___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Monday, January 28, 2008

An Excellent award from Mrs.T....

I've just received another award again last week from always and ever thoughtful na si Mrs.T....! Medyo nahuli lang ang pag-post ko dito Mrs.T kasi napaka-busy po ni ako ngayong mga buwan plus the pa-impress effect to the boss pa dahil may ginagawa kaming silent campaign ngayon (silent campaign, ano yun nangungunsensya....?) to convince the management to bring back the overtime kasi napakahirap talagang mag-cope up sa mga gastos, budgets, bills, etc kung wala yun....


Alam nyo, there's something right about this award kasi my real name behind the stage of blogging actually starts with the letter "E"....! Opo, kaya tamangtama tong award na to sa'kin....! Kayo na ang bahalang mag-isip dyan kung anong pangalan yun na starting with the letter "E", sigurado naman akong hindi nyo kayang hulaan ha-ha....!


Pasensya na rin pala kung medyo hindi ko masyadong naasikaso ang mga comments, tags, and messages nyo lately kasi busy lang talaga ako sa mga rackets ko sa buhay kaya weekend lang talaga ako makakapag-blog ng matagaltagal.... Meron naman computers sa trabaho kaya lang hindi ko masyadong ginagamit at mahirap nang ma-overload ng spams ang server ng kompanya at ako ang mapagbintanagan, nakasalalay yata ang propisyon at laman ng wallet ko dun he-he....! Anyways, just keep dropping by at sisikapin ko rin na sagutin lahat ng mga messages nyo pag-weekend pagkatapos kong maglaba at mamalantsa....!


Oi, advance happy valentines day pala sa lahat, o ano nakahanap na ba kayo ng mga dates nyo....? Pagwala ka raw kasing date sa valentines day, tawag sa bisaya nyan ay "bingkong", ewan ko kung paano at saan nag-originate ang word na yan para dun sa mga bigong puso sa araw ng mga puso, pero ang ibigsabihin ng word na yan sa tagalog ay "pilipit", pilipit na tansan o pilipit na coins, basta kahit na anong pilipit ha-ha....! Pilipit na puso siguro....! By the way, i will try to post something good on that day and it should be unique, maybe something bizarre again.... Have a great weekend everyone....! Ingatz all....! =D

Sunday, January 27, 2008

Enter the Surprise Chef....!

Since i woke up this morning ay medyo may cravings na ako na kumain ng chips, normally heavy breakfast ang first thing na iisipin ko sa umaga like fried rice and scrambled eggs with sweet chilli sauce, fried fish, and coffee, or kahit tiratirang ulam sa gabi, best one is adobong baboy, pero kahit na anong tira ay okay na okay na wag lang balat ng saging....! Kaya lang kanina talagang naglalaway ako pagnaisip ko ang potato chips at ang fried onion rings.... Wala naman akong mahagilap na kahit anong chips dun sa kusina kasi hindi naman pala ako nakapag-shopping nitong nakaraang linggo....


Dahil na rin siguro sa quote na, " Necessity is a Spur to Ingenuity and the Mother of Invention " daw ay naghalungkat ang Pepe ng mga kung ano-anong sangkap at nagamit ko pa tuloy ang mga tinatagong natutunan nun sa Boy Scout ha-ha....! Oi, wag kayong tumawa dyan, Outstanding Boy Scout yata ako nung araw....! Ayun na nga, nai-apply pa tuloy ang mga kunting nalalaman pagdating sa initiative dahil naman dun sa sariling quote din nya kuno.... Akala nyo kayo lang marunong mag-quote ha....! Eto ang original Pepe's quotation, " Katamarang mag-shopping is the father naman of few other inventions " may mother na kasi kaya father naman sa'kin....!


To make the story short dahil maraming nagsasabing very long daw ang last entry ko ay naghalungkat na nga ako sa cupboard ng mga sangkap at eto ang mga nahalungkat ko at ilang deadbol na ipis, yuks....!

Ingredients:

1 cup water,

3 eggs,

1 cup bread crumbs,

1/2 cup flour,

2 spoonful of fried-dried onions minced (wala kasing makitang fresh),

salt, and pepper,

1 tbsp. minced shallot (dahon ng sibuyas),

vegetable oil,

Here's how:

All you have to do is to mix all the ingredients in a bowl tapos haluan ng minced shallot at inilagay sa plastic bag na tulad nung sa icing bag, tapos butasan ang dulo like what you do when eating an ice candy.... Kung kaya mo nang kainin at sipsipin na lang dun mismo sa bag like the ice candy nga ay hindi mo na kailangan pang magluto he-he....! Makaka-save ka pa sa sabon at tubig panghugas ng wok....!


Dapat din pala siguraduhin mong less than pencil size lang ang mix na lalabas sa butas kaya dapat ay maliit lang ito, then squirt the mixture like crazy sa kumukulong mantika in a spiral motion sa tugtog ng cha-cha, tulad nung ginagawa natin sa pre-school nung panahon ng mga dinosaurs with our pudpod na crayons and one inch long pencils kada art class.... Tapos ihain ito pag-crispy golden gold na (golden na nga gold pa, ay tange) at patuluin sa ibabaw ng isang platitong mani este platito na may tissue paper pala.... Ilipat sa clean bowl, taktakan ng chicken salt, and presto, may instant Fried Onion Spirals ka na Pepe style....! Galing kong talaga, yum....! =D

Nutrition Facts:

High on carbohydrates

High on calories

High on fat

Can be high on cholesterol

Can be deadly in the long run (nananakot)

Masarap pero wag kaining palagi, bad for the heart, wala nang halong pananakot yan ha-ha....! Kung nakita nyo lang sana kung paano sipsipin nung mix ang mantika dun sa wok, nakuw....! Anyways, thanks for your time spent reading my cooking tips today.... Kain muna ako, gutom na sa kaka-typing....! Adios taquitos....! =D

Saturday, January 26, 2008

Ang pagbabalik ng astig....!


I'm back wooohooo....! Masakit pa rin ang balikat at leeg pero pwede nang mag-type ng pagong speed lang....! Baka akala nyo hindi ko alam na may mga comments and messages kayong lahat dito ha, i was just right in the background reading and laughing nakikiramdam sa mga kakalugan at kakulitan nyo all along....! =D


Last time i was really feeling so bad on my upper body at hindi talaga kayang mag-typing, naranasan nyo na bang magpapasta ng ipin, ganun ang feeling ko last time na parang may on going na road constructions sa loob ng shoulder ko....! Nature kasi ng work ko, naka-upo buong maghapon, nakasubsob ang mukha sa ginagawa at nakatunganga sa mga folders ng mga schematic diagrams, paperworks, electronic gadgets, electronic components at kung ano-ano pang connected sa electronics na pang mina ng coals sa ilalim ng lupa.... Kaya pala madami kaming stock ng pain-killer sa luchroom dahil dun, ngayon ko lang na-figure-out....! Pero mas okay na lang tong job kesa dun sa mga minero mismo, at least wala akong putik sa katawan, paupo-upo lang buong araw, naka-aircon pag-summer, naka-heater naman pag-winter, at nakakapag-blog pa on our office pc uha....! Yun nga lang ang down side nya, sakit sa ulo at batok but not always....! =D


How's everyone by the way....? Salamat sa lahat ng mga walang sawa at walang tulog na bumibisita dito naks ha-ha....! Oi, matulog naman kayo, wala na bang tulog-tulog dyan sa phils ngayon at kahit bandang 4 'o clock ng umaga ay may natatanggap pa akong mga messages....?! Bakit mo naman alam Peng, hindi ka rin siguro natutulog ano....? Dun sa mga nag-iwan ng mga messages nila at comments at sa mga bumibisita para magbasa, makiki-iyak at nakikitawa sa mga kadramahan at kalokohan sa blog na'to, thank you talaga sa lahat.... Alam ko yan kasi bumi-build up din ang visit records dun sa hit-counter ko araw-araw kahit na kalahati pala nun ay sa'kin....! Aba, big fan din yata ako ng blog ko, conceited....! =D


Palagay ko hindi ko na kailanggan pang i-mention ang mga pangalan nyo dito dahil baka lalong mas na sumikat pa kayo kesa sa akin nyan, kapal....! Hindi, alam ko naman at alam nyo na rin kung sino-sino kayong mga espesyal na mga nilalang sa balat ng lupa at palaging nagbibigay buhay sa munting mundo ko, wag nyong sabihing hindi nyo pa alam kung sino-sino kayo dyan dahil ibang kaso na yan....! I just wanted to tell you all that you'are the most important part of my blogs and i really do whole heartedly appreciates everyone's support.... (hikbi!) (singot!) (lulon!) (singot pa ulit!) (isinga mo na nga yan, kakadiri you naman!)


Anyways, nandito na ulit ang astig at handa na ulit sumabak sa bakbakan, hindi bakabakan ng pandesal na may kuko to kundi bakbakan ng stick bread na may kuko lang....! Ano raw sabi, paki-ulit mo nga Peng....? Nalito yata ako dun a, paki ulit nga ng mga sandosenang beses pa plis....! Happy lang ako na sa wakas pwede na ulit akong mag-react sa mga iniiwan nyo mensahe, hirap nung hanggang basa lang ako talaga kasi parang tortured pala ang pakiramdam nun, sa'kin nga ang site pero ni kalabit man lang sa mga pyesa ng keyboad ay di ko kayang gawin....! Kamot nga ng ilong hindi ko kayang gawin, kalabit pa kaya sa keyboard....!


kinabahan pa nga ako kahapon dahil naalala ko na si David Bowie pala nun nung nagpa-opera sya dahil nangangalay daw balikat nya everytime na tumutugtog ng gitara, yun pala sobrang barado na ng cholesterol ang isang artery ng puso nya kaya medyo nag-worry din si Pepe dahil parang pareho yung case a at medyo napalakas din ang kain ko ng fried french ba yun nung happy new years day, sarap nun para syang strips ng pritong patatas na lasang chicken joy pagpumikit ka....! Ha, french fries ba tawag dun, kala ko kasi fried french ay baliktad....! Buti na lang hindi naman pala ganun kalala at talagang muscle pain lang sya'ng talaga....


At the moment ay medyo okay na ako pero may paminsanminsan pang pagsakit ng balikat at shoulder-blade kapagnapahataw ako ng forehands and backhands ko.... Napasobra kasi panunuod ko ng Australian Open Tennis Game lately kaya yun medyo naki-carried away minsan lang naman he-he....!


Anyways, i'm back and my first plan is to visit your blogs later on kasi madami na yata akong na miss sa mga tsismis ng mga buhay nyo....! Talaga yatang mapapasabak ako ng typing nitong araw na to....! Dapat kasing mag-comment din ako sa mga entries nyo mamaya na hindi ko pa alam kung ano ang mga topics.... Baka kasi sabihin nyo na loko naman tong si astig, binibisita ko blog nya nun at nag-iiwan pa ako ng greet and smiles tapos wala man lang nailagay sa blog ko kahit na dash and dots lang nung nagbalik, mabatokan nga kaya kita, etong dapat sa'yo um....! *toinks*....! Jokes only lang ha-ha....! Wala lang magagalit....! O sige, kitakits na lang tayo mamaya.... Wag nyo lang akong hintayin at baka gabihin si Pepe ng punta he-he....! Ibi-breaking ko muna tong balikat ko para maisabak ng husto sa typing....! Wawoooo....! =D

Tuesday, January 22, 2008

Pahinga muna ako....


Nanibago lang sa trabaho, buong araw ka ba namang nakayuko at nakatunganga sa mga gadgets and paperworks.... masakit ang ulo, batok, leeg, balikat, likod, left arm, at shoulder blades.... I probably need that snake-spa so badly right now....! Pass muna ako for a while kasi hindi kayang magtagal sa sitting position.... Pahigahiga na lang muna, sana may maimbento nang pc na nakadikit o nakasabit sa kesame para makapag-blog naman ako kahit na nakahiga ano....?


Ito yata ang tinatawag nila sa inglis na oksapyo pwe! pwe! occupational overuse syndrome pala.... Oi, magandang topic yan pagbalik blogging ko sa saturday a....! Makapag-file nga kaya ng compo report para makapag-claim ng cash he-he....! O pano, kitakitz na lang muna tayo sa weekend, bisita pa rin kayo dito syempre kasi babasahin ko pa rin mga messages nyo kahit na hindi ako muna magta-typing.... Babawi na lang ako sa weekend kung kaya ko nang mag-typings ulit.... Ingatz all, be back blogging on saturday....! =D

Monday, January 21, 2008

Back to working mode si astig....

I'm finally back to work today after a long christmas break.... The day was same as usual, althought we had been moved to another spot deep inside the company floor kasi bago pa kami nag-christmas break last year ay patuloy nang ginigiba at niri-renovate ang ibang sections plus the layout ng soon to be rising na new looks ng production areas na nakapaskil na sa may bulletin board sa tabi ng table ni big boss ko....


The new location of my work table is alright, kaya lang kailangan ko na namang i-rearrange ang lahat dahil pinagkakalas nga nila ang mga abubot namin dun sa mga luma naming tables nun at inilipat dun sa bago.... Okay naman ang takbo ng araw ko although kailangan lang ng kunting adjustments kasi nawala na yata'ng lahat ng abilidad ko dun sa work dahil sa haba ba naman ng pahinga ng utak ko the whole christmas break and extensions he-he....! At the end of the day, masakit ang batok at shoulder blades, naninibago lang siguro ako.... =D


I love the breaks very much, but it's only the aftershocks which i hated the most.... Ayaw ko kasi yung nakaharap ka na kunyari sa trabaho pero yun pala naghahagilap pa rin ang utak mo ng ideas kung pano ba to uumpisahan dahil nakalimutan mo na ang mga procedures na alam na alam mo naman at talagang kabisado mo na kung paano gawin nun....! So what i did this morning was to wake up as early as i could tapos nag-meditate ako over a cup of coffee.... My aim was to figure out what i was normally doing before sa trabaho, kung paano ko tina-tackle ang mga tasks, iniisip ng pauli-ulit at pilit sinasaulo sa isipan at nakatulong naman ha-ha....! Effective pala ang ganun na paraan, in fact i've started my job today for the very first time in 2008 na parang walang gap ng holiday break na nangyari sa gitna....! I even had the time to notice those who are scrambling to cope-up with the disoriented moments of their first day back to work....! =D


Next weekend, long weekend na naman wooohooo....! Australia Day is fast approaching, just when i was about to come back to my old busy routines again, sarap naman....! On monday kasi the 28th of this month may public holiday ulit dito which means na wala na namang pasok sa work kaya 3 day na naman ng pagmumunimuni para kay Pepe....! Hindi talaga maubos-ubos ang mga public holidays dito sa downunder madami pa yan up to the last one of this year's on october.... I used to hate those days before when i was still in casual job kasi for a casual employee, walang pasok means wala ding pera....! Pero ngayon okay na ako dyan ha-ha....! Sino ba naman ang ayaw sa kahit pa nakahilata ka lang buong maghapon sa harap ng tv ay tuloy pa rin ang patak ng barya sa bulsa o di ba....? I just wish that the flow of cash will come to my direction this year, pang-holiday back to pinas ha-ha....! Show me the monkey este.... the money pala....!

By the way, may natanggap na naman ako'ng award from Mrs.T today, thanks Mrs.T....! Also from Krisha, dated March 02, 2008, that's today.... Binigyan nya rin kasi ako ngayon, pero syempre kahit meron na ako nito ay ilalagay ko pa rin ang name nya dito di ba....? Syempre naman, special yata lahat ng blogo-friends ko....! =D Thank you for this Krisha, sana okay lang sa'yo ang setup na to....! Salamat very much to the two beautiful ladies, Mrs.T and Krisha for this Friendship Ball....! Parang perlas na bilog ni Manang Bola of Batibot he-he....! "Perlas na bilog, wag tutulog-tulog....!" This will be another great addition to my collections of friendship tokens from ever thoughtful na si Mrs.T....! Ang dami ko nang utang sa'yo a, wala pa akong pambayad dyan....! =D

Thursday, January 17, 2008

Snake-spa....?




I found this photos in the web while i was reading some articles about japanese whaling and also the whale meat specially that appears to be very yummy sa tingin ko, though i'm against the practice.... Probably i was just hungry alam nyo na, pag-gutom si Pepe kahit ano na lang gustong kainin he-he....! Anyways, judging by this photos, the spa is definitely not for the faint-hearted na tao ha-ha....!


First and foremost, if anyone would think of deciding to go and get a spa-treatment, the main thing that they will have in mind of course is to relax di ba....? Either by scents, rocks, mud, music, seaweeds, running water, oil, etc. it's all about relaxation.... Pero ahas na gumagapang sa likod mo, wow ha, sino ka si Tarzan....? Oooh-woo-woooaah sigaw ni Tarzan yun ha-ha....! Ito yata ang tinatawag na relaxed forever effect ng spa kasi kung ahas nga naman ang gagamitin na pang massage sa'yo hindi kaya biglang atakehin ka na lang sa puso dyan at matigokok ka ng wala sa panahon he-he....!


Sa Ada Barak's Spa daw (wow, advertise ha) in the north of Israel, they offer their guests a chance to be massaged by snakes.... Barak, who uses california and florida king snakes, corn snakes and milk snakes in her treatments, says she was inspired by her belief that once people get over any initial misgivings, they find physical contact with the creatures to be soothing.... Soothing ka dyan, sweating kamo....! The whole session by the way costs 300 shekels (eq. to $A89.85)....


Hindi naman daw poisonous ang mga ginagamit nilang mga ahas at katunayan ay tuwangtuwa pa nga raw ang mga costumers nila at hinahayaan lang na gumapang ang mga ito sa likod nila.... It is said that the massage has a therapeutic effect on aching muscles and stiff joints.... Kung ako siguro, lalo akong magka-muscle pain at lalong magiging stiff ang joints sa style ng spa na yan....! Ah, stress ba tawag dun he-he....! Yun na nga stress, hindi kaya nawalan lang talaga ng malay ang ibang mga costumers nila kaya nasabi nilang na-relaxed ng husto ang mga to....?! Hindi kaya trauma ang abutin ng mga costumers dahil kulang na lang yata palitan nila ang pangalan ng business ng Torture-spa ha-ha....! Joks lang, baka magalit sila....! =D


Anyways, dun sa mga mahilig sa ganitong klase ng adventures dyan, subukan nyo naman kaya ang Anaconda.... Nakakita na ba kayo nung sumo-wrestlers na japanese ang tagamasahe dun sa mga costumers....? Ganun ang pakiramdam nun he-he....! Bali buto....! Krack! Krok! =D

Monday, January 14, 2008

Nagparamdam....

Good monday all....! By the way, this is one of my creations from my art-blog.... Wat keyn yo sey....? This one i call "Bahay Kubo", obviously naman ha-ha....! Medyo naging busy lang po ako lately dun sa Astig Museum ko na badly in need of my attention pa.... By the way, madami na po pala akong mga new updates dun, just in case na hindi nyo pa nasubukang bisitahin.... Lately kasi, i was trying to decide kung isasarado ko na lang yung mga iba ko pang blogs kasi napakahirap palang i-maintain lalo na't busy nga ako sa work and some other things.... Anyways, active na sya ulit ngayon at may mga nagbibisita na rin para tumingin ng mga arts ko.... Bakit, dati wala ba Peng....? Talagang wala po kakahiya ha-ha....!


May inilagay pa akong stat-counter nun just to monitor the number of visits at natutuwa pa nga akong makitang may mga dumadalaw naman pala.... Huli ko na lang na-realised na sa akin pala yung mga dalaw sa counter....! Sariling mga dalaw ko rin pala ang niri-record nung stat-counter ko ha-ha....! Maybe it's not so interesting nga, o dahil na rin sa dito ako sa main blog ko nagku-concentrate na masyado....


Some other things Peng....? Eto pa rin po ako ngayon sa bahay nakatambay, next week pa ang balik ko sa work and i'm already dying of boredom na....! Reklamador ha-ha....! Pano, wala naman kaming over-time nung december last year kaya nagdecide na akong i-extend na lang tong christmas vacation ko kasi kung magtatarabaho pa ako over christmas ay ganun pa rin naman ang kita dahil wala nga kaming over-time di ba....? Kaya yun, nagamit ko tuloy annual leave ko....!


Paminsanminsan naman ay lumalabas rin ako sa mga shops para bumili ng asin, suka, at boy bawang, tapos once a week kailangan kong i-check ang bahay ng aunty ko sa Merrylands, just two suburbs away lang from here kasi on holiday back to pinas sila ngayon (ako rin sana) at sa 19th pa ang uwi nila dito kaya atin-atin lang to ha, niri-raid ko ang fridge nila palagi ha-ha....! Nag-hire kasi sila ng bantay salakay kaya yun....! Burp! (dighay) ops, excuse me po he-he....! =D


Nagparamdam lang naman para malaman nyong buhay pa si ako at eto nga ulit pumipintig-pintig pa ha-ha....! Medyo naalimpungatan lang kasi ako sa sobrang pagka-focused ko yata dun sa other blogs ng tinanong ako ni Redlan for an update dito kaya Red, eto na request mo....! Hindi ko pa alam kung kelan muling masusundan to, gisingin mo na lang ako ulit kung mapatagal na naman tulog ko he-he....! Wawuu....! =D



Sunday, January 06, 2008

Square watermelons....?


Eto ang talagang bizarre sa lahat ng mga bizarre.... Nakakita na ba kayo ng hugis square na pakwan....? WHAT THE....?! Oo po, yan po ang katutuhanan at walang halong stir yan....! Meron na po talagang quatro-kantos na pakwan ayon dun sa napanood ko sa tv kahapon and there are actually several good reasons for making a watermelon in a block form like that, sabi nga dun sa napanood ko....


Since these things make great gifts, na hindi naman natin ginagawa dyan sa pinas dahil sino ba naman ang sirang BF na magreregalo ng naka-gift wrap na pakwan sa GF nya dyan di ba, (ang cheap mo ha!) at syempre chocolates pa rin naman ang da best and winning choice para dun sa mga GF, maybe in the future di ba....? But in countries where these square watermelons are most popularly grown, it makes sense to package them in boxes because of its square shape that easily fits into a square box with the minimum amount of wasted space....


Anyways, there's nothing imposible naman shapewise when it comes to gift wrapping nowadays.... I've seen a friend of mine gift wrap a whole mini-motorbike and had kept what is inside a secret from his 6 years old son, and asked him to only open the gift on christmas day, ignoring the fact that the darn thing still looks like a mini-motorbike with colourful papers and ribbons wrapped around it....!


So just think of it, a delicious watermelon packed in a home-grown gift box....! A kind of gift that will be appreciated, knowing that it would cost your pocket around $80 to get one of these juicy blocks (napakamahal naman) compared to about $20 for the normally boring unfashionable oval or rounded shape ones na mahal pa rin pero resonable na kung ang purpose mo ay para pangregalo nga.... Magkano na kaya ang pakwan ngayon dyan sa pinas....? Good thing about this is that they'are easily stored in your refrigerators at home.... Take it out, and it won't roll away....! Another thing is, the square shape of the fruit actually helps it sit steady while you are slicing it.... O di ba....!


And maybe you'are also wondering how is this possible.... Well, they aren't grown from square seeds as you've seen on cartoon channels.... Farmers in Zentsuji, located in southern Japan had succeeded in doing this by placing the young on-the-vine watermelons in tempered glass forms that force the growing melons to conform to their desired shape while still receiving necessary sunlight.... Only about 400 of the four-sided fruits are grown each season.... One would suppose that triangular or pyramid-shaped watermelons could also be created using this technique.... But i think the pyramid shapes are also in the market as well....


The Square Watermelon can be found in Japanese grocery stores in Tokyo and Osaka and is not currently available in some other parts of the world.... Square watermelons grown in Brazil have lately become available in Great Britain, though, so we may be enjoying them anywhere yet....! Kung ako naman ang tatanungin tungkol dun sa thoughts na maganda tong pangregalo regardless of its cost, of course nowadays this can really amaze, but is also a totally unwise spending.... Take it from Pepe, i-spend mo na lang sa movies yang pera mong pambili ng regalong square pakwan at sigurado't garantisadong magi-enjoy ka pa kasama ng GF mo the whole day he-he....! Yan lang po....! =D


Friday, January 04, 2008

Five in a row....


Thanks for the tag Mrs.T, i'm a bit late answering this one because i was so busy with some other things the past few day.... Anyways, here it goes....

1. Name one thing you do everyday.- I spend longer hours in front of the computer everyday....

2. Name two things you wish you could learn.- To learn how to fly a Jet Fighter Plane was my dream when i was just a kid.... Learning how to play the drums is another....

3. Name three things that remind you of your childhood.- Being surrounded by my parents and my siblings, Whenever i go to places that i've been before also reminds me of my childhood and when i'm in pinas i use to watch small kids playing in the their yard like we used to do when we were kid....

4. Name four things you love to eat but rarely do.- Aha, this is the question i'm more expert about....! Well, i love to eat Arroz Ala Valenciana it's my favorite dish but rarely cooking it, I love to eat Bananacue but it's not available here in australia.... If there's any, i don't know where to find them and also the variety of banana the Saba is also not available here, there's some imported and frozen ones in the fil-shops but they'are very expensive.... I also love to eat Lapaz Bachoy and Nilaga when i was still in the philippines....

5. Name five things that make you feel good.- Of course a long holiday back home will really make me feel good, Talking with AB all the time makes me feel good too, A nice cup of coffee, A walk in the shoreline, and a relaxing afternoon listening to my 80's collection....

I don't know who to tag yet so i'll do that part later.... Anyways, whoever want to have and interested to answer this meme, please feel free to do so.... =D

Wednesday, January 02, 2008

Day 2 of 2008....




Breakfast ko ngayon, Arroz Caldo with chicken wings yum-yum....! Teka nasan ba ang chicken wings dyan at parang wala naman....?!


Kasalukuyan pa pong hinahabol yung organ donor na manok na magdu-donate nung wings and other body parts he-he....!


Maaga akong nagising ngayon, mga 30 minutes earlier than yesterday.... Maaga ba yun....?! Naligo, naglinis ng rice cooker, balak sanang magsaing pero naisip ko, dapat yata sana ay yun ang inuna ko bago ko dinismantle yung rice cooker ay mali....!


Anyways, naalala kong nagluto pala ako ng isang malaking kaldero ng Arroz Caldo with chicken wings kagabi kaya solb na ang almusal.... Kunting microwave lang ayos na....! May chicken wings yan, nagtatago lang siguro dun sa may ilalim....! Wala akong maisipang gawin, 20 day to go pa bago ako bumalik sa trabaho ulit nakakainip....! Nabu-bored na yata ako dito sa bahay, butas pa ang bulsa ko.... Dalawang bill pa ang nag-aabang, iniisip ko na lang minsan na kunyari ay madami akong pera para wag ako masyadong mag-worry he-he....! Teka, masmasarap yata to with isang tasang kape a.... Kain tayo....! =D


Tuesday, January 01, 2008

Sydney fireworks display....



I want to share to you this short video of the new years eve celebration that took place last night here in sydney.... Taken from an amateur video in u-tube, thanks u-tube....! You will see here the streets of Darling Harbour, Circular Quay, and Opera House filled with people waiting.... A record crowd of almost 1.5 million people out partying in the streets.... I think they've already closed the streets from traffic here in preparations for the fireworks display at midnight.... Thought as usual, i was not able to go there and watch, but i was closely monitoring the event on tv....



And judging from what i've seen on tv last night, i think the fireworks display was the most spectacular that we've ever seen first thing this morning....! But i don't know, i'm just kind of feeling like as much as possible i want to avoid a large gathering nowaday dahil na rin siguro dun sa mga nakikita ko sa news about terrorism.... But anyways, successful naman ang celebrations kahit na may kunting mga lasingan at hindi pakaintindihan ay naging peaceful naman ang silibrasyon....



Then AB and i spent the night chatting with each other.... I also made a phone call to my parent's place back in pinas, but trying to take the topics away from money matter kasi pag may humingi ng pang new year ay patay kang bata ka....! Kapos kasi si Pepe ngayon alam nyo na.... Then around 3:00 AM aust. time na 12:00 midnight sakto in pinay, i had a very long chismisan with my nanay about dun sa mga bagaybagay na may sanlibong beses ko na yatang narinig mula sa kanya he-he....! Bakit kaya ganun ang mga parents natin minsan, kapag nag-litanya ay paulit-ulit from the time nung pagsalakay ng mga hapon sa pinas to the present pages palagi ang topic.... Kaya naman siguro magaling ako sa phil. history class ko ay dahil na rin dun he-he....! Tapos sa mga kapatid ko na sa awa naman ng diyos ay marunong na ring magpatakbo ng sariling mga life nila, except for one na medyo hindi pa alam kung saang dereksyon ba pupunta, pero nandito naman kaming lahat para patuloy pa rin na magbibigay ng suporta kung kinakailangan....



Nagsi-uwian kasi mga kapatid ko, one from singapore with his wife and 2 years old son, and my brother who is currently working in laguna na may plano na yatang mag asawa dahil bumili na ng bahay dun.... Also my other brother na palagi naman nadun dahil neighbors lang naman sila ng parents ko at isang bakuran lang, and my baby sister na kelan kaya balak mag-asawa....! Tatay ko naman as always, ay palaging naghihilik na everytime na tumatawag ako he-he....! Ako lang yata wala dun kaya next christmas ay sisiguraduhin ko na talagang makaka-uwi ako, fingers crossed....



After that call ay kwentuhan na kami ni AB until namalayan na lang namin na, ops, sumisikat na pala ang araw at maliwanag na sa labas....! Magsi-six 'o clock na pala, time na para matulog ang mga bampira....! Takbo bilis, baka matunaw ka....! Aaaaah....! At yun na nga, natulog na si dracula este si Pepe ng maaga dahil umaga na nga naman talaga at inumaga na nga ako ay tangek he-he....! Fast forward>>> Gumising na after a short 4 hours snooze at kasalukuyang nasa harap ng pyutirs at nagkakape ngayon habang ginagawa tong post na to.... Wow, this is my first ever cup of coffee pala in 2008....! Astig....! Anyways, i have to let you go now ligo muna ako.... And don't forget to enjoys your first of everything in 2008 today....! Happy new beginning everyone....! =D