Seafood cravings....
Since yesterday i was really dribbling at the thoughts of yummy prawns in my mouth....! Nakaka-miss tuloy ang mga pagkain sa atin lalo na ang mga seafoods....
This morning when i woked up, i can almost taste the fried bangus na isinawsaw sa suka with patis and mainit na kanin in my mouth....! Hay....! Buhay talaga sa ibang nasyon hindi maintindihan....!
Hindi naman masarap ang mga seafoods nila dito kasi puro frozen, di katulad sa pinas na pagdating sa bahay ay lumalanguylangoy pa halos ang hipon sa tubig dahil sa buhay pang talaga ang mga to....! At talagang malalasahan mong manamisnamis pang talaga....!
Pati tuloy sa workplace ay dala ko buong maghapon ang topic tungkol sa seafoods....! So this afternoon, kahit na malayo sya ay talagang sinadya ko ang chinese fresh seafood shops just to buy those GENUINE live mussels (tahong) nila and few kilograms of prawns....! Talagang buhay nga sya ha-ha....! Nasa loob pa ng malaking containers at naka-airpumps (ano nga tawag dun?) pang talaga (susyal na mga tahong!) ang mga loko as in buhay na buhay nga sya....! Astig....!
Result, happy na naman si Pepe (babaw naman ng kaligayahan mo peng!) after that good seafood dinner.... Lumaki pa naman ako sa Seafoods Capital Of The Philippines, tapos eto ako ngayon dyeta sa seafoods whaaaa....! So ironic naman....! Buti na lang pala may fresh seafoods pa rin dito kahit papano, kung hindi ay siguradong topak na naman aabutin ko he-he....!
Eto nga katunayan habang tina-type ko itong entry na to ay kasalukuyan ko na namang nilalantakan tong mga seafoods, tuloy puro balat na ng hipon tong keyboard ko....!
O sige kitakits na lang tayo ulit (nguya! nguya!) at talagang very busy pa si ako....! Gusto ko lang talagang i-share tong another tough ordeal ko ha-ha....! Tatapusin ko na muna tong kinakain ko ng makpg pnnod (puno ng seafoods ang bunganga) nng tvpgktaps (nguya pa ulit) hum-hum-hum-hum....! Ingumtz muy prums (lunok) hew-huw....! Sarap....!!!!
9 comments:
Hi Pepe,aruyyyy ko na gutom tuloy ako..buti ka pa dyan kumakain ng hipon..ako ang tagal ko nang di nakakain ng seefoods..huhuhuh..paborito ko pa naman ang mga yon..
Yess po tga Bohol ako..ang cute nga ng mga tarsiers..may pics ako with them..i post ko sa akong mga susunod na posts...
Have a nice weekend po.
hi! ^_^ may friend ako na may review ng isang chinese food resto, visit mo rin sya if your craving for chinese deli ^_^
http://heapingteaspoons.blogspot.com
Halloo....! Thanks for the comments Fionixe and Julai....! =D Uy hindi ko kasalanan kung ginutom din kayo sa kababasa sa post ko ha....! Ya, i-post mo ang mga tarsier Julai gusto kong makita....! Thanks for the address Fionixe, i will visit the site....! Salamat girls....! =D
seafood...yummy!!! basta wag yung mga dolphins, whales, pawikan and the likes hehehe
Syempre naman he-he....! But you know what, i kinda like the taste of shark meat....! My uncles eat them as pulutan before kaya nakakatikim din kami minsan hanggang sa kahit ngayon ay nagluluto ako ng shark meat once in a while....! =D
err...ahmmm.... what can i say? you're a shark eater hehe...
napanood mo ba ang finding nemo? di ba yung shark dun ayaw na kumain ng tao...sana ikaw din wag na kumain ng shark :)
sorry.. ayaw pala kumain ng kapwa fish nya...
You know that australians are big consumers of shark meat....? They have a favorite food dito na kung tawagin nila ay fish n chips which is a deep fried portions of the gummy shark (shark specie that has no teeth) and deep fried potato (like the french fries) freshly cooked the very moment na inorder mo, all wrapped in a paper bag.... They usually call this a quick meal at minsan ay ganito lang ang dinner nila once or twice a week.... =D
i eat exotic food pero di ko yata kaya kumain ng shark kase parang nakakaawa. even if they're being depicted as monsters sa movies, parang naawa ako... same goes sa rabbit and turtle dishes :( weird, pero kumakain ako ng balut (come to think of it, i just realize how cute ducks are...hmmm)
Post a Comment