___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Saturday, December 16, 2006

Online Lottery FRAUDS!

Mag-ingat mga my plens ko dyan... Marami ngayon ang nanloloko at mga naloko na ng Free Lotteries programs na ito... Ang scams na ito ay masyadong organized at mahirap ma-detect dahil sa masyadong convincing ang dating ng mga notice forms nila... Hindi nyo naitanong pero ako rin ay muntik nang mabiktima nito nitong linggo lang na ito... Sino ba naman ang makapagsabing fraud pala ang notice forms nila e talagang daig pa yata si Miriam S. dun sa mga binanatang inglis!


Pati rin ang mga opisyal na naka perma at mga naka-link daw sa kanilang mga ahensya at bangko ay wala talagang lamat na pwedeng mapagdudahan... Susubukan kang ikumbinsi ng mga ito na ito ay genuine at kinakailangan mong makipagkontak sa isang taong kunyari ay manager ng bangko sa englatera para sa karagdagang instructions kung paano mo mai-wire ang winning money mo papasok sa private bank account mo, so kailanganin ang personal info at bank account numbers mo dyan...


Minsan naman ang style nila ay sisingilin ka muna ng katako takot na maliliit na transaction fees, at dahil nga huh mayaman na ako ngayon...! Galante ako, chicken feed na lang ang mga yan so babayaran mo ngayon.


Pagkatapos na makuha na nila ang kailangan nilang cash ay biglang, plok! plok! (Parang yung tunog na nangaling dun sa toilet kanina nung nandun si tatang a)


Pagnagka-bread na sila sa tulong ng generousity mo (In other words, katangahan) disapir-exit na sila na parang masamang panaginip dahil sa binanatan mo ang dalawang bandihadong kanin at napadami tuloy ang kain mo kagabi... Adios bentesingko sentimos...!


Sa mga ganitong fraud daw kalimitang mapapansin ang maling grammar at maling spelling (Parang ako) na hindi na halos mapansin dahil sa naghalong pawis, laway, luha at sipon ng nakatanggap bunga ng sobrang katuwaan. Ay wan! Ay wan! Ay Waaaa-haaa-haaan-nanay ko poooo! (Iwan ko ba sayo, kanina ka pa talon ng talon dyan hampasin kaya kita nitong dyaryong binabasa ko ng matigil ka na)


Ikaw ba naman ang padalhan ng sulat na nanalo ka ng isang milyong euro o kaya pounds, di ka kaya magtatatalon buong maghapon...! Magkano na sa piso natin yun, teka ha matikmatik muna ako 1,000,000 * 12345 - 6789 / 9876 + 54321 = P 96,279,991.41... O di ba galing-galing ko no? 96 million pesos! Nakuw! Kahit mamatay na ang masungit kong neighbor pagkatapos...!


Biro nyo yan madlang people, kahit wag na kayong magtrabaho at pakapekape na lang ay di nyo na kayang ubusin ito... Pati na din ang second at third generations nyo ay allowed ng maging tamad ngayon. Matikmatik uli ako ha, 96,279,991.41 / 365 = P 263,780.80... Ayan galing ko talaga...! Yan ang dapat nyong gastahin araw-araw sa loob ng isang taon para lang maubos nyo ito. Pwede kayong bumili ng tsekot araw-araw, may sukli pa kayong pang tsekolet at pang karaoke...!


Halimbawang may mga 10yrs. na lang ang itatagal nyo sa balat ng lupang hinirang na ito bago kayo matigokok... urhm!.. Tatang naman wag kayong sumimangot muna dyan at lalo kayong pumapanget... Iksampel lang ito kayo naman masyadong balat luya este sibuyas pala...!


Kung halimbawa10yrs. na lang ang nalalabi sa holiday nyo, kailangan nyo pa ring magwaldas ng P 26,378.07 pesos sa everyday battery nyo... Sarap naman...! Ano kayang pwedeng bilhin ng halaga na yan...? Ah alam ko na...! 26,378 na text messages! (Sabay pitik pa ng kamay sa ere) Galing ko talaga! Ay wan! Ay wan! He-he-he (Tuwang-tuwa pa si tangek)

No comments: