Mga nakatagong private...
Adik daw ako sa 80's and 90's sabi ng mga my plens ko doon... Nakita kasi nila ang VERY VERY HUGE collections ko ng favorite songs na umabot na yata ng dalawang daang cd's...! At puro selections pa ang lahat ng yan... Mapa-opm man o english favorites of the 1980's-90's ay 8 out of 10 chances meron sa collections ko... At wala ni isa man dyan na hindi ko gusto, every next song pagpinatugtug ko ay nanginginig at nagku-collapse ako kaya tuloy puro bukol na ang ulo ko sa kaka-collapse everytime...
Tanong nga ng mga my plens din dito sa downunder, saan ko daw nabili ang mga collections ko na ngayon lang daw nila narinig... Ano nga ba naman ang madadampot mo kung nasa downunder kundi yun lang nabitawan ng mga taga up-over...! Yun nga puruntong ni Dolpy hindi pa yata naging uso dito kahit kelan...
Pero hindi lang basta pag-collect and kailangan ng mga music cd's natin para tumagal ang buhay nito...
Kailangan din ang kunting sacrifice sa paglinis at tamang pag-alaga ng mga ito... Wag nyong gayahin ang stocking method dyan sa naka-inset na picture. Yan ang tinatawag na DEVALUATION METHOD o pagtanggal ng kalidad ng inyong mga cd's... Isipin nyo na lang kung papano nyo inumpisahan ito mula sa isa lang at kung magkano na ang nagastos nyo sa mga ito...
Para sa akin kasi ang 1980-1990 ang may pinakatutuong mellodies at pinakasarap to the bones (Naks! Parang mak-do a!) na lyrics compared sa music ngayon... Sino ba naman ang hindi magku-collapse sa mga bandang katulad ng: Air Supply, Starlight Express, Modern Talking, REO Speedwagon, Survivors, England Dan & John Ford Coley, Atlantic Starr, Klymaxx... at marami pa. At mga artist na tulad nila: Barry Manilow, Rex Smith, Kenny Rankin, David Gates, El Debarge, Kenny Loggins... at iba pa...
Kung tawagin ko nga ang mga collections ko ay mga emortals ko kasi parang walang kamatayan at walang kasawasawa ko itong pinakikinggan... Malayong malayo sa mga tugtugin ngayon na isang linggo mo palang napakinggan ay sawa ka na kaagad...! Sino ba naman ang hindi magsasawa sa, yow! yow!da da driga dya ha haaa!#$%*$# HOUSE! yes! yo! da dra ! $#@ #%$$ ba ba DOGS!... Ano raw!!... umpisa at saka dulo lang yata ang naintindihan ko dun a! Panay mura pa ng mura...! Kung yun ang gamitin mo sa pagharana sa iniirog mo noon, hindi lang isang balde na ihi ang matitikman mo, may matching isang platong ebak pa...!
Nayanig yata ang buong nayon sa nilantakan mong RAP music, bagsakan lahat ng bunga ng niyog mula sa puno... Buti nalang walang casualties...!
No comments:
Post a Comment