___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, February 04, 2007

Astig pala si Bantay

Woooohoooo....! Okay na Flickr ko....! May kwento pala ako sa inyo.... Noon ko pa sana ito inilagay sa post ko pero nung time na yun ay hindi pa yata uso ang blog.... Ano nga palang year nag-umpisa ang blog sites....? Baka ako lang yata ang hindi pa alam na may blog na noon....! Ni hindi ko rin nga alam na may ganito pala hanggang sa ma-encounter ko nga ito through my inspiration.... Pero back to our topic proper muna tayo....

---------------------------------Pasakal

Ang Dingo pala ng downunder at ang Askal (asong kalye) natin sa pinas ay magpinsan lang....! I cant believe it....! Yan ang nadiskobre ko ng minsang napadpad ako sa isang malaking zoo dito noon.... Ang Dingo ay isang wild dog at ito ay may reputasyon bilang isang savage animal.... Kaya nitong pumatay ng isang hayop doble ng kanyang laki at kaya din nitong pumatay ng mga bata na napapadpad sa gubat dito....

Ang Dingo ay hindi native animal ng downunder....

Ang origin nito ay sa asia pero dun ko lang nalaman ng mabasa ko ang nakapaskil sa may kulungan nito sa zoo na sa Palawan pala ito galing.... Mga ilang taon lang ang nakakaraan ay ibinalita sa tv ang pagkamatay ng isang 8 years old na bata at malubhang kalagayan ng kapatid nito matapos atakehin sila ng mga asong ito habang naglalaro sa buhangin sa isang remote camping park dito....


--------------------------------Pusakal

May pagkapusakal pala ang mga asong ito kung kayat kinakatakutan dito.... Kung hindi nga lang bawal dito ang animal cruelty ay ako pa mismo ang lalapit sa mga ito at magdadala pa ako ng beer, patatas, paminta, at mga ka tropa kong may pagka-scientist at mga GINius din kuno para kumuha ng tissue samples nitong mga dingo na to for scientific ehrm....! Experiments.... Tsalap....!




Samantalang ang galisin at maamong Askal naman nating si bantay ay mukhang hindi man lang nagmana sa kaastigan ng mga pinsan nya....! Very in demand din si pobreng bantay sa kanto....! Dahil sa da best meat in tawn nga ito....! At very popular sa mga astig na tulad ko.... Lalo na kapag may anestisya nakuw....! Patak pawis, luha, at sipon ni tatang dyan....! Harmless din si bantay kasi pati yata 2 years old na bata ay kayang pagda-jab jabin ito at buong amo nitong tatanggap ang ano pa kundi jab kayo talaga oo....! Sa makatuwid pala ay hindi mga first settlers maliban sa native na aborigini ang nauna rito sa downunder kundi mga pinoy....! Pinoy dogs nga lang...!




Kaya sa mga Dingo, pag sa pinas kayo ay dinikdik lang na paminta ang katapat nyo....! Tiyak tulo ang laway ng mga kanto boys sa story ko na to....! Kung bakit ko pa kasi naalala ang nabasa ko sa Taronga Zoo....! Tulo din tuloy laway ko whaaaa....! Slurp! Slurp! Dyan na nga kayo...!

No comments: