Brrrrrrr...! Ang init...?
Hindi nyo ba napapapansin na parang hindi na sakto ang timpla ng weather natin ngayon...? Dito rin sa downunder ay nasa kalagitnaan na ng napakainit na summer na sana kami ngayon...! Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tuloy pa rin ang paminsanminsang malakas na hangin at ulan na animoy na sa mid-spring pa lang kami...! Pakiramdam ko tuloy ay parang nagi-skip ang panahon...
Ang downunder pala ay may apat na seasons ang : Summer na mula december hanggang mid-march, ang Autumn na from mid-march to mid-june, ang Winter na from mid-june to mid-september, at ang Spring na nagsisimula naman sa mid-september hanggang mid-december...
Sa lahat ng mga season na sinabi ko ay ang summer ang ayaw na ayaw ko sa lahat...! Maaaring nagsawa na ako dito dahil sa mainit din sa pinas, ngunit ang summer nila dito ay sadyang kakaiba... Dito ay posible kang mamamatay kung ikukulong mo ang sarili mo sa iyong kotse ng matagal sa kainitan ng araw dahil sa sobrang init sa loob na umaabot sa 60c hanggang 80c, doble ng pag na sa labas ka na mga 30c to 40c lang pero mainit pa rin di ba...? o-ha! Kaya nang magluto ng pandesal nyan...!
Marami ang mga cases dito ng mga namatay na bata at sanggol dahil sa sandali lang silang iniwanan muna ng kanilang mga IRESPONSABLENG mga nanay para lang makipagkwentuhan sandali sa labas o para bumili ng kung ano sa tindahan...! Kung kayat ang gobyerno dito ay hindi nag-aatubiling pumataw ng nararapat na kaparusahan sa mga irresponsible parenting na ito...
Ang kontenenteng downunder kasi ay may isang malaking disyerto sa gitna, kung kaya ang sibilisasyon nito ay parang nakapaligid sa isang napakalaking pugon na pagkainit-init pag summer... Ang autumn at spring naman ay ang mga okay weather para sa akin... Pag autumn medyo hindi gaano kalamig na may kunting ihip ng hangin, at pag spring naman ay medyo malamig na may kunting sprinkle ng ulan sa umaga at hapon okay na okay para sa mala sanggol (baka sanggol na kalabaw) na kutis ni baby este ni pepe pala...
Ang winter ay medyo worse din pero tolerable sya dahil pwede ka namang magsuot ng makakapal na damit di ba...? Pero ang ayaw na ayaw ko rin sa winter ay ang bills ko sa kuryente na aapaw pa yata sa akin ang taas...! Papano ba naman na hindi tataas e 10 dolyares din ang araw ko sa kuryente lang dahil sa heater na walang tigil ang pag-andar umaga at gabi...! Mas gusto ko pang magtrabaho ng magtrabaho sa winter kaysa tumigil sa apartment ko dahil sa work free electricity di ba...! Nasapol mo pepe...!
Ngunit ano nga kaya ang sanhi ng lahat ng iregularidad na ito ng panahon...? Ayun dun sa napanood ko sa tv, sanhi daw ito ng tinatawag na global warming bunga ng walang pakundanggang paggamit natin ng mga fossil fuels tulad halimbawa ng coal na malakas mag-produce ng makapal at maitim na usok na syang tumatakip sa natural na atmosphere ng mundo...
Tinatayang sa year 2070 which is too far away at tepok na si pepe nun unless na may super power akong kagaya ni superman na matagal ang buhay (matagal ang buhay? hindi ba bastos yun?) at present pa rin ako sa time na yun... Sa year 2070 daw ay tataas ng 15 meters more ang water level ng dagat mag mula sa present level nya ngayon na ibig sabihin ay almost 70% ng pinas ay part na ng City of Atlantis....! Nakakatakot naman yun...!
Kung may magagawa lang sana ako para mai-reverse ang pinsalang dulot ng kapabayaan ng sangkatauhan... Kasi kung hindi nyo naiisip na sa mga panahon na yun ay buhay pa ang inyong mga ka-apohan na kung hindi man ang mga apo nyo sa tuhod ay baka ang mga apo nyo sa hinlalaki o kaya mga apo nyo sa patay na kuko...!
Kaya dapat ay subukan nating iligtas ang mga henerasyon na yun habang itlog pa lang sila...! Tama ba yun...? Alam ko na kung paano...! Gagamitin ko ang aking super powers...! Eto na pruut-put-puuut! Soli ha...? Lalo palang nadagdagan ang pollution he he... I'll think of a better way later... Kayo may naisipan ba kayong paraan para matulungan ang ating kalikasan...?
No comments:
Post a Comment