___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Friday, January 05, 2007

Aussie English - 1A (lesson-1)


Nung bagong dating ako dito sa downunder ay kahit ilagay mo man ako sa madaming crowd ay wala akong maintindihan... Katakot-takot na hirap ang dinanas ni pepe bago natutong magsalita ng tuwid na aussie... Actually hindi mo naman kailangan talagang gayahin sila, ang importante lang ay ang maintindihan mo ang mga pinagdadakdak nila at baka magmukha kang na-enkantong katulad ko...!


Inglis din naman ang salita nila pero nakakalito ang accent at palaging parang nagtatanong ang tuno ng salita...! It took me about a year bago nasanay at ang hirap ng first year ko na yun kasi feeling ko ay bobo ako kasi ang tagal kong ina-absorb muna ang mga tanong bago ako makasagot at kalimitan ay palagi pa akong nagsasabi ng "i beg your pardon" kasi mabuti pa yata ang intsik may naintindihan ako kahit papano : Yam-tsa (drink tea), pao (bread bun), dimsum (paborito ko at ninyo), taufu (tokwa na masarap pag may baboy takam!)... Pero tong aussie english na nababalot ng katakot-takot na slang ay inglis na pero hindi mo pa alam kung ano ibig sabihin...!

Kaya nandito ang iba sa mga salitang ito ayun sa natatandaan ko pa at gusto kong i-share sa inyo...

Madami pang wala dito at nasa A at B pa lang tayo pero saan ba naman natatapos ang prosisyon kundi sa simbahan pa rin...!


Abo - Racist ang salita na ito. Ito ang tawag nila in short for aboriginal, mga katutubo na katulad mga igurot natin sa pinas...


ADO - Short for an Accumulated Days Off. Hindi natin masyadong ginagawa ito sa pinas kasi no work no pay tayo dyan...!


Alrighty - Word of approval like alright or yes pero ginawa lang nilang sweet kaya pala pagkalakilaki ng mga langgam dito...!


Amber fluid - Tawag ng mga manginginom sa beer dahil kulay amber nga ang beer di ba... Amber fossilised na katas ng mga puno nung panahon ng mga dinosaurs na nginatngat yata ng mga ninuno natin sa sobrang gutom... Tunog beer din sya a, am-beer...! O-ha...!


Aussie battler - Mga common manggagawa o mga typical member of the working class in Australia : Bus and taxi drivers, process workers, merchandisers, sales person, clerks, teachers etc...

Bad trot - Karma o kamalasan sa buhay...


Bali belly - Diarrhoea o anomang sakit sa tyan ng mga aussieng nag-travel sa South-East Asia... Hindi kasi sila hardy na kagaya natin pagdating sa mga streetfoods like : Isaw, addidas, betamax, bananaque atbp...


Ballsy - Mga lahing tigasin kuno ala-macho epek... Ball-sy gets nyo...?


Bananabender - Tawag nila sa mga taga Queensland, eastern part of australia... Dun kasi nanggagaling mga saging dito but most of the time ay imported made in the pinas din...


Bandywallop - Isang kathang isip lang na lugar na very popular alibi ng mga asawang gabi na parati kung umuwi he he...! But remember mga misis, It's not a lie when you believe...!


Barf - Pagkasuka o napadura sa sobrang pandidiri... Sabi pa ni Ruffa G, OVER...!


Beer gut - Ang bilbil bow! Sobra kasi kong makainom ng SMB-mucho kaya tuloy ayan mukhang 100 months ka nang buntis...!


Biff - Isang malakas na suntok basta wag lang sa akin patamain at talagang.... akoy lalaban ng takbohan...!


Blab - Isang katangiang very common sa mga housewife na walang magawa sa buhay kundi ang mag- tsismis lang... Blah-blah-blah-blah...!


Bloke - A man... Katagang lalong nagpasigla sa word na men...


Bloody - Supporting word na nagi-emphasise ng approval for example : Bloody beauty, bloody good mate, bloody hell...! (oops sori)


Blotto - Lasing na lasing ang ibig sabihin naman nito... Yung hindi na halos makagulapay sa kalasingan na pagtinanong mo kung ano pangalan nya ang sagot nya naman ay sya si Erap...!


Bludger - Tawag nila sa tamad na tao at hindi fair sa mga katrabaho nya...


Bobby - Tawag nila sa parak o pulis... Kaya sa lahat ng Bobby dyan, pulis ka pala...!


Bobby-dazzler - Ito naman ang tawag nila sa mga brilliant na bagay o tao na very impressive ang dating tulad ng lolo nyo...!


Bob's your uncle - Bah! Hindi Bob pangalan ng angkel ko ha...! Her neym is Khaloy...! Ito naman ay slang na paraan ng pagsang-ayon like : Okay, there you go, or lets do it...


Bogger - Another word nila sa palikurang bayan o toilet... Tamang -tama ang tunog ano? Bog-bog-bog! Bogger... Anong nakain mo pre at lakas ng kalabog dyan...? Parang buo pa rin ang avocado a...!


Boob tube - Television... Ito naman ang paburitong panghimagas ng lolo nyo dahil wat taym is it na...? 4:30 na, ang TV na...!


Boomerang bender - Ganito ang tawag nila sa mga mahilig gumawagawa ng mga kwento na ang iba ay na-nominate na sa Grammy Award...!


Booze - Tawag nila sa mga nakakalasing na inumin gaya ng infant formula este alak pala...!


Booze artist - Pag-regular ka na sa mga beer-house, sa mga kanto at nakakatulog ka palagi ng nakatayo sa loob ng toilet at parang pormang naudlot sa pagdidilig ng mga halaman dahil sa sobrang kalasingan, ganito rin ang tawag sa iyo...!


Brew - Ito ang sosyal na tawag nila sa paborito kong, ISANG TASANG KAPEEEEE...!


Bruiser - Sila ay nanununtok, nananambang, nananakot, at may suot na bra he he...! (malaki kasi dibdib) Mga maton...!


Brumby - Tawag nila sa mga wild na kabayo sa gubat... Hi-ho silver uwiiii...!


Bugger - Ah ito naman ang naging favorite expression na ng iba na ang ibig sabihin ay isang taong mahilig mangulit o mang-asar gaya ni ate, kuya, at ni bantay...! Bugger...!


Bunch of fives - Kamao... Tawag ko naman dito ay pandesal na may kuko o pande-kuko... Magandang tingnan pero hindi pwedeng kainin at baka tanggal iyo ngipin he he...!


To be continued na lang po sa susunod na lesson natin, pero sana po ay may natutunan kayo... Teynk yu na lang sa pasensya nyo sa very boring na topic ko na ito... (humble mo pepe)



No comments: