___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Thursday, January 04, 2007

Inglis kamatis...

May i read da essay moments ko nung nasa school pa ko... Pepe can you come in front of the class and read your essay for us please...? Rayt awey miss beutipol...! Uhrm!

Ang kamatis bow...!

Naranasan nyo na bang mapahiya dahil sa maling construction ng sentences o di kaya ay maling pronunciations...? Ako hindi pa dahil kung hindi nyo naitanong e tuwid ang dila natin pagdating sa gayong mga sitwasyon.(yabang mo!)



Pero meron akong kaklase nun na talagang inside-out yata ang dila at ako na yata ang nai-embarrass at gusto ko nang mag-mey ay doneyt mai ability to pinish yur sprokining plis...? Everytime kasi na mag-speech ang loko nang ubod lakas at ubod din ng kadakilaan at kagitingan na kahit sandok lang ang tangan ay hindi aatras sa bakbakan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong dumausdos pababa ng upuan ko at magtakip ng tenga at mga mata...! May i demonstrate how it feels like... Subukan nyong pagkiskisin ang dalawang bakal at pakinggan ang tunog, ganun ang feeling ko noon...!



Hindi ko sinasadyang mapa-react ng ganun kasi hindi naman ako likas na pintasero in the making pero sadyang hindi lang talaga kayang lagokin ng mga tenga ko ang over-abuse of speech nya...!


Minsan nasa gitna na naman sya para mag-recite kung kayat na pa oh my buddha tuloy ako...! Kung bat kasi gustong gusto syang paiis-speechin ng titser namin nun hindi naman sila magkamag-anak...!




Good morning klasmeyt... Pag-uumpisa nya... Napansin ko na sa haba ng mga sinabi nya na ngayon lang yata ako nagkainteres na pakingan ay she ng she sya eh tatay pala nya ang pinag-uusapan...! At baka buntis pa nga nung time na yun...! Naalala ko tuloy ngayon na may nakauna na pala kay Arnold Schwarzenegger (tama ba spelling) sa pagiging buntis na tatay noon...!


Gustong gusto ko talagang tanungin sya nung matapos na ang blog este speech nya at nagsimula nang mag-mey ay ask yu a kwestyon na ang mga pretending to be attentive na mga kaklase ko kung bakit nya tinawag na she ang tatay nya...? Anak ba sya ng gobernador ng california...? Kaya lang no imik na lang si pepe dahil baka makasakit pa ng loob ng may lamanloob at medyo natakot na rin dahil si loko ay nag ala Dirty Harry sa kaliwat-kanang pagturo at pagsagot sa mga tanong ng mga kaklase namin na akala mo ay kaliwat-kanan din ang pagpapaputok nya sa Magnum 357 nya...!


Meyk mai dede! Goo-go, gaa-ga...!


Ngunit papano kaya ang gagawin ko kung halimbawa ay baluktot din ang dila ko at aktong mapapahiya pag may biglang sumaligbat sa mey ay ispits ko... Gaano kaya kabilis na kalabaw ang sasakyan ko para iwas pusoy exit muna ako...?


Pepe : My paders neym is juan, she is a parmers...


Pintasero kaklase : Eksmyuski pepey, yur paders is a he nat a she...!


Pepe : Ala-eh, nat ol da taym naman...!


Pero sadya yatang mabait at magaling na supporting buddy si lord kung kaya ang my plen ko da speacker ay maligayang nagtatrabaho na ngayon sa isang organisasyon na pito at senyas lang ang kailangan... No speech needed...! (traffic police)

No comments: