___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Saturday, January 06, 2007

Kamote's point of view...


Naranasan mo na bang tumingala sa langit, magmunimuni, at magtanong kung ano kaya itong mundo natin in a tiny creature's perspective view...? Kung ikaw ay isang taong naniniwala sa reincarnation ay sa palagay ko it's never to late to start wondering...! Halimbawa lang ha na ikaw ay naglalakad sa kalye isang araw ng biglang kinaladkad ka ng isang track ng puburon (cement mixer) at natigokok tapos ay (plok!) biglang nakasilip ka na pala sa mga mata ng isang bagong panganak na daga, (hindi pa pala nakakakita yun) ano kaya ang reaksyon mo sa malahigante nyong kapaligiran...?



May kaklase kase ako noon na itago na lang natin sa tunay nyang pangalan na Aurora... Ngayon dahil nakatago na ang identity nya ay pwede ko nang itsismis sa inyo ang kabastusang ito este kabanatang ito pala... Nasa Drafting Class ako noon kasi artist nga ang pagkapakilala ko sa sarili ko sa blog na to...! Anyways back to my story telling muna tayo... Yun nga nasa classroom kami at si Aurora ay inutusan ng titser na mag-demonstrate kung papano ang 2 point drawing, so demonstrate naman si klasmeyt... Ng biglang na lang may pumasok na kuting sa classroom at tuloy-tuloy ito sa ilalim ng palda ni Aurora at sabay tumingala na kung ito ay ang isa lang sana sa mga kalalakihang nakatingin ay malamang na ala-cartoons na luluwa na ang mga mata nila na parang hinigop ng vacuum cleaner...!
Ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagtakip ni klasmeyt sa palda nya at sinabayan ng hikbi...! Ano nga ba talaga klasmeyt...? Tanong ng mga tsismosang iba pang klasmeyt... Kami naman na mga lalaki ay nakikinig lang dahil baka lalong maka-offense ang mga pang-iintriga sana namin... In short ang art class ay biglang naging essay reading and drama class dahil ito pala si klasmeyt ay mahilig magbasa ng mga books tungkol sa reincarnation at obvious rin na naniniwala sya dito... At ang ikina-iiyak nya ay never been touched and never been kissed pa daw sya tapos ay nasilipan na ng isang lalaki...! Paano nya nalamang lalaki ang kuting na yun (kamot sa ulo) at ni hindi nga nya nahawakan ito...? Expert mo talaga sa kats ateng...!



Ako naman ay may karanasan na rin... O bat ka natawa? Bastos iniisip mo ano...? No joke ito pre... Two years ago ay meron akong napakalaking problema sa daga...! Ang daga na to ay talagang walang damdamin (bakit meron ba sila nun?) na kahit pinapakain ko na mismo dahil hindi ko nga mahulihuli so para lang peace kami at wag syang manira ng kagamitan ay pinapakain ko na lang... Pero tung daga na to ay sadyang napakabait...! Pinaghuhukay ang mga halaman ko sa paso at ninanakaw ang mga chocolates ko sa fridge...! Tuloy ay itinapon ko na lang ang unang fridge ko na yun na okay pa sana kaso ay butasbutas na ang rubber seal na nginangatngat nga nitong si mabait...!


Wala ding epekto ang mga lason sa kanya dahil hindi nya ito kakainin...! Kaya tuloy naisip ko na may sa tao yata ang isip ng daga na ito at alam nya kung alin ang makakasama sa kanya o hindi...! Wat do yu tink yu...? Pero one day isang araw ay mayrun akong naisipan, so in short nakahanap ako ng maaring maging solusyon sa problema pero hindi nakakalason... Alam nyo yung parang rugby na pagnaapakan ng daga ay didikit na sya...? Yun ang binili ko...! Tapos ay inilatag ko sa loob ng kabinit at nilagyan ko ng pain sa pinakagitna ng pinakamasarap at napakaraming pagkain...! Naglagay ako ng lechon, hamon, barbecue, adobo, karekare, pata, at kung ano-ano pa...! He he joke only... Hindi mangyayari yun dahil ako muna ang unang lalantak sa mga yun bago ang daga di ba...?



Nilagyan ko na ito ng pain na tatlong ulo ng tuyo na mukhang nakakaawa ang mukha at animoy nakatingin sa lungga nya para maawa ang daga at yayakapin nya ang mga ito at magpagulonggulong sa pandikit...! Yun nga ang nangyari dahil kinabukasan ay (presto!) nakadikit na nga sya at tinapunan pa ako ng malungkot na tingin na halos nagkamukha sila tuloy ni Aga M. sa movie nila ni Lea S. noon... Mukha syang daga di ba dahil malaki ipin nya sa harap na parang si Speedy Gonzales, ariba ariba ha-haa! (pintasero!)



Pero balik muna tayo sa daga na nakatingin nga sa akin na parang nagmamakaawa at ako naman ay parang naengkanto at napa-pause sa balak ko sanang pagtadtad dito ng mga natutunan ko sa shaolin kitchen noon... Ngunit sa pagkatitig ko sa mga mata ng daga na titig na titig naman sa akin at hindi nagpupumiglas sa pagkadikit ay para bang naintindihan ko ang gusto nyang sabihin... Para syang may isip at nagdadasal na, Daga : Kuyang killer kung hahayaan mo lang sana akong makatakas ay hindi na ako ulit maninira ng fridge mo at hindi na rin ako babalik pa dito... At yun nga ang nangyari, parang may kung anong bagay na nagpai-slow motion sa pagtaga ko sana at nakatakas ang daga, at hindi na rin sya bumalik gaya ng sabi nya...(bakit narinig mo ba?)



Mga my plens, ako man ay naniniwala din na pag may buhay ay may karapatan ding katulad natin at kung makagawa man ng mga pagkakamali, ito marahil ay bunga lang ng pangangailangan nila...



Ang sabi nga ng tatang ko na isang batikang espiritista noon dahil kung ilang bote yata ng espirito ang tinutungga nya gabi-gabi at nagbibigay din sya ng free demo kung paano ba ang tamang paglalaro ng spirit of the glass ay, ang buhay daw ng tao ay pwedeng maihalintulad natin sa isang bote ng alak at isang platong pulutan (bow-wawow) na habang tinutungga at kinakain mo raw ito ay unti-unti rin itong nilulunok ng kawalan ngunit sa muling pagbabalik nito ay maaaring iba na ang bigat, laki, porma, at hugis... Teka parang pamilyar yata sa akin yun a...! Niluloko lang yata ako ng tatang ko a...! Ano ba sa palagay nyo...? Speaking of daga nga pala, subukan nyong bisitahin tong site na to at matutuwa kayo... http://www.fluorescentpets.com/prod02.htm

No comments: