elephant. Di na lang bale yan, mahirap na talaga.

Pepe said...

Welcome back Bry....! Ako rin naging madalang na ang pagbu-blogging kaya hindi ko tuloy napansin na nawala ka.... Anyways, ingatz palagi....! =D

Pepe said...

Naku tutuo yan Nance, you can take the wild animals out of the jungle daw, but you cannot take the jungle out of the wild animals.... Oi, sige bibisitahin ko yan mamaya....! ingatz....! =D

Pepe said...

Hello Mari, gusto ko nga sanang itanong kung may elephant ba silang marunong magluto ng champorado at dun na lang ako he-he....! =D

REDLAN said...

mayo magmassage ang elepante ba. mas barato na guro ang bayad kay sa magpa-spa ka. hehe.

thanks for sharing another smart elephant pepz!

RJ said...

hahaha, ayoko sa elepante! Hadlok ko.

Jowell said...

Sa Thailand ba to? Kasi parang I've watched something like this somewhere. Mala-FEAR FACTOR ang massage na to. LOL. Nakakatakot nga yan. Ayoko magpamasahe sa Elephant.