___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Wednesday, December 20, 2006

Christmas Party

Office christmas party namin last monday, busog na naman si pepe...! Magha-harbour-jetboat riding sila pero hindi ako sumama kasi hindi ako marunong lumangoy hu-hu! Joke only he-he...


Nag-ikot pa ang secretarya sa production floor the day before at pinapiperma ang lahat daw ng gustong sumama dun sa boatriding ng insurance form, just incase that you die daw sabay halakhak na parang nang-aasar pa...! (Akala nya cute sya) Ayaw ko lang kasi ang feeling na mababasa ako ng tubig dagat early in the morning tapos may lunch pa after that so magiging malagkit ako buong araw...!


May plano pa naman akong humabhab ng husto...! Nilista ko pa nga kong ano-ano ang mga o-orderin ko kasi ganyan ang x-mas party namin palagi may kunting kagalantehan at sky is the limit pa daw...


Tiningnan ko ang menu book... King crab ang balak kong lantakan, di ko pa kasi nasubukan kung ano lasa nun... Gulat pa nga ako sa presyo kasi mahal pala...! Pero hindi ko nakalimutan ang sabi nilang sky is the limit kaya pikitmata kong itinuro sa waiter sabay dasal na sana wag lumingon ang boss ko o kaya wag i-recite ng waiter ang order ko...


Alam nyo bang isang King crab lang ay kayang busogin ang mga sampo ka tao? Ang mature na King crab ay may bigat na 12-20 lbs. o 6-10 kilos, at pwedeng lumaki pa...! Ang sipit ng crab na ito kapag-fully grown ay mas malaki pa sa palad ng adult na tao... Medyo na-guilty pa nga ako nun ng kunti kasi aabot daw ng mga 15 years ayun dun sa waiters bago lumaki ng ganon ang King crab na ito... Nakakapanghinayang ano...?



At nagbalik pa ang waiter hawakhawak ang isang plastic-bag na may lamang crab na pinsan pa yata ni godzilla na maladambuhala rin sa laki at parang nagmamakaawang nakatingin pa yata sa akin...! Itinaas pa ni loko ang plastic-bag na ala Andres Bonifacio ng katipunan...! Lalo tuloy akong na-guilty at butas din ang bulsa ng ngayon ay napatingin ding boss ko... Hu-hu-hu...! Buti na lang hindi nya sinabing, " You're fired king-kong!" Patay malisya muna si pepe... Hindi ako ang nag-order nyan huh...! Pero sa sobrang gutom ko yata ay nakalimutan ko na ang mga realizations na yon... Nagpakabusog na lang si pepe...



P.S... Nakita ko ang price ng King crab, AUD$ 700.00! Bagsak ang panga ni pepe...! Isang buwang suweldo na ni Mayor Alfredo Lim ang binanatan ko sa loob lang ng kalahating oras...! Kaya pala naglasing ng husto ang boss ko... Lalo pa at napagaya rin ang iba naming katrabaho...! umorder din ng dambuhala ang mga loko! Hu-hu-hu! Makatingin nga sa job_search.com mamaya... Patay si pepe nito...! Mag-apply kaya akong waiter dito...!



Pero nung umaga na yun bago ang lunch, habang nagpapakasawa sila sa pag-enjoy dun sa boatride nila ako naman ay nanunuod lang ng tv kasi mga 1 o' clock pa raw yong lunch, gutom na gutom pa naman ako kasi hindi ako masyadong nag dinner the night before tapos wala din akong breakfast... Talagang pinaghandaan ang pagkikipaglaban sa King crab...! Mga bandang 12:30 ng tanghali eto na si pepe kasama ang isang officemate na takot din sa boatriding, naglalakad sa may chinatown sa city... Masyado palang malaki ang lugar na yun at ilang beses yata kaming naligaw... 401, 400, 399... San kaya ang restaurant na yun...?


Ewan ko ba pero, everytime na naglalakad ako dun sa chinatown ay parang at home ako... Puro itim ang buhok ng mga naglalakad at puro asyano, kaya naman pakiramdam ko ay na-belong ba ako sa lugar at walang sino mang pipintas sa kulay ko at lahi... At last nakita ko na rin ang restaurant... Naka-ilang kilometro kaya kami galing train station...?

Hindi nga ako nagkamali kasi puro basa silang lahat pati na ang mga boss at may-ari ng kompanya... Bah, maykasama pa silang salbabida a...! (Ang pay master namin na ubod ng taba pero mabait sya...)





Ayos tsibugan na...! Prepare your listahan bata...! Ganun pala ang tamang table setting ng mga chinese... Kung sa western countries ay maraming kutsara, tinidor, knives at wine-glasses, sa chinese naman ay parang nasa tea party ka sa alice in wonderland dahil sa dami ng mula sa pinakamaliliit na bowls hanggang sa pinakamalaki... At wag na wag kang umorder ng kape dahil isang oras yata bago dumating ang order ko na kape at sa labas pa yata ng chinatown naghanap ang kusenero nila...!

Halata ding nasindak ang waiter ng marinig ang order ko na kape... Sabi pa nya, "coffee?!" Ang sabi ko naman ulit, "yes coffee!" Sabay tapon ng mala-Piolong ngiti. Bahagya pang tumunog ang hawakhawak na mga platot kobyertos dahil nanginig yata ang mga kamay ni loko sa sindak...! Bakit kaya ayaw na ayaw ng mga chinese sa kape...? Tuloy parang mukha silang inaantok at hindi halos maidilat ng mabuti ang mga mata nila.. Jok onli ha baka makarate ako ni Bruce Lee...!







Pero okay naman ang services nila at binigyan pa nga kami ng advice na hindi good for two ang King crab kundi good for ten... Napahiya tuloy ang mga matatakaw sa pagkain...! Tsarap!... Thanks Bert! (Pangalan ng company owner)







I have a good recipe for any kind of crabs. Kakailanganin lang ang mga sangkap tulad ng:









  • Large or medium size crabs


  • 1pirasong Itlog


  • 1 tangkay na pechay


  • 2-3 pirasong mushrooms


  • 2 pirasong talong


  • Bawang


  • Luya


  • Sibuyas


  • 1/2 tasang maliliit na hiwa ng dahong sibuyas (shalott)


  • 1 kutsarang soy sauce


  • 1 kutsaritang asukal (sugar)


  • 1 kutsara cornstarch


  • 1 cup arina (flour)


  • Paminta (black pepper)



Paraan ng pagluto:









  1. Hugasang mabuti ang mga crabs.


  2. Patuyuin ito ng panandalian.


  3. Tanggaling ang mga paa at sipit (claws) nito.


  4. Paghatihatiin ang crab sa maliliit na piraso.


  5. Hatiin sa dalawa ang bawat sipit nito at basagin para madaling himayin.


  6. Ihanda ang frying-pan na may mainit na mantika.


  7. Isa-isang isawsaw sa itlog ang bawat piraso ng crab at pagulungin sa arina bago i-fry ng panandalian para dumikit at magsettle ang arina.


  8. Maghiwa ng bawang, sibuyas, at luya at igisa ang mga ito sa mantikang pinagprituhan sa crab.


  9. Isama ang pritong crab sa ginisa at haluhaluin bago lagyan ng dalawang tasang tubig.


  10. Timplahin ang niluluto ayun sa inyong panlasa at maglagay ng katamtamang amount ng paminta. (black pepper)


  11. Maglagay din ng isang kutsarang soy sauce at isang kutsaritang asukal.


  12. Hugasan ang mga talong at hatiin sa apat kada isa nito ng medyo pahaba.


  13. Hugasang mabuti ang pechay at pagpirapirasuhin ng buo ang mga dahon bago ilagay kasama ng ibang sangkap. Pwede ring i-fry muna ng mga 5 na sigundo ang pechay at talong para manatili ang lutong ng mga ito.


  14. Linisin ang mushrooms sa pagpunas lang dito at huwag na hwag nyong huhugasan para hindi mag-absorb ng tubig at mawala ang lasa nito. Ang mushroom ay kayang mag-absorb ng tubig hanggang sa 70% ng laki nito.


  15. Hiwain ng malalaki ang mga mushrooms at idagdag sa niluluto.


  16. Magtunaw ng isang kutsarang cornstarch sa kalahating tasa ng malamig na tubig at ihalo ito sa niluluto para lumapot ang sabaw.


  17. Budburan ng hiniwang shallot o dahong sibuyas at pwede nang i-serve ang inyong crab.


  18. Pwedeng magdagdag ng sili kung gusto mong maanghang ito.



Ayan, luto na ang inyong crab na hindi ko alam ang pangalan pero sigurado akong magugustuhan nyo lalo na pag may mainit-init na kanin nakuw! Pwede siguro natin tawagin itong, Crab Ala Pepe-A okay ba... Takam! Bonappetito tita...!

No comments: