Sunday afternoon chaos
Kung napapansin nyo ang Flickr Badge ko dyan sa ibaba na medyo wala sa kondisyon ay wag kayong mag-panic at hindi ko napapabayaan tong blog site ko.... Nag-panic din nga ako kanina kasi bigla na lang nag-flicker tong Flickr ko na hindi ko naman malaman kung sa anong kadahilanan....! Buti na lang at naisipan kong bisitahin ang web site nila kaya medyo naliwanagan na si pepe ngayon....
Hay naku....! Hirap talagang mag maintain ng dot com....! Palagi na lang sinusubukan ang kaastigan nitong alter ego ko na makikita nyo naman dyan sa ID photo ko na talagang astig na astig ang dating he-he.... Big job din ang experiment ko na SINADYA SA PLAZA and just incase na hindi nyo naintindihan ang ibig sabihin ng "Sinadya", yan ay salitang bisaya na ang ibig sabihin ay kasayahan o celebrations....
Ang site ko kasi na yan ay tambakan ko lang noon ng mga kung ano-anong napupulot ko na mga tools dito sa www na parang ala bodega ba.... Dyan ko sinusubukan muna ang mga programs at mga java script, and urls before ko ia-apply rito sa home page ko for safety reasons.... Pero since na dun ko rin nilalagay ang ibang mga affiliation banners ko ay hindi ko pwedeng i-disable ito basta kaya binuksan ko na....
Isa pa ay na-realise ko rin ang potential nito ng maalala ko na may Dinagyang Festival pala sa city namin sa Iloilo last month at nagsimula akong maghanap ng mga photos ng festival sa net.... So in my own way ay kinunvert ko ang basura site ko na to at nagsimula ng parang isang tourist magnet drive site na kahit nandidito ako sa downunder ay pwede ko pa rin tulungan ang tourism ng bansa natin in my own little way di ba.... Ang tanging tool ko lang talaga na gamit dyan ay ang pagkapinoy ko....
Paningin ko nga sa site na yan ngayon ay parang isang malaking garapon na pinupuno ko ng mga kung ano-anong bagay mula sa memories ko ng pinas at sana makatulong ang mga ito.... Sana naman ay mag-work para masulit din naman ang efforts ko.... Kasi isipin nyo na lang ang profits na ihahatid ng mga tourists sa bansa natin plus pa ang pyramid effect nito oras na maganda ang naging experiences nila sa pinas at makabalik na sila sa bansa nila para magkwento ng mga experiences na ito.... Malaking hatak talaga ng tourism for pinas di ba....?
Sabi nga ng isang my plen ko dito ay kulang na lang daw ay maglagay ako ng demo video kung paano ang tamang pagsuot ng life jacket at tamang pagkabit ng seatbelts kasi ang layout daw ng site ko ay parang nasa loob ka ng Philippine Airlines ha-ha....! Siguro nga ay magkapareho ang principles namin ng kung sino man ang nagsimula nyang PAL na gawing feeling at home ang mga visitors.... Baka may mag-request ng drinks wala ako nun....!
This years christmas holiday ay uuwi ako sa pinas so maybe next year ay makapag-feature rin ako ng mga pictures na sariling kuha ko rito incase na hindi ko makalimutan na naman ulit ang snap-shot camera tulad sa last uwi ko na tanging video cam lang talaga ang naalala kong dalhin.... This time baka ang tripod lang ang madadala ko na naman sa sobrang pagmamadali.... Si pepe kasi ay medyo may attitude na kung kelan last minute na ay saka pa lang magpi-prepare kaya palaging nagpa-panic tuloy....!
Anyways, sana ay bisitahin nyo rin ang SINADYA SA PLAZA ko at i-rate nyo kung pwede na ba si pepe at kung may K na ba akong maging Little Mister Ambassador For Philippine Tourism 2007 title ha-ha....! Hindi nyo ba alam na, "from little things big things grow....!" Anyways again, masyado ko nang inaksaya oras nyo at laway ko kaya until next post na naman ulit....! At ako naman ay kakain lang....
No comments:
Post a Comment