Kung nabasa nyo ang post ko tungkol sa Noah's Ark, ito naman ay ang anti-Noah's Ark na version nun...Gusto ko lang hatiin ang mga theories and speculations tungkol dito sa maliliit na portions kung talaga bang may mga basihan at karapatan ang pagsang-ayon o kaya ang mga pag-oppose dito... Kung paiiralin ko ang aking mga sceptical perspective tungkol dito ay ito ang opinion ko... Kung ang Noah's Ark ay malaki, gaano kaya ito kalaki...? Ito ba ay kasing laki ng Titanic o kasing laki ng barko sa teleseryang Love Boat sa tv...? Paano nya na-accommodate ang may 1,294 na species ng amphibians, 380 species na mammals, at 78 species ng mga ibon, hindi pa kasama dyan ang mga lamok, ipis, langaw, at iba pang insekto sa mundo....! Times two pa yan kasi two of each kind daw ang isinakay nya nun which means,2,588 na amphibians, 760 na mammals, 156 na ibon all in different shapes and sizes plus ang hindi mo naman pwedeng bilangin sa dalawa dalawahan na mga insects kaya maaring isang tbsp. ng langgam, isang tasang langaw, isang paketing tutubi, isang dakot na ipis, isang pitchel na lamok (liquid kasi dugo) so on and so forth...!
Kung ang Noah's Ark ay kasing laki ng Titanic ito ay may
habang 882.75 talampakan,
may
lapad na 92.5 talampakan, at
bigat na 46,328 tonelada...! Change ko muna ang topic sandali ha? Alam nyo ba na sa
705 ka taong nakaligtas sa trahedya ng
Titanic mula sa kabuo-ang
2,340 ka taong sakay nito, ay nag-iisa lang ang may pangalang
Rose na nakasama sa mga nakaligtas at siyang pangalan din ng pangunahing female role sa pelikulang
Titanic...! Sya ay si
Rosa Abbott (
Rosa - in english means
rose, also means
red) na hindi ko alam kung anong idad at kung anong lahi dahil karamihan yata dun sa mga nakasakay ay mga italyano... Ibig bang sabihin nito na ang character na rose sa movie na
Titanic at hindi kathang-isip lang at buhay in reality...? Anyway, balik na tayo ulit sa
Noah's Ark...
Ang baha ay tumagal ng 40 days pero ang tubig sa lupa ay tuluyang natuyo after 150 days pa...
Kung mayroon kang dalawang elepante na kayang mag ebak ng mga 30 kilos o limang balde bawat isa sa isang araw, multiplied by two may 60 kilos ka na elephant ebak sa isang araw X 40 days = 2,400 kilos ebak ang maiipon mo...! Paano naman ang iba pang mga hayop, ibon, amphibians, at insekto kasama na rin dyan (hindi as insekto, sa dumi count lang) syempre ang mga tao...! In 40 day ay mataas pa sa smokey mountain ang collected ebak nila...! Plus pa ang ng Arko na 46,328 tons...! Hindi kaya ang summit ng Mt. Ararat ay hindi talaga natural kundi ang ebak na lumabas mula sa Noah's Ark ng mag-decay na ang lumber materials nito...? At kung ang malaking baha ay nagmula sa dagat, sigurado akong ang lakas nito dahil sa malaking volume nya at kung ilang doble ng lakas ng Tsunami na tumama sa Indonesia noon... At kaya nitong durugin ang Ark in just first moment of contact...! Kung ang tubig naman ay sumingaw lang mula sa ilalim ng lupa, ang bubble effect nito ay sapat na para tumanggal sa buoyancy o kakayahang lumutang nito na posibling nangyari sa mga sasakyang dagat na bigla na lang naglaho sa karagatan ng Bermuda noon dahil sa ang ocean-bed daw rito ay may malaking Methane deposits na paminsanminsang nagri-release ng maraming bula sa surface ng dagat... Hmmm, isang malaking pala-isipan...! Teka (ting!) meron akong idea, mag-beer na lang muna tayo he-he...! Ayaw ko nang pag-isipan pa kasi sa pananaw ng isang ordinaryong taong tulad ko ay napakaimposibling mangyari ito pero dahil god knows best kaya siguro in good faith at nagtagumpay si Noah...
Magkape na lang muna tayo... Tama nang pag-iisip at lalo ka lang makakalbo...!
No comments:
Post a Comment