___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Thursday, November 22, 2007

No more bottled water....


A universal accessory, the water bottle will soon be a thing of the past here in australia.... Councils are planning to ban the plastic bottles from their respective suburbs because of the damages it can cause to our environment.... Recent survey reveals that the bottled water is increasing around 10% per year as well as the improper disposal of the plastic bottles.... The government is worried that if the problem is not tackled sooner, at some point in time it can escalate to an irreversible level at mahihirapan na silang ayusin pa ito....


There's nothing wrong with drinking tap water naman sa palagay ko.... Kailangan lang siguro nilang maglagay ng madami pang taps o gripo lalo na sa mga public places kung saan madaming mangangailangan ng drinking water like parks, department stores, movie houses, schools, church, beach (may tubig na rin dun kaya lang maalat he-he....!) sidewalks, etc.... The thing is, mahirap talagang baguhin ang isang kulturang nakasanayan na natin ng mahabang panahon kaya sa tingin ko ay hindi ito madaling gawin....


Lalong-lalo na kapag hindi ka sanay na uminom straight from the taps.... Pwede ka rin namang magdala ng sarili mong water purifiers and filters just in case na hindi mo na kayang umabot pa ng bahay mo at talagang inum na inom ka na....! Nowadays Portable Water Alkalizer, purifying containers and filtered containers whatever you call those are already in different shapes and sizes, of course mukha pa rin itong drinking containers at hindi hugis papaya o palayok....!


Nakakatawa lang isipin na in the future ay hindi lang toilets, ATM machines, movie houses, terminal ng bus ang pinipilahan kundi pati na rin ang mga gripo ng tubig....! Sa pinas siguro ay ordinaryong tanawin lang to dahil sa kondisyon ng pamumuhay natin dyan, pero sa isang maunlad na bansa na kagaya dito sa downunder ay medyo nakakatawa nga tong tingnan....!


In some parts of the world particularly in africa where water is so scarce, people will drink just anything liquid regardless of the quality and its source just to survive for at least another day.... Sometimes they've even shared a muddy pool with their horses and cattles para maka-inom lang ng tubig....


Mapalad pa nga sila dito na kahit magmumukha lang silang nakiki-share ng tubig dun sa mga ibon sa park in the future, ay at least malinaw at malinis naman ito.... E ano ngayon kung habang kasalukuyan kang sarap na sarap dun sa pag-inom ng refreshing na tubig galing dun sa bird-bath basin sa may park ay nagtatampisaw naman si ibong pipit at ang boypren nya dun sa harap....! Ayaw mo pa nun, may malamig na tubig ka na, may libreng entertainment ka pa ha-ha....! =D



4 comments:

Tess said...

when i was there, i drink tap water no, mahal ng bottled water jan e! so bye bye na pala sa mga nagtitinda ng bottled jan.

RedLan said...

napakamoderno na talaga ng panahon. sitting pretty na tayo. hindi na kailangan maghirap. lahat ay makukuha kung meron ka lang pambili.

sabi noon ng matatanda, balang araw pati tubig ay bibilhin at nangyari na ito ngayon. matanda na ako at sa palagay ko, wala akong maisip na pinakamadali sa future. pero alam ko isang pitik lang makukuha mo na ang gusto mo. gaya ng patext-text lang.

Pepe said...

Mas gusto ko pa nga yung sa tap Mrs.T....! Alam nyo bang masmalinis pa yun kesa dun sa bottled....! =D

Pepe said...

That's true Red, us human kasi are only one strand hair lang ang kulang para maging as powerful as god sabi nila.... Di bala we are made according to his image....? We are too fulfilling the things that he have done before in our own special ways.... Basta indi lang paggamitun sa kalainan.... =D